Nilagang Itlog Recipe

fc83kt071-02_xlgTinalakay natin sa isang artikulo kung paano magprito ng itlog. Ngayon naman, mula sa kontribusyon ng isang netizen, susubukan nating magluto ng isa pang bagong recipe na Nilagang Itlog. Madali lang itong lutuin. Paano? Narito ang mga ingredients:

  • 6 na itlog. Bahala ka na kung anong uri ng itlog ang gusto mo. Kung nais mong magluto ng nilagang itlog gamit ang ostrich eggs, go ahead. 🙂
  • 1 litrong tubig o deep well water, no more and no less. Pag kulang, puwedeng maiga ang itlog. At kapag sobra naman, posible namang maging masabaw ang iyong nilagang itlog. Iyan ay isang bagay na iniiwasan nating mangyari habang niluluto ito.

Ihanda natin siyempre ang kaldero at ang kalan. Bakit ko ito nasabi? Masuwerte ka kung kaya mong ilaga ang itlog nang walang gamit na kaldero at kalan. Ngayong natukoy na natin ang mga sangkap, dumako na tayo sa pagluluto nito.

Instructions:

  1. Ilagay ang 1 litrong tubig at 6 na itlog sa kaldero.
  2. Ipatong ang kaldero sa kalan, lagyan ng apoy, at pakuluan nang eksaktong 8 minuto.
  3. Pagkatapos, hanguin ang itlog.Ilagay sa isang lalagyan at palamigin. Ang tubig na pinaglutuan ay pwedeng ibuhos sa bahay ng langgam sa inyong bakuran.

Iyan ang paraan ng pagluluto ng nilagang itlog, na ibinahagi sa atin ng isang netizen. Sana nagustuhan ninyo ang kanyang recipe, dahil napakasimple namang gawin iyan kahit pa sa loob ng bahay mo. Tara na’t subukan nating magluto ng Nilagang Itlog. Happy cooking! 🙂


Featured Image Credit: Boiled egg in a bowl.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s