Manny Piñol: Ikampanya natin si Duterte

Bago pa lumala ang away, ipaparating ko ang mensaheng ito sa mga Die-hard Supporters ni Duterte:

Meron tayong pinakamagaling na Pampanguluhang kandidato sa kanya, sa kabila ng kanyang kahinaan bilang tao at ng kanyang minsa’y matabil na dila.

Siya lamang ang kandidato na tuluyang pipigilan [o babawasan] ang droga at kriminalidad sa bansa at protektahan ang ating mga anak at ang ating mga minamahal sa buhay.

Walang naitalang katiwalian si Duterte, di tulad ni Binay at maging si Roxas, na pumayag sa pagbili ng mamahaling sasakyang pangkapulisan bilang kalihim noon ng DILG…

Si Duterte lamang ang tanging kandidato na naiintindihan ang agrikultura at ang paghihirap ng mga magsasaka.

Si Duterte lamang ang tanging kandidato na may kakayahang makipag-usap sa lahat ng armadong grupo na nakikibaka laban sa pamahalaan – ang NPA, MILF, at MNLF.

Si Duterte lamang ang tanging kandidato na nagpahayag na susuportahan niya ang karapatan ng mga Pilipinong manggagawa kahit na hindi ito ikalulugod ng mga malalaking negosyante.

Si Duterte lamang ang tanging kandidato na malinaw ang pahayag na aasikasuhin ang kapakanan ng mga pulis, mga nasa militar, mga guro, at iba pang napabayaang kawani ng gobyerno sa pangako nitong mataas na pasahod at mas mabuting benepisyo sa kanila.

Si Duterte lamang ang tanging kandidato na nagbigay sa milyong Overseas Filipino Workers ng inspirasyon at pag-asa na sa ilalim ng kanyang pamamahala, ang kanilang mga anak at ang kanilang mga mahal sa buhay ay mapoprotektahan sa droga at kriminalidad.

Siya lamang ang tanging kandidato na kayang magpatupad ng disiplina at batas gaya ng napatunayan niya sa Lungsod ng Davao.

Sa mga sumusuporta kay Duterte, ito ang aking mensahe: “Pakilusin natin yaong mga hindi naniniwala sa kanya, pati yaong mga hindi pa nakakapili ng Pangulo, sa pamamagitan ng mga kuwento na magpapatunay na maaasahan si Duterte bilang lider sa halip na takutin sila.”

Ang hamon natin ngayon ay suportahan si Duterte at tumulong upang malinis ang masamang imahe na gustong palabasin at ipinta ng mga naninira sa kanya.

Tandaan nating lahat: Ang pulitika ay laro ng numero: Mas maraming bilang, mas malaki ang pagkakataon mong dalhin [sa bayan] ang pagbabagong hinahangad ng bawat Pilipino.

Tama na ang pananakot. Mula ngayon, positibong kampanya ang gawin natin.

Gawin nating lahat ito kung talagang gusto natin ang Pagbabago.


(Written by Manny Piñol. Translated by TweetNewscaster)


Featured Image Credit: Rodrigo Duterte, who is presently at Taiwan. Picture from Davao Breaking News Facebook page.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s