Isang Bukas na Liham kay Delas Nieves

JP Delas Nieves:

Isinulat ko ang artikulong ito upang sabihin ang mga bagay-bagay dahil sa paghahain mo ng petisyon laban sa kanya.

Sinabi mo na “merong isang taong handang muling tanggalin ang demokrasya para ‘maglingkod sa bayan’.” Ngayon, tatanungin kita: Anong mga aspeto ng demokrasya ang nasa isip mo nang sinabi mo iyon? Sa tingin mo ba, tatanggalin ba niya talaga ang lahat ng aspeto ng demokrasya sakaling maupo siya bilang Pangulo?

Nang ikaw ay nasa Davao City, tinanong mo ba ang mga tao doon tungkol sa isyu ng demokrasyang iyan? Malalaya ba kung mag-isip ang mga tagaroon? Nasaliksik mo na ba ang tungkol sa lungsod na iyan? Talaga bang sinisikil niya ang demokrasya sa kanyang balwarte?

Sinabi mo rin na siya ay “walang paggalang sa karapatan ng ating mga kababayan…” Kung ang tinutukoy mo dito ay ang sinasabing pagpatay niya sa mga kriminal, nag-research ka ba nang maigi kung totoo nga ba ito? Yung sinasabi niya na tinatayang 1,700 na raw ang kanyang napatay ay isang uri lamang ng pagmamalabis. Sang-ayon naman dito si Senador Miriam Santiago. (Tanda mo ba ang itinuro sa atin sa paaralan tungkol sa mga tayutay?) Para sa iyong kaalaman, paulit-ulit na itong naipaliwanag nang pagkarami-raming ulit. Naipaliwanag na namin nang maraming beses ang tungkol sa isyu ng “due process” na iyan. Nasa sa iyo na iyan kung magsisipag ka sa pananaliksik sa isyung iyan.

Isa pa, siya lang ba ang hindi gumagalang sa karapatan ng ating mga kababayan? Siya lang ba talaga? Ang mas magandang tanong: Iginagalang ba ng mga kriminal ang karapatan ng mga biktima na mabuhay nang maayos at mapayapa? Iginagalang ba ng mga kriminal ang karapatan ng mga tao na magkaroon ng maayos na negosyo? Iginagalang ba ng mga kriminal ang buhay ng tao sa dami ng nabibiktima nila? O sa madaling salita: Iginagalang ba ng mga kriminal ang karapatang pantao?

Tungkol naman sa sinasabi mong pagbabanta daw ng mga supporters sa iyo, we’re sorry for you. Pero tama ba talaga ang akala mo nang sinabi mong “Nakalagay doon sana mamatay ka na. Sana ‘yung girlfriend mo magahasa, sana manakawan ka”? Hindi mo masyadong naintindihan. I’ll restate the question for you: Paano kung bigla na lamang ay patayin ka ng mga kriminal nang basta-basta? Manood ka na lang at tingnan mo na halos araw-araw ay puro patayan ang nagaganap. Paano naman kung malagay sa alanganin ang girlfriend mo sa tuwing umuuwi siya? Paano kung manakawan ka ng mahahalaga mong gamit? Irerespeto ba nila ang karapatan mo kung gagawin nila ang mga bagay na iyan?

Sinasabing papatayin daw niya ang mga kriminal. Tanong: Nagsaliksik ka bang maigi sa lagay ng kulungan sa kanyang lungsod? Meron ba talagang rehabilitation center sa kanyang lungsod? Ipinagbabawal ba ng batas ang pagkakaroon ng shoot-to-kill order sa mga lehitimong awtoridad? Kasama ba sa SOP na hahayaan munang mabaril ang mga pulis kung nanlaban at armado ang mga kriminal? Panghuli, kriminal ba ang mga pulis kapag nakabaril sila ng kriminal na nanlaban at armado?

Napabalita sa social media na hindi ka umalis sa isang frat na nasasangkot sa gulo, na dahilan para matanggal ka sa grupong kinabibilangan mo. Isa pang tanong: Sa pananatili mo sa nasabing fraternity, nirerespeto mo ba ang academic freedom? Sa pananatili mo sa nasabing fraternity, iginagalang mo ba ang karapatan ng kapwa mo mag-aaral na makapasok sa paaralan nang matiwasay at mapayapa? Iginagalang mo ba ang karapatang pantao ng kapwa mo mga mag-aaral?

Ngayon, tatanungin ulit kita: Bukod sa kanya, sino pang lider ang may political will? Sino sa tingin mo ang may kakayahang bawasan ang krimeng nangyayari sa paligid? Sino sa tingin mo ang lider na may kakayahang magdala ng magandang simula sa ating bayan?

Noong naghain ka ng kaso, sabi mo pa nga, hindi ka pa nga nakakasipot dahil sa sinasabi mong pagbabanta nila sa iyo. Kung ganoon, bakit hindi mo pinadalo ang iyong abogado sa pagdinig? Sikat ba siya? Kung natatakot ka rin na baka kuyugin ang abogado mo, bakit hindi ka pa kumuha ng isa pa at saka kumuha ng security, kung kaya?

Posible kasi na kahit di ka naghain ng reklamo laban sa kanya, kung maghain ka rin ng petisyon sa isa pang pulitiko, maari mo ring sapitin ang ganoong sitwasyon. Ngayon, sakaling hindi ka naghain ng kaso laban sa kanya, kunwari nagsampa ka ng kaso laban sa KathNiel, JaDine, o sa LizQuen, o sa ibang pulitiko gaya ni Grace Poe at Mar Roxas.Tanong: Nakikita mo ba na iyan din ang maari mong sapitin kapag ginawa mo iyan? At may basehan ba talaga para isampa ang petisyon laban sa kanya?

Gusto mong maghain pa ng maraming kaso laban sa kanya? Go ahead, pero harapin mo ang magiging kahihinatnan ng anumang desisyong ipapataw ng Comelec.

Pasensya na sa aking sulat, pero huwag kang mag-alala. Dadaan pa ito sa ilang pagdadagdag at rebisyon para mas maging maganda ang pagdadala ng aking mensahe sa iyo.

Kung mapapansin mo, puro ako tanong nang tanong sa iyo. Mas magandang tanungin ka tungkol sa mga bagay na iyan, upang matanto mo kahit paano kung talaga bang may basehan ang pagsampa mo ng kaso laban sa kanya o hindi.

Salamat sa pagbabasa ng artikulong ito. Sa totoo lang, hindi ako namemersonal, ni hindi ako naghahanap ng away sa iyo. Ang tanging hangad ko lang, tulad ng sinabi ko kanina, ay sabihin ang mga bagay-bagay sa iyo. Gawin na lang nating maayos ang pag-uusap, kung maari.


Featured Image Credit: Rappler.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s