Love Advice No. 50

From the UST Files:

May second chance pa ba?

Hi. Di nga pala ako taga-UST. Pero yung ex ko? Yes, he is. Gusto ko lang itong i-share kasi sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyon ko.

We’ve been together for almost 4years. Pero lahat ng iyon, nasira nang dahil sa akin. He was my first boyfriend and I was his first girlfriend. It was almost perfect. Akala ko, hindi na kami maghihiwalay. Sabi nga nila, “high school lovers stays longer.” Pero hindi pala.

[Noong taong] 2014, kailangan niya ng karamay dahil namatay ang lolo niya. Pero hindi. I was selfish. Sarili ko lang ang inisip ko. Nakipagbreak ako sa kanya after 1 week his lolo died. Sinabi ko sa kanya na di ko na siya mahal. Nasaktan ko siya nang sobra-sobra.

Ginawa niya ang lahat para maibalik [ang relationship namin]. But no, I was a hard-hearted person para pagbigyan ko siya ng chance. That was our first break up in our entire relationship. Mahal ko siya noon, mahal na mahal, but I need to sacrifice what we had because my parents are expecting too much from me and that’s my studies. Akala niya, iniwan ko siya dahil hindi ko na siya mahal pero hindi. Mas pinili kong mag-focus muna sa pag-aaral.

I saw how devastated he was when I left in his life. Last August 2015, nabalitaan kong may girlfriend na siya dahil sinagot na siya nung nililigawan nya. I saw how happy he is right now. Those smiles he has right now is greater than what I saw when we’re still together. Sobrang saya niya talaga sa bago [niyang girlfriend]. Maganda naman ako pero ang bago niya ay mas maganda. Balita ko nga, matalino pa at saka mabait. Ang swerte nila. Yung dating akin eh nasa kanya na.

Habang siya masaya, ako nalulungkot at nagsisisi. Sana hindi ko na lang siya hiniwalayan. Alam kong busy ako sa school pero alam kong maiintindihan niya yon. Kaya ko naman pagsabayin ang pag-aaral at pagmamahal sa kanya eh. Pero I was never brave enough to fight for him. Ito yung pagsisisi na hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko.

Sa tingin niyo ba, may chance pang magkabalikan pa kami? Mahal na mahal ko pa rin kasi talaga siya?

My Answer:

Sa tingin ko, wala nang chance para magkabalikan pa kayo, mahal mo man siya o hindi.

Malamang ay may natitira siyang pag-ibig sa iyo, pero hindi ibig sabihin nito ay puwede mo na siyang balikan. Wala nang silbi pa na makipagbalikan sa kanya. Wala nang silbi ang pag-ibig mo sa kanya.

May payo naman ang isang netizen sa iyo, “Bago ka kasi makipag-break, dapat isipin mo muna kung kaya mo siyang makita na may kasamang iba.” Nakatulong sana ito sa iyo para magkaroon ka ng tamang desisyon kung hihiwalayan mo na siya o hindi.

Present GF makes him happier

Mas masaya na siya sa kanyang present gf kaysa sa iyo. Bakit?

Sa isip niya, at that time na dinagdagan mo ang problema niya nang iniwan mo na siya sa ere, may dumating na handang umalalay sa kanya. May dumating na nagpagaan ng loob niya, at may dumating para pagaanin ang kanyang problema. Sa ganitong kalagayan, obviously, mas pipiliin ni guy ang present girlfriend niya.

Sumuko na siyang makipagbalikan sa iyo kasi alam na niya na ayaw mo sa kanya. Kahit sabihin ng iba na gagawin ng isang tao ang lahat makipagbalikan lang sa kapareha para ipadama ang pagmamahal, sa puntong ito ay alam na niya ang reyalidad. Mabilis na tumatakbo ang oras. Alangan namang sayangin niya ang oras para hintaying baguhin ang desisyon mo noon. Tapos, nang malaman mo na may bago na siya, saka mo pa lang natanto na kailangan mo siyang balikan? Ano ito, lokohan? You saw how happy he is now, so let him be happy.

See? Ngayon, kung gusto mo naman ng lovelife, eh di maghanap ka!

Thick Face

Sad to say na makapal din ang mukha mo. Sinira mo na nga ang kaligayahan niya nang hiniwalayan mo siya dati, sisirain mo pa rin ang kaligayahan niya sa piling ng kanyang bagong girlfriend. Lumalabas na hanggang ngayon, sarili mo pa rin ang iniisip mo. Hindi na kataka-taka na dahil sa pag-uugali mo, malamang hindi makatulog at laging umiiyak ang ex mo. Hindi na kataka-taka na dahil sa pag-uugali mo, iniwan mo siya sa ere sa panahong talagang kailangan ka niya.

At wala ka pa ring kadala-dala. Hindi mo rin inisip kung ano’ng magiging matinding epekto sa kanilang dalawa sakaling nais mong balikan siya. Na masaktan pa ulit ang lalaki sa kalokohang nagawa mo. Na baka ang girlfriend ay masyadong mapraning sakaling gawin mo iyan.

Face the Consequences

What you sow, you will reap. Nahihirapan siya, pero hindi ka gumawa ng paraan para alalayan siya at sa halip, hiniwalayan mo pa. Ngayon, nahihirapan ka na, and obviously, dahil hiniwalayan ka niya talaga, hindi ka na niya matutulungan pa.

Sinabi mo pa na “It was almost perfect.” Malamang, inggit na inggit at that time ang mga kaibigan mo sa relationship ninyong dalawa. Akala mo, hindi na kayo maghihiwalay. Ngayon, unti-unti mong pinapatay ang iyong sarili sa gawa-gawa mong maling akala, lalo pa’t kung hindi ka pa nakakamove-on. Ano ba ang problema mo at hiniwalayan mo siya? Ano ba talaga ang hanap mo?

Kung talagang mahal mo siya, dapat sana pinanindigan mo ang iyong relationship. Bakit ko nasabi ito? Habang binabasa ko ang tanong mo, napansin ko na ipinahihiwatig mo na iniutos ka daw ng magulang mo na iwan ang boyfriend para sa pag-aaral. Pinanindigan ng lalaki ang relasyon ninyo kahit na sinabi mong break kayo, pero hindi mo iyon ginawa. Hindi ka nag-effort para tumbasan ang pagmamahal niya sa iyo. Panindigan mo, sa iyo na siya. Pero kung hindi, magdusa ka!

School Lovers Stays Longer (?)

Gusto kong sabihin sa iyo na ang kasabihang “school lovers stays longer” ay nakadepende na sa inyong dalawa. Personally, I might agree to that saying. First, marami pang panahon para makilala ninyo ang isa’t isa. Second, hindi mo na namamalayan na sa pagdaan ng maraming panahon, unti-unti at lumalalim na ang relationship ninyo. Finally, kahit wala pa kayo sa senior citizens category, you will celebrate more years of your relationship kaysa sa ibang nag-iibigan. In actual practice, nakikita ko na merong high school lovers na hanggang ngayon, going strong pa rin. Merong iba na nauwi sa wala.

Parent’s Expectations

Your parents expect you too much. Tanong: Tama ba ang naging tugon mo sa expectations nila?

Let me extend this a little bit: Misplaced ang priorities mo. Hindi mo na sana pinaabot pa sa ganitong sitwasyon kung alam mo kung ano ba talaga ang dapat unahin.

Dapat maging resourceful ka. Mas maigi sana kung magla-lie low muna kayong dalawa, at mas maigi na sabihin sa kanya na kailangan mo munang ituon ang iyong sarili sa pag-aaral. O di kaya, humingi man lang ng tulong mula sa ex mo, lalo na sa mga subjects mo kung saan nahihirapan ka. O di kaya naman, ipagawa sa kanya ang assignment/tasks sa minor/non-acad/general education subjects na kinukuha mo ngayong semestre. Madali kang makakatapos sa pag-aaral, may dagdag na panahon ka pa para sa kanya.

Sinabi mo pa nga na iniwan mo siya sa pag-aakalang maiintindihan niya ang sitwasyon mo, pero mas maiintindihan ka niya kung nag-effort ka na gumawa ng mga nabanggit at iba pang paraan para pagsabayin siya at ang pag-aaral. Maiintindihan niya ito, lalo na’t kung ikaw lang ang nag-aaral sa inyong dalawa. So when the time comes na nakatapos ka na ng pag-aaral, at least may babalikan ka. Makakabawi ka pa sa kanya.

Pero hindi eh. Dumating na nga ang ganitong problema, hiniwalayan mo agad. Hindi dapat ganoon. Sa totoo lang, merong mga expectant parents pero hindi nila hiniwalayan ang kanilang syota. Kahit pa sabihing naghigpit ang mga magulang, ipinaglaban nila ang kanilang pag-ibig. Totoo ito lalo na sa actual practice. Kaya ang ending: napasaya na nila ang kanilang mga magulang, napasaya pa nila ang kanilang syota.

Parents part of your problem

Directly or indirectly, ang trato sa iyo ng mga magulang mo ang dahilan ng hiwalayan ninyong dalawa. Sana naintindihan din nila kung gaano ka kasaya sa piling niya, yamang nasabi mo kanina na halos perpekto na ang inyong relationship.

In the Future (?)

Noon, hindi mo nagawang pagsabayin ang career na tinatahak mo at ang pag-ibig. Ngayon, wala ka pa ring kadala-dala. Again, kung dati ay hindi mo kinayang gumawa ng paraan para balansehin ang dalawang iyan, paano pa kaya kung ikaw ay may career at pamilya na? Mas matindi ang hamong kakaharapin mo sa hinaharap kaysa noon. In actual practice, kailangan mo talagang balansehin ang career at pag-ibig. Sige nga, isip-isip din pag may time.

Ang moral lessons na dapat mong matutunan ay ito:

  • Kapag alam mo na siya ay one of the kind na lalaki, huwag mo na siyang pakawalan pa.
  • Also, “hindi kasi break-up ang paraan para malutas ang problema niyo.” Sa pagsubok na ito, napatunayan mo na hindi ka na loyal sa isang lalaki, at napatunayan nito na wala kang willpower (or political will sa mga politiko) para malampasan ninyong dalawa ang sitwasyon.
  • Kung hindi ka magiging matapang, walang forever na dadating sa iyo. Eh di nganga ka pa rin forever. Sige, maniwala ka pa rin sa kasabihang “Huwag hanapin ang pag-ibig, ito’y darating sa iyo.” Ngayong pinakawalan mo siya, eh di maghanap ka. Magsikap ka ngayon.
  • Gaya ng sinabi lately ng isang netizen: “If you can’t handle him at his worst, then you don’t deserve him at his best.”
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s