Manny Piñol: Tuloy Pa Rin Ang 4Ps!

Ano ang totoo?

Ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay programa ng pamahalaan laban sa kahirapan.

Nangangahulugan ito bilang isang programang “nagbabawas ng kahirapan at isang istratehiya ng pambansang gobyerno sa pagpapaunlad ng lipunan na nagbibigay ng kondisyonal na ayuda sa mga pinakamahihirap na pamilya para mapaubti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon lalo na sa mga batang 0-14 taong gulang. Sa ilalim ng ilang kondisyon tulad ng 85 porsiyento [o higit pa] na pagpasok ng mga bata bawat buwan sa paaralan at madalas na pagdalo ng mga ina sa “family development sessions,” at iba pa, nakakatanggap ang mga mahihirap na pamilya ng 500 piso kada buwan para sa gastusin sa kalusugan at nutrisyon nila, at 300 piso bawat bata para sa mga gastusin sa edukasyon; tinutustusan nito ang di lalampas sa tatlong bata sa bawat pamilya.

Ang buwanang ayuda ay ibinibigay sa mga mahihirap na pamilya sa kondisyon na “laging dalhin ng magulang ang kanilang mga anak sa preventive check-ups at papasukin sila sa paaralan. Ang mga buntis na benepisyaryo ay kinakailangang mag-check-up bago at matapos manganak, at dapat sinusubaybayan ng isang doktor kapag manganganak na.”

Kilala rin ang 4Ps sa tawag na Conditional Cash Transfer at itinulad mula sa programang kontra-kahirapan ng Mexico at Brazil.

Inilunsad sa pamamahala ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, una itong tinawag na Ahon Pamilyang Pilipino bago ito pinangalanang 4Ps noong 2008.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nangangasiwa sa proyektong ito, ay sinubukan ang CCT noong 2007 sa mga bayan ng Sibagat at Esperanza sa Agusan del Sur; sa mga bayan ng Lopez Jaena at Bonifacio sa Misamis Occidental, sa Caraga Region; at sa mga lungsod ng Pasay at Caloocan.

“Ngayong Hunyo 2013, hawak ng programa ang halos 3.93 milyong rehistradong pamilya. Tumatakbo ang operasyon nito sa 17 rehiyon, saklaw ang 79 na lalawigan, kasama ang 184 na mga bayan at 143 pangunahing mga lungsod, ayon sa DSWD,” ulat ng Wikipedia.

Sa laang-gugulin (budget) ng 2016, 64 bilyong piso ang nakalaan para sa 4Ps.

Kaya ano ba ang dapat malaman ng madla tungkol sa 4Ps?

  1. Hindi ito ang programang sinimulan ni Pangulong Aquino. Ang 4Ps ay sinimulan ni Pangulong Arroyo.
  2. Hindi libre ang mga ayuda sa ilalim ng 4Ps. Galing ito sa US$405 milyong utang (P19.035 bilyon) mula sa World Bank (WB) at US$400 milyon (P18.8 bilyon) mula sa Asian Development Bank (ADB).
  3. Magpapatuloy pa rin ang 4Ps kahit na matalo si Roxas sa pagka-Pangulo, tulad ng inaasahan, dahil pinondohan [din] ito ng utang mula sa ibang bansa.
  4. Ginagamit na ngayon ng administrasyon at Kalihim ng DSWD Dinky Soliman ang 4Ps bilang politikal na sandata na noon ay nagdeklara na walang pulitikong masasangkot sa programang ito ay siya ngayong naging karamay sa dakilang panukala na linlangin ang mga mahihirap at matamo ang kanilang boto sa pamamagitan ng pananakot.

Ngayon, kung pinalalaya ba ng 4Ps ang [maraming] Pilipino mula sa kahirapan o hindi, ay isang usapin na tatalakayin ko sa susunod.

Pag-uusapan din sa susunod kung ano ang naiisip at mga ideya ni Rody Duterte at ng kanyang katambal, na si Alan Peter Cayetano, tungkol sa 4Ps.

Sa ngayon, maliwanag na inilahad natin ang katotohanang sinasamantala at tinatakot nila ang mga mahihirap at inilalako ang malaking kasinungalingan upang gumana ang kandidatura ni Roxas.


Translated by TweetNewscaster. All figures in Philippine pesos are valued at US$1 = PHP 47.

 


Featured Image Credit: Via Manny Piñol: (Photo of poor Filipinos downloaded from Google.)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s