My Duterte Story: Reporter

From: Nini Realista Garado

Una kong nakaharap si Mayor Rody Duterte sa aking unang live coverage sa kanya. Ito ay sa kasagsagan ng anibersaryo ng pagbomba sa Davao Domestic Airport. (Ito’y matagal nang nangyari bago siya tumakbo bilang Pangulo.) Idinaos ang misa sa labas ng sira-sira at lumang paliparan. Pagkatapos ng misa, may maikling pagtatanghal kung saan naroon ang mga nakaligtas sa pagsabog pati na ang pamilya ng mga namatay. Pinag-usapan nila kung paanong tinulungan sila ng pamahalaang panlungsod matapos ang naturang pagsabog.

Ilan sa mga biktima ay bingyan ng trabaho ng lokal na pamahalaan. Ilang anak ng mga namatay ay nabigyan ng scholarships. Nagpasalamat silang lahat sa alkalde. Pero tulad ng lagi niyang ginagawa, tinanggihan ni Digong ang papuring “Utang-ko-sa-iyo-ang-aking-buhay” mula sa kanila at sinabing ginagawa niya (at ng lokal na pamahalaan) ang kanilang tungkulin.

Saka niya tinalakay na ilang taon matapos ang insidenteng iyon, iginiit niya, humiling, at nakiusap siya kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bigyan ang Davao ng bagong paliparan (isa na ipinangako sa Davao sa loob ng maraming taon pero di pa natutupad) na pamamahalaan mismo ng lokal na pamahalaan sa halip na isang pribadong kompanya (tulad ng lumang paliparan).

Sinabi niya, “Tuwing pupunta ako sa paliparan upang maglakbay kahit saan, hindi ko matiis na makita ulit ang mga patay. Dito, sa daang ito (pavement), nagkalat ang kanilang dugo kahit saan.” Inamin niya rin na ito ang dahilan kung bakit minsan inaatake siya ng nerbiyos. “Tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko sila,” dugtong niya.

Matapos ang programa, binigyan niya ang media ng pagkakataong idaos ang ambush interview sa kanya… Sinubukan ko munang pumunta sa harapan. Sobra akong nanenerbiyos na maging ganoong kalapit sa kanya. Nagsalita sya nang ilang minuto habang nakasiksik ako sa pagitan ng dalawang matangkad na cameramen na may dalang dalawang matangkad na tripod. Matapos ang ilang minuto, mukhang napansin niya ako na nahihirapan habang iniuunat ko ang aking braso at recorder papunta sa kanya. Sinabi niya: “Ikaw? Bago kang reporter?”

Tumango ako upang sabihing “Oo.”

“Mag-ingat ka, baka matamaan ka ng mga camera,” aniya, mukhang nagmamalasakit. Na para bang isang ama na nakikipag-usap sa anak.

Inayos ng dalawang cameramen ang kanilang posisyon upang makahinga ako nang kaunti.

Marami akong coverage kay Digong matapos nito pero ito ang aking paborito. Bukod pa sa isang coverage kung saan nagtungo kami sa mga kampo ng NPA upang palayain ang isang Prisoner of War kung saan nakipag-usap sa kanya ang mga rebelde nang may ganoong kalaking respeto.


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Duterte at Davao International Airport.

 

My Duterte Story: Cancer Patient and Taxi

Umuwi ako sa Davao noong isang taon para sa chemotherapy. At sa mga araw na hindi ko masyadong iniinda ang sakit, sumasakay ako sa taxi (na umaasang si Mayor Duterte ang nagmamaneho) upang dalhin ako saanmang lugar na gusto ko para palipasin ang araw at aliwin ang aking sarili.

Nakapamagalang ng mga cab drivers at masaya nila akong inililibot, at minsan kapag ako ay matutulog sa taxi, gigisingin ako ng drayber kapag nakarating kami sa bahay….nang ligtas. Namamasyal din ang aking pamilya sa hatinggabi at nababaliw sa late night Christmas sale nang walang pag-aalala na kami’y aatekihin o manakawan.

Ang buhay sa Lungsod ng Davao ay kahanga-hanga. Merong isang pangyayari na nahuli ang kuya ko na mabilis magpatakbo nang lampas sa 30 kph limit, at kung hindi dahil kailangan akong itakbo sa ospital, mahaharap niya ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.

Shannel Lee, 35 (Davaoenya)


Translated by: TweetNewscaster

 

Duterte: Mula Social Media Patungong Kalsada

Sa lahat ng mga taong kabilang sa Classes A, B, at C:

Sa darating na halalan, huwag ninyong sisihin ang Class D and E kung sila ay nagpagamit at ang mga korap na politiko ang nanalo. Sisihin natin ang sarili natin, dahil wala tayong ginawa o HINDI SAPAT ang ating ginawa para sila ay turuan.

Tayo ang mas nakakaunawa, tayo ang mas nakakaalam ano ang totoong BALITA, tayo ang may access sa lahat ng impormasyon, tayo ang may makinarya. Hindi silang mga nasa class D and E na nagbibilad sa araw at nagtatrabaho ng mahigit sa 12 oras ang dapat sisihin bakit nananatili ang maruming eleksyon.

Hindi silang nasa ibaba ang dapat na aakyat sa itaas upang abutin tayo. Tayong mga mas nakakaangat ang dapat bumaba para abutin at akayin sila.

Huli na ba ang lahat? Hindi pa. May oras pa. Umpisahan nyo nang planuhin kung paano niyo dadalhin ang kampanya mula sa social media papunta sa kalsada.

Kilos na.


Original Post from Rodrigo Duterte for President National Chapter.

 

Rodrigo Duterte: Mayor of Bureau of Customs

Lumang balita na ito, pero dahil binabalik-balikan ng ibang kampo ang balitang ito, hindi ko matiis na bigyang-linaw ang isyung ito.

Tingnan mo kung paano ito pinapatulan ng iba upang itaguyod ang kanilang mapanganib na mga adyenda. Heto na ang kanilang nakakahiyang ugali – ang balikan ang mga balita at lokohin ang publiko.

Sa ibaba ay ang mga screengrab na kinuha mula sa Facebook page ni Cynthia Patag at sa website ng Inquirer.

12642892_10153474771936379_6906156417673846128_n

12552600_10153474771856379_2303495067550732880_n

Habang sinasabi ng orihinal na artikulo na “Davao City now smuggling hub, says agri group” (Davao City, sentro ng pagpupuslit, anang grupong agrikultural), pinili ng isang sikat na personalidad na si Cynthia Patag na baguhin ang pamagat ng artikulo sa “Dvao City is the smuggling Capital of the Philippines.” (Lungsod ng Dvao, kabisera ng pagpupuslit sa Pilipinas) Oo, meron diyang typographical error. Halatang pagtatangka ito na siraan si Duterte at ang kanyang kandidatura.

Nakakalungkot isiping matapang na ginawa ng isang taong tulad niya ang bagay na ito na para bang walang mali sa kanyang ginawa.

Ang mga ganitong tao ay hindi kayang lumaban nang patas, kaya pinili nilang gawin ang kinagawaiang maruming gawi. Totoong nakakaawa [sila].

At naiintindihan ba niya na ang Customs ay nasa ilalim ng pambansang pamahalaan na pinamumunuan ni PNoy (na masaya niyang sinusuportahan) at na hindi hawak ng pamahalaan ng Lungsod ng Davao ang nasabing ahensiya? Kung iisipin mo ito, ang artikulong ito ay mas makakasakit kay Mar Roxas kaysa kay Duterte.

…Binabatikos [ni Duterte] ang mga opisyal ng BOC sa kanyang lingguhang programa sa telebisyon dahil sa mga ulat tungkol sa mga aktibidad na iyan bago pa man nakiusap si BIR Commissioner Kim Henares kay Duterte para makialam sa isyu. Eksaktong ginawa ni Duterte kung ano ang kaya niyang gawin kahit na limitado lang ang kanyang saklaw sa isyung ito.

Isang babala sa publiko: Maging mapanuri lagi at unawain kung ano ang iyong nakikita at nababasa sa Internet. Huwag basta-basta kukuha ng ibang opinyon at aangkin iyon. Basahin, unawain, at bumuo ng sarili mong opinyon.

[admin Kassy]


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Inday Sara’s Facebook fan page.