My Duterte Story: Reporter

From: Nini Realista Garado

Una kong nakaharap si Mayor Rody Duterte sa aking unang live coverage sa kanya. Ito ay sa kasagsagan ng anibersaryo ng pagbomba sa Davao Domestic Airport. (Ito’y matagal nang nangyari bago siya tumakbo bilang Pangulo.) Idinaos ang misa sa labas ng sira-sira at lumang paliparan. Pagkatapos ng misa, may maikling pagtatanghal kung saan naroon ang mga nakaligtas sa pagsabog pati na ang pamilya ng mga namatay. Pinag-usapan nila kung paanong tinulungan sila ng pamahalaang panlungsod matapos ang naturang pagsabog.

Ilan sa mga biktima ay bingyan ng trabaho ng lokal na pamahalaan. Ilang anak ng mga namatay ay nabigyan ng scholarships. Nagpasalamat silang lahat sa alkalde. Pero tulad ng lagi niyang ginagawa, tinanggihan ni Digong ang papuring “Utang-ko-sa-iyo-ang-aking-buhay” mula sa kanila at sinabing ginagawa niya (at ng lokal na pamahalaan) ang kanilang tungkulin.

Saka niya tinalakay na ilang taon matapos ang insidenteng iyon, iginiit niya, humiling, at nakiusap siya kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bigyan ang Davao ng bagong paliparan (isa na ipinangako sa Davao sa loob ng maraming taon pero di pa natutupad) na pamamahalaan mismo ng lokal na pamahalaan sa halip na isang pribadong kompanya (tulad ng lumang paliparan).

Sinabi niya, “Tuwing pupunta ako sa paliparan upang maglakbay kahit saan, hindi ko matiis na makita ulit ang mga patay. Dito, sa daang ito (pavement), nagkalat ang kanilang dugo kahit saan.” Inamin niya rin na ito ang dahilan kung bakit minsan inaatake siya ng nerbiyos. “Tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko sila,” dugtong niya.

Matapos ang programa, binigyan niya ang media ng pagkakataong idaos ang ambush interview sa kanya… Sinubukan ko munang pumunta sa harapan. Sobra akong nanenerbiyos na maging ganoong kalapit sa kanya. Nagsalita sya nang ilang minuto habang nakasiksik ako sa pagitan ng dalawang matangkad na cameramen na may dalang dalawang matangkad na tripod. Matapos ang ilang minuto, mukhang napansin niya ako na nahihirapan habang iniuunat ko ang aking braso at recorder papunta sa kanya. Sinabi niya: “Ikaw? Bago kang reporter?”

Tumango ako upang sabihing “Oo.”

“Mag-ingat ka, baka matamaan ka ng mga camera,” aniya, mukhang nagmamalasakit. Na para bang isang ama na nakikipag-usap sa anak.

Inayos ng dalawang cameramen ang kanilang posisyon upang makahinga ako nang kaunti.

Marami akong coverage kay Digong matapos nito pero ito ang aking paborito. Bukod pa sa isang coverage kung saan nagtungo kami sa mga kampo ng NPA upang palayain ang isang Prisoner of War kung saan nakipag-usap sa kanya ang mga rebelde nang may ganoong kalaking respeto.


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Duterte at Davao International Airport.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s