Taxation Straight Problem No. 3: On The Wings of Love

Determine the taxes payable by Tatang Sol and Simon.


Value-Added Tax or Percentage Tax

Tatang Sol drives a jeepney for hire, transporting passengers. The following gross receipts and expenses were extracted from his books of accounts for the following months:

Gross Receipts

Expenses

July

12,800

4,260

August

9,600

3,200

September

8,875

2,275

October

9,230

3,146

November

10,498

4,122

December

11,996

5,786

January

8,956

4,213

February 9,455

2,814

Requirements:

  1. Determine the income tax, percentage tax, and VAT to be paid by Tatang Sol for the respective months. Show supporting computations.
  2. Same question, this time using manual or electronic BIR Forms.

Donation

Tatang Sol made the following donations on account of their marriages on February 27, 2016:

  1. Tiffany, on account of her marriage to Tolayts, celebrated last January 14, 2015, house and lot in Dasmariñas City, 1,250,000.
  2. Leah, on account of her marriage to Clark, to be celebrated on April 27, 2016, personal property worth 980,000.
  3. Clark, a parcel of land worth 1,065,000.
  4. Jigs, on account of his marriage to Angela the next day, personal property worth 275,000.

Tatang Sol’s previous gifts on January 2016 amounted to 1,605,000 and he had previously paid 92,400 related to the particular donation.

Requirements:

  1. Determine the donor’s tax to be paid by Tatang Sol for February 27, 2016. Show supporting computations.
  2. Same question, this time using manual or electronic BIR Forms.

Regular Corporate Income Tax vs. Minimum Corporate Income Tax

The Creative Concepts Corporation is a company primarily engaged in advertising services for its clients in television, radio, and print. Simon, the President and the rumored fiancee of Leah, is now approaching you to compute for the tax to be paid by the corporation. You extracted the following from him:

1st Quarter

2nd Quarter

3rd Quarter

4th Quarter

Gross Receipts on Advertising

1,400,000

4,315,000

3,275,000

4,226,000

Cost of Direct Services

400,000

565,000

275,000

126,000

Other Expenses

870,000

3,570,000

2,740,000

3,930,000

Creditable Withholding Tax

5,000

6,400

7,800

8,400

The figures stated above are for their respective quarters only.

Requirements:

  1. Determine the regular corporate income tax, the minimum corporate income tax, and the income tax payable by the Creative Concepts Corporation for the following: (Show supporting computations.)
    1. 1st quarter
    2. 2nd quarter
    3. 3rd quarter
    4. 4th quarter
  2. Same question, this time using manual or electronic BIR Forms.

Taxation problem prepared by: TweetNewscaster.


Featured Image Credit: Paulo Avelino as Simon.

 

 

Taxation Straight Problem No. 2: On The Wings of Love

Marami na ang natuwa, kinilig, at tumili sa happy ending ng On The Wings of Love. Satisfied ba kayo sa ending ng OTWOL? For me, medyo hindi pa. Bakit?

Ganito ang puwede nating isingit sa ending ng On The Wings of Love. Sina Clark at Leah ay mag-asawa na. Natupad na nga ang kanilang happy ending. They lived happily ever after. Pagkatapos nilang magpakasal, naging stable na ang work nilang dalawa. Of course, kahit kasal na, may feelings pa rin si Simon kay Leah. (Hirap makamove-on, ano?) By the way, dalawa na ang anak nilang mag-asawa. (Tuwang-tuwa na si Tatang Sol dahil diyan. 🙂 )

Akala mo, tapos na iyon? Hindi pa. Kasi, may isang problema sila. Kailangan nilang magbayad ng income tax. Mas lalong problemado si Leah, at tinatanong sa iyo, “Magkano ang dapat naming bayaran sa BIR?” Solve their problem using all the concepts that you learned in Taxation.

Leah now showed you her statement of income and expenses as follows:

Compensation Income, net of withholding tax of 112,000

438,000

13th Month Pay

75,000

Rent Income from some units of Tenement Uno, owned jointly by Clark and Leah, net of 5% withholding tax

152,000

Interest income from their joint account

78,000

Fringe Benefits furnished by Simon for convenience of Leah as manager of Advertising Department

25,500

Condominium unit leased by Simon for Leah’s use

1,225,000

Allowances given by Simon, not subject to liquidation

44,000

Royalties from her book entitled, “With Love, Clark”

2,150,000

Professional Fee received by Leah, net of 15% withholding tax

782,000

Total Expenses

277,000

Meanwhile, Clark showed you his statement of his income and expenses as follows:

Compensation Income, net of withholding tax of 225,000

675,000

Business Income managed by the couple

552,000

Interest income on long-term deposit, invested for 4 ½ years, pre-terminated by Clark for wedding expenses

125,000

Prize received by Clark for joining Mr. Tenement Uno

15,000

Motor vehicle for Clark’s use, registered in the name of Pachang’s Woodland Corporation

1,562,000

Allowances given by Tita Jack to manage the company, subject to liquidation

20,000

Dividends received as stockholder of Pachang’s Woodland Corporation

46,000

Total Expenses

245,000

In addition, they have the following dependents:

  1. Clarkee, their eldest child, reached the age of 21 on February 26, 2016
  2. Clark Jr., their youngest child, gainfully employed during the year at age 19.
  3. Baste, Leah’s niece, 7 years old.
  4. Jigs, Clark’s cousin, 18 years old, married to Angela.

Leah had paid PHP2,280.00 as premiums on health and hospitalization insurance.

Requirements:

  1. Determine the following taxes payable by Clark and Leah. Show supporting computations for the following (Assume these are to be paid for taxable year 2016):
    1. Income Tax Still Due
    2. Fringe Benefit Tax
    3. Final Tax on Passive Income
  2. Same question, this time, using manual or electronic BIR Forms.

Taxation problem prepared by: TweetNewscaster.


Featured Image Credit: Nadine Lustre as Leah.

 

 

My Duterte Story: Pagbabago

Bakit ko iboboto si Duterte?

Unang-una binago niya kami. Oo, taga-Davao City ako mula noong 1996 nang lumuwas kami mula sa bayan ng Lupon, Davao Oriental.

Pano ba kami binago ni Duterte?

Inumpisahan ni Duterte ang pagbabago sa Davao City sa mga bata mismo, na nang mga panahong iyon, ako’y labing-isang taong gulang pa lang. Ipinakita niya sa amin na dapat kaming matakot sa batas. Ipinamulat niya sa amin kung ano ang mangyayari sa buhay namin kung sinusuway namin ang batas.

Noong 1996 hanggang 2000 parang nagalit ang mga tao kay Duterte kasi nga mahigpit ang batas niya. Mga lola, lolo, at mga magulang namin ay ayaw kay Duterte, kasi sabi nila, walang kalayaan. Noong nakita na ni Duterte na ang mga tao ay sumusunod na sa kanya [o sa batas], binigyan naman niya ang mga tao ng mga serbisyo tulad ng 911 Emergency (LIBRE at makabagong teknolohiya sa pagtugon sa sakuna), senior citizen allowance, kulungan ng mga babae na parang village, na lahat ng pera na nakokolekta sa naninigarilyo ay napupunta sa mga batang may cancer, malinis at mabangong lungsod, mababa ang antas ng katiwalian, pinakaligtas na lungsod, imprastraktura (tulad ng liwasang pambayan, mga kalsada, at iba pa), mga pulis na walang malalaking tiyan, bagong sasakyan para sa mga pulis, at marami pang iba.

PERO ANG PINAKAMAGANDANG NAGAWA NIYA SA TAO AY BINAGO NIYA KAMI. Meron na kaming disiplina sa sarili. Ngayon, ako’y tatlumpu’t isang taong gulang na merong disiplina at may takot sa batas. Minsan nga, kapag naglalakad ako sa Davao, tapos meron akong bitbit na candy wrapper, inilalagay ko lang sa bulsa ko at naghahanap ng basurahan para doon itapon nang bukal sa puso. Alam mo yung [pakiramdam na] hindi mo ginawa iyon dahil takot ka sa batas – ginagawa mo kasi nakasanayan na. Iyan ang disiplinang ginawa ni Duterte sa amin sa Lungsod ng Davao.


Featured Image Credit: Rody Duterte from philtek.’s Facebook page.

 

My Duterte Story: Gamot

#‎MyDuterteStory

Ni: Yrevaa Yaj

Sa loob ng maraming oras na ako’y tumitingin sa Facebook, ang aking newsfeed ay punung-puno ng mga propaganda laban kay Mayor Duterte, ang kanyang pagmumura, ang kanyang maruming mga salitang ginamit [upang sabihing] lilinisin ang kalat sa pagpatay sa mga kriminal at pagtatapon sa mga tiwaling opisyal sa ilang ilog at look upang patabain ang mga lamang-dagat, ng kanyang pagiging babaero at ang pinakahuli, ang [diumano’y] pagmura sa Santo Papa. Pero hayaan mong ikuwento sa iyo kung paanong tinulungan ako at ng aking anak ni Mayor Duterte sa pinakamatinding pagsubok sa aking buhay.

Dalawampu’t isang taong gulang pa lang ako noon, isang kolehiyala sa isang tanyag na paaralan sa Lungsod ng Davao. Talagang hindi ako taga-Lungsod ng Davao pero galing ako sa isa sa mga bayan ng Davao del Sur. Nasa ikatlong taon na ako sa pamantasan nang nagkaanak ako, at bilang solong ina sa 21 taong gulang, mahirap para sa akin at sa aking pamilya na nadismaya dahil malaki ang pag-asa nilang makatapos ako sa aking kursong medikal at magkaroon ng maayos na buhay. Pero nangyari na ito, at naisip ko na matapos kong iluwal ang aking anak, bubuti na ang lahat. Pero mapagbiro ang buhay. Nang tatlong buwan pa lang ang aking anak, natuklasang meron siyang Bacterial Meningitis, isang sakit na napakalupit na magreresulta sa kanyang pamamayat at ang pinakamalala, kamatayan.

Gumuho ang aking mundo, at talagang durog ang aking puso. Hindi ko alam kung saan ko kukunin ang ganoong kalaking halaga ng pera para sa pagpapagamot ng aking anak. Wala akong asawa, at ang kasama ko lang ay ang aking pamilya na sumusuporta sa akin. At ang mas malala pa, ang aking anak ang siyang pinakabatang pasyente sa kasaysayang medikal ng buong Mindanao na nagdurusa sa naturang sakit. Hindi namin alam kung saan kami kukuha ng pera at kung paano makakaligtas sa nasabing sakit habang kinailangan siyang ipasok sa isang pribadong ospital sa Davao upang masuri ng espesyalista. Tumaas ang halaga ng kanyang pagpapagamot na parang rocketship at maari itong makabara sa air pipe dahil napakamahal nga ito.

Ang aking ina, na malakas ang loob at pursigidong humingi ng tulong para sa kanyang unang apo, ang nagsabi sa akin na susubukan niyang pumunta sa City Hall at humingi ng tulong kay Mayor Duterte. Nag-alangan ako, at sinabi ko sa aking ina, “Mang, kahit hindi puwede, hindi tayo taga-Davao,” pero punung-puno siya ng pag-asa, at tumugon siya, “Susubukan ko lang, anak, ako’y isang tindero ng puto maya sa labas ng ospital [kung saan] tumutulong si Mayor [sa mga tao] kahit hindi taga-Davao. Susubukan ko. Meron silang City Assistance na tinatawag na Lingap para sa Mahirap. Susubukan ko lang.” At tumungo ang aking ina sa City Hall. Hinintay ko siyang bumalik at nanalangin na sana merong positibong resulta. Kailangang turukan ang aking anak ng antibiotic sa alas-4 ng hapon araw-araw at ito’y para bang bumubuhay sa kanya dahil ang kanyang gamutan ay napakamahal.

Kung tama ang naaalala ko, umaabot sa limang libong piso araw-araw ang kanyang antibiotic, at gamot pa lang iyan. Araw-araw bago pumatak ang alas-4 ng hapon, nanalangin ako na sana bumalik ang aking ama o ina sa ospital na may dalang pera o gamot para sa turok ng aking anak. Sampung minuto bago mag-alas-4 sa araw na iyon nang pumunta ang aking ina sa City Hall upang humingi ng tulong, tumakbo siya pabalik sa kuwarto ng ospital na punung-puno ng tuwa at luha ng kagalakan habang inaabot sa akin ang isang piraso ng papel at bag ng gamot…habang umiiyak at sinasabing, “Anak, may gamot na si Dodong araw-araw. Hindi na tayo mababaliw sa paghahanap ng gamot, anak.” Tinanong ko siya kung paano nangyari ito. Sinabi niya sa akin na nang siya’y nasa City Hall, nag-oopisina si Mayor Duterte sa labas ng City Hall upang pagsilbihan ang mga taong nangangailangan ng tulong.

Nang nagkaroon ng pagkakataon ang aking ina, at tinanong siya ni Mayor Duterte kung ano ang magagawa niya para sa kanya, sumagot ang aking ina, “Mayor, hindi kami taga-Davao City, hindi kami botante ninyo, Mayor, pero humihingi ako ng tulong para sa aking apo.” Ipinakita ng aking ina ang larawan ng aking anak at sinabi niyang may meningitis ang kanyang apo. Hindi nagtagal, hindi man tapos ang aking ina sa kanyang sasabihin, nang makita ni Mayor Duterte ang larawan ng aking anak na suot ang hospital gown, may sinulat siya sa isang pirasong papel habang tinatanong ang aking ina kung saang ospital namalagi ang aking anak.

Matapos magsulat, sinabi niya sa kanyang staff na alalayan ang aking ina at ibigay ang papel sa kanyang anak na si Ma’am Inday Sara. Sinagot niya ang bayarin sa ospital ng aking anak sa loob ng kanyang isa’t kalahating buwan ng pamamalagi sa ospital. Gayundin naman, 70 porsiyento ng aming bayarin sa ospital ay bayad na. Ito ang pinakanakakaantig at pinakamatinding halimbawa ng malasakit mula sa isa na hindi humihingi ng kapalit lalo na sa mga tao na alam niyang hindi siya bibigyan ng pabor at boto dahil hindi pa sila residente ng Lungsod ng Davao.

Kaya, tatanungin mo, “Bakit mahal ng Lungsod ng Davao si Mayor Duterte?” Dahil ang kanyang malasakit sa mga taong namumuhay nang maayos ay abot mula sa Silangan hanggang sa Kanluran, Hilaga hanggang Timog. At dahil dito, habambuhay akong magpapasalamat sa tao na may isang salita, na ipinapakita ang kanyang tunay na kulay – na sa kabila ng kanyang matapang at makulay na personalidad ay may puso sa kanyang mga tao.

Pagpalain ka nawa ng Diyos, Mayor Digong. Salamat sa Diyos dahil narito ka’t ginamit ka Niya para tulungan ako sa pinakamadilim na yugtong iyon. Siyanga pala, walong taong gulang na ang aking anak, malusog, masaya at napakatalino. Maraming salamat po.


Translated by TweetNewscaster


Featured Image Credit: Her son’s picture taken from Facebook.

 

 

My Duterte Story: Ama

Ni: Cyril James Tagud Bual

Noong Setyembre 2011, ang aking ama, na minsang namuno sa pagbili ng lupa ng isang kilalang pandaigdigang kompanya ng minahan, ay pinatay ilang metro lamang sa labas ng aming bahay. Iyan ang pinakamasaklap na nangyari sa buhay ko at buhay ng aming pamilya. Nakakatuwang isipin na dumating ang 911 nang mga 5-10 minuto matapos ang aming personal na trahedya.

Kabilang ang aking pamilya sa panggitnang uri (middle working class): na walang anumang politikal na koneksyon, kahit sa isa na tinutustusan ng milyones sa bangko. Nagsimula na akong mag-isip na ang pagpaslang sa aking ama ay maitatala pa, bilang isang tala laban sa halos mababang bilang ng krimen sa Lungsod ng Davao.

Lumipas ang mga araw. May usap-usapan na malamang na NPA ang nasa likod ng pagpatay sa aking ama. Sa bandang huli, sinikap niyang bilhin ang lupa ng mga mahihirap. Pero isang araw, bago magbukang-liwayway, agad-agad naglakad si Mayor Duterte sa burol ng aking ama sa Davao Cosmopolitan. Nagulat ako kung bakit siya naroon. Nakipag-usap siya sa ilang miyembro ng pamilya ko, nakita ang ama, yumuko malapit sa ataul, at malamang na nanalangin.

Saka ko lang nadinig na mukhang alam na ni Mayor ang kaso ng aking ama. Nalungkot siya sa nangyaring iyon sa kanyang lungsod, sinabi niya sa isang miyembro ng aking pamilya na tutulong siya sa anumang paraang kaya niya. Mukhang alam ni Mayor na hindi sangkot ang NPA dito. Isang munting senyas [mula sa kanya], pero kahit paano mas sigurado kami sa kung sino ang di dapat pagsuspetsahan.

Subalit ilang buwan ang nakalipas, sa Emergency Room ng Davao Medical School Foundation Hospital, pinatanggal ni Commander “Bato”Dela Rosa, ang Hepe ng Pulisya sa Lungsod ng Davao, ang kanyang mga tahi at nilapatan ng Tetanus Toxoid shots. Si Mayor Duterte at Commander Bato ay pinuri at binatikos sa buong bansa matapos barilin ang mga kidnapper na dumukot sa isang mayamang negosyanteng Intsik sa isang bangko sa Lungsod ng Davao.

Nakatagpo ko siya noong ako dati ay isang Surgery Intern. Nilapitan ko si Commander Bato at nagpakuha ng larawan kasama siya. Napansin niya ang apelyido ko sa aking Intern’s Gown at tinaong kung kamag-anak ko ba ang isang napaslang na biktima. Sa simula nagulat ako, pero sinabi ko na oo. Humingi siya ng tawad sa pagkawala ng aking ama at humingi siya ng tawad dahil kahit paano nakalusot ang mga kriminal sa pulisya ng Davao at sa mga checkpoint ng Task Force Davao security. Sinabi niya na nilapitan ni Mayor Duterte ang kanyang mga malalapit na kaibigan mula sa hanay ng NPA at tiniyak na wala sila talagang kinalaman sa pagkamatay ng aking ama. Hiniling niya na maging maayos ang aking lagay at na pagpalain ang aking pamilya.

Ganito ang mga lingkod-bayan na gusto ko para sa aking bansa. Tinatrato nila nang maayos ang mga sumusunod sa batas at ipinagmamalaki nila ang kanilang tungkulin na protektahan kami sa krimen. Maganda ang kanilang kooperasyon at iniimbestigahan nila mismo ang mga kasong nais nilang resolbahin.

Ganoon din si Commander Bato, na dating hepe ng pulisya ng Davao. Hindi ko inasahan na maalala niya ang kaso ng aking ama… at humingi ng tawad sa “kapalpakan”ng kanyang ahensya. Hindi ko hiniling [na gawin nila] ang mga bagay na ito, pero ginawa nila ito at higit pa sa aking inaasahan. Pinahanga nila ako sa kanilang mga simpleng gawain. Talagang nagmamalasakit si Mayor Duterte sa mga tao at apektado siya sa pagkawala ng kanyang mga kababayan. Hinahangaan at iginagalang ko siya dahil dito at higit pa.


Translated by: TweetNewscaster

 

Buffet of Roses Recipe

Good day, readers! Ngayong Valentines Day, siguro naghahanap kayo ng ka-date? O kung hindi man, hinahanap ninyo ang inyong boyfriend o girlfriend na mayayakap ninyo ngayon, di ba? Kasi, malamig pa rin ang panahon ngayon (yamang Amihan season ang February 14).

Nag-iisip ba kayo ng magandang puwedeng iregalo sa taong mahal mo? Kung oo, bakit hindi mo subukang magluto ng kakaiba? Magluto ka at ihain mo sa kanya ang pagkain! Dahil, ayon sa isang kasabihan, “The way to a man’s (or woman’s heart) is through his (or her) stomach.”

Tatanungin mo naman, “Ano ang bagong lulutuin ngayon ng may-akda?” Sagot: Buffet of Roses. Yes, you read it right. Buffet of Roses na ang lulutuin natin ngayon. Perfect ito para sa taong mahal mo, pero ayaw tanggapin ang dala mong roses, dahil nakokornihan siya dito. Ayaw niya ng roses? Eh di iluto na natin!

Ngayon, itatanong mo ulit sa akin, “Bakit Buffet of Roses? Di ba’t bouquet ang tamang salita para diyan?” Well, may ikukuwento akong kaunti, at mga 2 taon na ang nakalipas mula nang ipost iyan, pero relevant pa rin ito lalo’t Valentine’s Day na ngayon.

Ayon sa isang post:

Bto49_gCMAACxLh
Grabe! Ang sosyal naman ng lalaki. Kumuha pa siya ng catering para mabigyan ang dalaga ng buffet of roses. I also presume na hindi lamang ang girl na iyon ang nakakain ng buffet of roses, kundi pati ang kani-kanilang mga kaibigan at kamag-anak.

So, ano nga ba ang lasa ng buffet of roses?

Ito kaya ang inihain ni guy sa kanyang girlfriend?

Anong catering business ang nagluluto ng buffet of roses? Honestly, hindi ko masasagot ang tanong na iyan, kasi mahirap iyang iresearch. Kaya, TweetNewscaster had researched for a long time to create the dishes for the Buffet of Roses recipe. Technically, hindi lang isang dish ang lulutuin natin, but several kinds of dishes. Sa pagluluto ng ating Buffet of Roses recipe, sisiguraduhin natin na huling-huli nito ang lasa ng mga dishes na inihain ng guy na iyan noon pa.

Tara, ihanda na natin ang mga basic ingredients para sa ating Buffet of Roses Recipe:

  1. Roses. Siyempre pa, kailangan natin ang roses. Basic ingredient nga iyan eh. Bakit ka nga naman magluluto ng recipe na ito kung wala ito? Ano ang lulutuin mo? But anyway, maging maingat din sa pagpili ng roses na lulutuin natin, kasi iba’t ibang kulay ng roses, iba’t iba ang kahulugan nito. I will discuss to you kung anong rosas ang dapat mong gamitin sa iba’t ibang sitwasyon:
  • Red roses represent true love and romance. Sabi pa sa isang website, “Red roses convey deep emotions – be it love, longing or desire. Red Roses can also be used to convey respect, admiration or devotion. A deep red rose can be used to convey heartfelt regret and sorrow. The number of red roses has special romantic meanings associated with them. 12 red roses is the most popular of all which conveys “Be mine” and “I love you””. Kung talagang mahal mo siya, perfect ang bunch of roses para sa dish na iyan.

Red-roses-heart-for-sweetheart1

  • Pink roses represent love, gratitude, and appreciation. Perfect ito kung gusto mong maipakita na siya’y graceful and elegant, and if you admire or appreciate her, according to another site.

pink_roses_background_picture_166705

  • White roses kung kayo’y mag-asawa na. According to Reader’s Digest, white roses are associated with “purity, innocence, sympathy, spirituality”. Of course, when you give “a bouquet of white rose [it] is a perfect way to say, “I’m thinking of you””.

white-rose-flower-bouquet_130037

  • Orange roses naman kung ikaw ay enthusiastic at passionate sa iyong kapartner. Dito mo maipapakita sa kanya na interesado ka sa relationship ninyong dalawa.

8006382420_9f8ff32ee9_z

  • Lavender roses naman kung ikaw ay nainlove at first sight sa kanya.

10825551983_bf7c4c4b15_b

  • Yellow roses naman kung yung kapartner mo ay mahal mo and at the same time, friend mo. This rose represents warmth and joy, and this will awaken the mood of your partner.

104514Sz

  • Assorted roses naman kung gusto mo namang iparating sa mahal mo ang iba’t ibang emosyon na nararamdaman mo. Siguraduhin mo lamang na bagay sa emosyon at mensaheng ipapakita mo ang mga kulay ng rosas na pipiliin mo.

51PFyGBF3zL._SY300_

Bahala ka na kung anong kulay ng rosas ang gusto mong piliin. I would recommend that you pick roses from Benguet o kahit na yung mabibili sa Dangwa sa Maynila. Make sure too na fresh na fresh ang roses na bibilhin mo. Para mas romantic, yung mga rosas galing ng La Presa (Sitio Pungayan, Brgy. Sto. Tomas, Tuba, Benguet) ang bilhin.

  1. Other products of the rose family. Hindi kasi kumpleto ang buffet of roses kung nag-iisa lamang ang roses sa dish natin. Kailangan nito ng mga kapamilya’t kamag-anak. Para naman sa ating buffet of roses recipe, itong mga kamag-anak ng roses ang ating isasama:
  • Apples.
  • Pears.
  • Cherries. Wag lang Cherry Mobile.
  • Strawberries. Para hagip ang romantic experience, please choose only strawberries from La Presa.
  • Almonds.

Handa na ba ang ating mga basic ingredients? Kung oo, puwede na tayong magluto ng iba’t ibang putahe para sa ating Buffet of Roses:

Narito ang mga recipes na tiyak na kagigiliwan mo. Siguraduhin lamang na lulutuin mo iyan lahat at magdagdag pa ng bago mong recipe sa rose. Dadamihan mo rin ang pagluluto ng mga ito para magkaroon ka ng buffet of roses.


Fried Cracker Rose

Ingredients:

  • Rose petals. Dapat ang bibilhin mo ay 2 kilos or more.
  • Assorted fruits of the rose family.
  • Cooking oil. Any kind of cooking oil will do.
  • Salt/pepper/sugar to taste.
  1. Wash rose petals. Dapat hugasang mabuti ang mga rose petals, para matanggal ang maraming microorganisms na kumapit sa mga petals. Ayaw mo namang kainin ang mga microorganisms na iyan, di ba? Sige, hugas-hugas din pag may time.
  2. Chop and dice the assorted fruits of the rose family. Isama ito sa pagluluto natin ng rose petals.
  3. Add salt, pepper, and/or sugar to the rose petals.For extremely salty flavor, add more salt. For spicy crackers, add pepper and chili.
  4. In a pan, add cooking oil. Hintayin mo siya na uminit. At paano mo naman malalaman kung mainit ang mantika? Eh di hawakan mo.
  5. Stir-fry the mixture for 5 seconds or until golden brown. Siguraduhin din lamang na huwag sobrahan ang pagluluto, kasi kapag nasunog iyan, sayang lang ang paghahanda natin ng fried cracker rose. The Fried Cracker Rose is now ready to be served.

Sauteed Rose

Ingredients:

  • Rose petals. Dapat ang bibilhin mo ay 2 kilos or more.
  • Assorted fruits of the rose family, chopped into bits.
  • Cooking oil. Any kind of cooking oil will do.
  • Tomato sauce. Just make sure na talagang tomato sauce ang gagamitin, not banana sauce, or else mag-iiba ang lasa ng ating sauteed rose.
  • Onions, diced
  • Garlic, diced
  • Chili (either red or green)
  • Salt and pepper to taste
  1. In a pan, put a few cooking oil.
  2. Saute onions and garlic until golden brown.
  3. Add roses, fruits, and boiling water.
  4. If the dish boils, add tomato sauce, salt, pepper, and few chili.
  5. Simmer for five to eight minutes. The Sauteed Rose dish is now ready to be served.

Pinakbet with Roses

Ingredients:

  • Rose petals. Dapat ang bibilhin mo ay 2 kilos or more.
  • Assorted fruits of the rose family, chopped into bits. Ngayon, hindi lang gulay ang isasama natin sa pinakbet, pati prutas, kasama na rin! Di ba’t ang saya niyan?
  • Cooking oil. Any kind of cooking oil will do.
  • ½ kilo of squash, cut into cubes.
  • ½ kilo of stringbeans, cut into strips. For our special pinakbet recipe, the Baguio beans are highly recommended.
  • Onions, diced
  • Garlic, diced
  • Salt and pepper to taste
  • Soy sauce. According to Wikipedia, the soy sauce is made from soy beans. Ahh, so kapag gumawa ako ng sawsawan from string beans, ang tawag ba diyan ay string sauce?
  1. In a pan, add a little cooking oil. As usual, paiinitin mo rin siya. Ewan ko na lang kung lulutuin mo iyan nang frozen.
  2. Saute onions and garlic until golden brown. I repeat, golden brown, hindi black.
  3. Add squash and string beans. Saka, i-stir fry ang mga gulay na iyan. Takluban para lumambot.
  4. Add boiling water. Mas madaling maluto ang dish kapag boiling water ang gagamitin natin. Sige, try mo kayang maglagay ng yelo sa dish na niluluto mo.
  5. Add soy sauce and let it boil or until the vegetables become al dente. Magtanong ka na lang sa expert chef kung ano ang ibig sabihin ng al dente.
  6. You may add salt and pepper.
  7. Add rose petals and fruits.
  8. Simmer for five minutes. Kapag naluto na iyan, the Pinakbet with Roses is now ready to be served.

Rose Petals Salad

Ingredients:

  • Rose petals. Dapat ang bibilhin mo ay 2 kilos or more.
  • 1 carrot
  • 2 packs of elbow macaroni
  • 2 jars of mayonnaise
  • Apples, peaches, and almonds to taste. Dapat lahat ng mga ito ay diced already, unless kaya mong kainin ang mga ito nang buo.
  1. Sa isang kaserola, pakuluin ang elbow macaroni hanggang sa maging al dente ito. Pagkaluto, alisin ang tubig.
  2. Combine all the ingredients, then place the mixed ingredient into the refrigerator. Serve it cold.

Rose Milk Shake

Ingredients:

  • 1 kilo of rose petals
  • 1.5 L of milk (you may opt non-fat dairy milk)
  • 2 Ice
  • Achuete (as food coloring)
  • Assorted fruits of the rose family.

Combine all ingredients in the blender. For coloring, you may add achuete. Enjoy the milkshake!


Well, iyan muna ang ating mga recipes na niluto natin para maging kumpleto ang ating Buffet of Roses. Hindi lang iyan ang ating lulutuin. Sige, magpadala kayo ng suggested na recipes na isasama natin sa Buffet of Roses, na maaring ipadala sa tweetnewscaster@yahoo.com o di kaya ay i-PM sa official Facebook page ng TweetNewscaster. Maraming salamat sa pagbabasa, and Happy Cooking! 🙂

Taxation Straight Problem No. 1: Pangako Sa’Yo Ending

101515-PSY_EPSKanina, natalakay na natin noon kung ano nga ba ang palagay natin sa dahilan ng pagkawala ni Claudia Buenavista. Tama nga ang isa sa mga hinala natin – na tinulungan siya ni Simon bago pa man nangyari ang naturang pagsabog sa kotse. Ngayon, alam na natin na nagbabalik na siya, at kahit na nakakulong, may himalang dumating sa kanya. Ang resulta, nakatakas na siya sa kulungan.

Ipagpalagay natin na namatay si Eduardo Buenavista sa pagtatapos ng Pangako Sa’Yo. Ngayon, lumapit sa iyo ang abogado ni Eduardo Buenavista upang ayusin ang kanyang mga naiwang pag-aari. Ano ang gagawin mo? Paano mo matutulungan ang kanyang pamilya upang ipamahagi nang maayos sa mga karapat-dapat na tao ang kanyang mga ari-arian? Solve this problem using all the concepts that you learned in Taxation:

Eduardo Buenavista died last February 12, 2016. The inventory of his properties are as follows:

House and lot, inherited from his father last July 7, 2014 2,700,000
Family home in Makati 1,617,000
House and lot, Lipa City, with unpaid mortgage of 300,000, not specifically included in conjugal property 1,500,000
Exclusive Property, Spain 500,000
Conjugal Property, France 600,000
Conjugal Property, Italy 400,000
Proceeds of life insurance, premiums paid by Claudia Buenavista during their marriage 360,000
Claudia’s jewelry 75,000
Other exclusive property 700,000

 

Other expenses claimed by the estate of Eduardo Buenavista are as follows:

Funeral Expenses 196,000
Judicial Expenses 227,500
Government transfers to Municipal Government of Taal, Batangas 530,000
Medical Expenses 346,000
Claims against the estate 15,000

 

Actual Estate Tax Paid:

Spain 20,000
France 35,000
Italy 17,000

Required:

  1. Compute for the estate tax due. Show supporting computations.
  2. When will be the period for the estate to file and pay the estate tax?
  3. Prepare Estate Tax Return of Eduardo Buenavista using manual or electronic BIR Forms.

Discussion Questions

  1. Suppose the estate tax was filed and paid already. Eduardo Buenavista, in his will, provided that his estate be distributed in accordance with the corresponding legitime, and all of the free portion will be distributed equally among his sons Angelo, Yna, and Lia. (Assume that Angelo knew already that he’s the son of Simon.) How much will be the share of Eduardo’s estate of the following:
    1. Angelo
    2. Yna
    3. Lia
    4. Claudia
    5. Amor Powers
    6. Nanay Belen
  2. Same question, this time assuming Eduardo died intestate.

ABANGAN: Review sa Final Episode ng Pangako Sa’Yo.


Featured Image Credit: Angelo Buenavista and Yna Macaspac.

 

My Duterte Story: Praning

Hindi ako galing sa Davao, pero mapalad ako na nakatira doon sa loob ng sampung taon mula 1997 hanggang 2006. Dahil sanay na sa takot ng pamumuhay sa Kalakhang Maynila, masyado akong maingat sa aking unang mga buwan ng paglipat sa Davao. Hinawakan ko nang mahigpit ang aking mga bag habang naglalakad. Dino-double check ko ang mga lock sa aking bahay at ginawa ko ang iba pang nakakapraning na mga bagay na ginagawa ng mga taong sanay nang mamuhay sa kapaligirang puno ng krimen.

Una kong napansin na tuwing sasakay ako ng taxi, igigiit ng drayber na kunin ko ang sukli gaanuman ito kaliit at hindi papayag na bigyan ko siya ng extra. Saka ko lamang napansin kung paanong iniiwan ng mga tao ang kanilang mga gamit sa fastfood stores habang pumipila sila upang bumili ng pagkain. Saka ko napansin kung gaano palakaibigan ang mga pulis, na tinutulungan ang mga taong tumawid sa daan at inaalalayan ang mga sasakyang may problema sa makina.

Saka ako nagsimulang magpatakbo ng sariling sasakyan sa Davao. Sa isang regular na checkpoint sa daan, sinabihan ako na kailangan kong magbayad ng multa dahil bawal ang dilaw na fog lights sa lungsod. Hindi kinuha ng pulis ang aking lisensya. Subalit binigyan niya ako ng tiket at pinadalo ako sa pagrepaso (review) ng mga ordinansa sa lungsod kung saan ito’y kalahating-araw na seminar. Sinubukan kong makatakas mula sa isang ito, pero siya’y hindi tiwali. Ako’y nakapagbukas ng dive shop sa Davao at nakita ko na madali at mabilis ang proseso nila anupa’t nakapagbukas ako ng tatlo pang negosyo nang walang kahirap-hirap.

Matapos ang ilang buwan ng pamumuhay sa Davao natagpuan ko ang sarili ko na hindi na kailangang i-lock ang aking kotse at ang pintuan ng aking bahay. Literal akong nakakalakad sa daan nang hindi natatakot habang may mga di-kilalang tao na babatiin ako ng “Hello” habang nadadaanan ko sila. Sa wakas, alam ko kung ano nga ba ang pagiging ligtas. At ito ay halos dalawampung taon na ang nakalilipas. Nagbago lang ito mula noon. Disiplinado ang mga tao doon hindi dahil sa takot kundi dahil sa mataas na pagtingin nila sa lungsod. May mataas na pagtingin sa epektibong sistema.

Talagang naiirita ako kapag narinig ko na ang pagiging ligtas ng Davao ay isang kasinungalingan at dahil dito gusto kong itama ang bagay na ito mula sa isang walang-kinikilingang pananaw ng isang tao na naranasang mamuhay sa isang lungsod na pinamumunuan ng mga nasa oligarkiya kung ikukumpara sa sistemang pinatatakbo ng disiplinadong mga mamamayan na may maipagmamalaki sa kung anumang sama-samang ipinundar nila. Ito ang aking kuwento.

Jovy, 46, Qatar


Translated by: TweetNewscaster

 

My Duterte Story: Anti-Discrimination

Sa Lungsod ng Cagayan de Oro kung saan ako nagmula, matindi ang pagtatangi doon. Laging tinatanggihan ang isang bumibili ng lupa dahil sa kanyang relihiyon. Tumatanggi ang mga may-ari ng mga subdibisyon na ibenta ang bahay at lupa sa mga Muslim. Hindi dahil sa hindi nila kaya ang presyo pero dahil sa simpleng dahilan na nagkataong sila’y mga Muslim.

Humingi kami ng tulong sa lokal na pamahalaan upang lutasin ang problemang ito PERO ang napala namin ay kawalan ng aksyon hanggang ngayon. …

Subalit, sa Lungsod ng Davao, nang makatanggap ng reklamo mula sa Muslim community ng Davao, ipinatupad agad ni Mayor Rody ang Ordinansa Laban sa Diskriminasyon upang parusahan ang mga tatangging ibenta ang ari-arian sa mga bibili dahil lamang sa kanilang relihiyon.

Kita mo iyan, ang isang tunay na pinuno ay nagmamalasakit sa mga tao. Pinoprotektahan ang kanilang interes kahit sino pa iyan. Sa katunayan, wala naman siyang  makukuha kung tutulungan niya ang Muslim community kasi hindi sila botante ng Lungsod ng Davao at hindi naman sila nagmamay-ari at nagtatayo ng mga ari-arian.

Para sa amin na galing sa minorya, napakalaking bagay ng ginawa niya. Nakuha niya ang aming respeto at pagmamahal. Minsan lang pong magkaroon ng Kristiyanong pampublikong opisyal na nagmamalasakit sa amin. Tinitingnan niya kaming mga Pilipinong Muslim na karapat-dapat tumanggap ng proteksyon.

Kung siya ang ating magiging lider, MAKAKAMIT ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN DAHIL NAKIKINIG SIYA AT IGINAGALANG NIYA AT PINOPROTEKTAHAN NIYA ANG BAWAT ISA KAHIT SINO KA PA. SIYA AY PARA SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KAPAYAPAAN.

Iyan ang dahilan kung bakit hangad naming maging pangulo si Duterte, kasi ang hangad naming lahat ay kapayapaan sa Mindanao at sa huli, sa Pilipinas.

Inaalam ng isang dakilang lider ang kanyang mga tao, nakikinig, at pinoprotektahan sila anuman ang kanilang kasarian, kulay, o relihiyon.

#‎Duterte

– Maia, 25, Muslim Filipino mula sa CDO


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Duterte with Muslim traders.