Love Advice No. 51

Magandang araw! Pasensya na po kung sa tinagal-tagal ng panahon ay hindi ako nakasasagot sa inyong mga tanong. Sa maraming tanong na ibinabato sa may-akda, pumili ako ng ilang tanong na maari kong sagutin. Maikli lang ang aking isasagot, pero sapat na ito para mapunan ang inyong pagkamausisa. Maraming salamat sa inyong pagtatanong, kahit na medyo busy ako ngayon. Simulan na natin!


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang magiging problema kung ang bf mo ay may anak na?

My Answer:

Sa ngayon, ang magiging problema kung ang bf mo ay may anak na ay posibleng habulin ng babaeng iyon ang kanyang anak – dahil siyempre, anak niya iyon at naramdaman niya na tungkulin niyang alagaan iyon. Sa ilang pagkakataon, posible siyang gumawa ng iskandalo. Kung ang boyfriend mo ay may anak na, lalong malaking problema kung paano ka tatanggapin ng anak niya, lalo pa’t kung hindi mo siya kadugo. Isa pang posibleng problema ay ang paghihiwalay ninyong dalawa kung ipipilit ng magulang ng babaeng iyon na pakasalan ang boyfriend mo.

Mahalaga na ibigay ang oras para sa boyfriend mo, sa ina ng kanyang anak, at sa bata. Mahalaga ding ipaalala sa bata habang maaga kung ano ang totoong namamagitan sa inyong dalawa ng boyfriend mo at pati na ng ina ng anak ng bf. Maraming salamat sa pagtatanong. 🙂


From the reader who asked a question via Search Box:

Mahal ko pa si ex gf pero nasaktan ko siya noon.

My Answer:

Tanong: Ano ba ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Kung iyon ay dahil sinaktan mo siya nang di-sinasadya, sabagay hindi natin iyon maiiwasan. Hindi kasi natin kontrolado ang kanyang emosyon at pag-iisip. Pero kung sinadya mong saktan siya, merese sa imo!

Bakit hindi ka humingi ng tawad sa kanya? Bakit hindi mo aminin na nagkamali ka kung ganoon? Suyuin mo ulit siya, at depende na sa iyo kung talagang hindi mo siya sasaktan o hindi.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano sumuko sa pag-ibig pag nahihirapan na penge tips please?

My Answer:

Madali lang. Mag-isip ka ng mga kabutihang maidudulot sa iyo at sa kanya kung isusuko mo na ang pag-ibig mo sa kanya. Na makakatipid ka pa sa panahon, pera at pagod para sa kanya. Na hindi mo na lolokohin ang sarili mo na magbubunsod sa pagkakasakit ng iyong puso. Na hindi ka na mahihirapan pa kung lagi kang aasa sa kanya sa wala.

Isipin mo rin kung bakit kailangan mo talagang isuko ang iyong puso sa kanya. Sa puntong ito mapipilitan ka na sa bandang huli, bibitawan mo na ang pagmamahal mo sa kanya.

Hindi ko alam kung ano’ng nangyari talaga sa iyo. Hindi ka kasi nagbigay ng higit pang detalye, pero sana makatulong ito sa iyo.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano sa Ingles ang ‘posible bang magkaroon ng ibang nabubuhay na nilang sa labas ng mundo‘?

My Answer:

Sa Ingles:

“Is it possible that living things/organisms might exist outside planet Earth?”

Sana natulungan kita sa pagsasaling ito. Maraming salamat sa pagtatanong.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang magandang gawin kapag sinagot ka ng nililigawan mo?

My Advice:

Ang magandang gawin kapag sinagot ka ng nililigawan mo ay (1) yakapin siya nang mahigpit; (2) magpasalamat sa kanya dahil ibinigay niya ang kanyang matamis na ‘oo’ sa iyo; (3) magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay Niya sa iyo ng kasintahan, at (4) panatilihin ang inyong relasyon.


From the reader who asked a question via Search Box:

Mahal ko siya. Kailangan ko bang ibigay ang pagkababae ko para lang mapatunayan iyon sa kanya?

My Advice:

No. Hindi mo dapat ibigay ang pagkababae mo para lang mapatunayan iyon sa kanya.

Pero, kung kusang loob mong gagawin iyon, go ahead. Ang tanong: Kaya mo bang harapin ang resulta kung gagawin mo iyon? Mas mabuting magpakasal kayong dalawa para wala na kayong aalalahanin pa.

Hindi malinaw sa akin kung hiniling niya sa iyo na gawin ito o kung kusang-loob mong gagawin iyon. I might presume na maalin sa inyong dalawa ang hindi nag-iisip ng malikhaing mga paraan kung paano ninyo mapapatunayan ang pag-ibig ninyo sa isa’t isa. Maraming paraan kung paano mo iyon papatunayan sa kanya, basta maghanap ka lang ng mga artikulong nasa ilalim ng kategoryang “Love Advice” o humingi ng tulong sa mga magulang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s