Love Advice No. 52

These days ako ngayo’y masyadong busy. Pero dahil may problema siya sa kanyang girlfriend na accountancy student, hindi ko matiis na hindi siya bigyan ng Love Advice. Pakisabi din sa kanya na basahin ang Love Advice na dedicated talaga sa kanya:


From the UST Files:

My Girl is from AMV

Hello. Hindi po ako taga UST. Yung girlfriend ko po yung taga UST-AMV College of Accountancy.

Magtatanong lang po ako kung talagang ganito sila. Matagal na kami ng girlfriend ko, almost 6 years na. Classmate ko siya noong high school. Oo, masipag siya mag aral at matalino siya. Pero kahit na ganoon eh may oras siya sa akin. Ngayon, biglang lumala.

Nung first year siya, medyo okay pa kasi madalas siyang nakakauwi (sa province po kasi namin ako nag aral). So wala kaming problema noon.

Noong nag-second year siya dito na nagsimula. Halos di na siya umuuwi dito sa province namin dahil sa kakaaral. Kailangan niya daw maexempt sa retention exam. Parang sobrang importante sa kanya [ang bagay na iyon]. Dalawang sem na halos once a month na lang siya kung umuwi. Pero okay lang naabot niya naman ang goal niya at mahal ko siya nang sobra kaya inintindi ko na lang kahit na parang kinukuha na siya ng accounting sa akin at para din naman sa future yung ginagawa niya.

Ngayong third year na siya hindi ko na alam. Kaya ko naman siyang intindihin. Kaya lang, naaapektuhan na din kami. Concerned lang din ako sa kanya. Lagi na kasi siyang late kung umuuwi. Yung tipong mga before 8 ng gabi pa siya makakauwi galing doon sa library tapos magpapahinga lang saglit. Pagkataposm pupunta na siya sa coffee shop until midnight para mag-aral. Tapos pag nagdadate kami, lagi siyang may dalang gamit na pang-aral. Sobrang hirap niya na ding pauwiin dito sa province namin since may Saturday class siya at may pasok siya ng 7 ng umaga tuwing Monday. Nakakapagod din daw kasing umuwi dahil luluwas ka din kinabukasan.

Ganito ba talaga sila? Normal pa ba ito? Ang sakit isipin na ilang araw na lang bago yung pasukan nila. Iiwan niya na naman ako.

Highschool Love

2013

AMV

My Advice:

Huwag ka nang magtaka pa. Bakit? Sinabi mo kanina, “masipag siyang mag-aral at matalino siya”. Di ba’t iyan ang katangiang gusto natin sa isang babae? Di ba’t gusto natin ang mga babae na iniisip ang magiging kinabukasan niya at kinabukasan natin?

Tanong: Nasa fifth year na ba ngayon ang girlfriend mo?

Find Out Why She’s Like That

Maiging tingnan ang prospectus (o listahan ng mga kukunin niyang subjects) ng kurso niya mula sa AMV at magtanong sa dean nito para makita mo at maisip mo kung bakit madalang na siyang umuuwi:

Sa simula, dahil magaan-gaan pa ang mga asignaturang kanyang kinukuha, halos walang problema siya kung paano siya makakauwi. Pero habang tumatagal, pahirap na nang pahirap ang mga subjects niya, kaya dumadalang na ang kanyang pagdalaw. Sa simula, dahil magaan pa ang mga subjects na kanyang kinukuha, marami siyang free time sa UST. Pero habang tumatagal, pahirap na nang pahirap ang mga subjects, kaya kakaunti na rin ang free time na inilalaan niya. Pag-aaral na lagi ang kailangan niyang isipin.

For Her and Your Future

Ading, kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral. Di mo ba talaga naiisip na ginagawa niya din ito para sa kinabukasan ninyong dalawa?

Kung tutuusin, masuwerte ka, at “dapat ka pa ngang matuwa kasi nagsisikap siya para sa future niya (or ‘niyo’ if ever ikaw na nga)”. Kung kayang idigest ng girlfriend mo ang mga natutunan niya sa mga accounting subjects, posibleng magtagal pa ang inyong pagsasama. Bakit ko ito nasabi? Alam natin na maraming relasyon ang nasisira dahil sa pera. Kumbaga, itinatapon na ang pag-ibig sa labas ng bintana kapag pumasok na ang problema sa pera ninyong dalawa. Sa accounting, malalampasan niyo na ang problema ninyong dalawa pagdating sa pera, and therefore, ito pa ang makasalba sa relasyon ninyong dalawa.

Siyempre, ginusto naman niyang matupad ang kanyang pangarap. Wala naman itong hindi magandang resulta sa relasyon ninyo. Ang kursong iyan kasi ay hindi naman tao (o sa legal parlance, natural person) para pagselosan mo nang ganoon na lang. Ang tanging gawin mo ay suportahan siya sa pangarap niyang iyon. Baka pagdating ng panahon, siya pa ang mag-propose sa iyo (ng kasal) agad-agad sa halip na ikaw. (Itanong mo na lang sa mga accounting professors o CPAs kung bakit ko nasabi ito.)

Normal for Accountancy Students

Ganito ba talaga sila? Yes.

Normal pa ba ito? Yes na Yes.

Ading, normal na para sa mga accountancy students ang mag-aral nang todo, lalo na’t kung nakakapasok sila sa mga paaralan na may magandang pangalan o may mahigpit na retention requirements sa mga mag-aaral. Regardless ito kung nag-aaral siya sa UST o sa isang pamantasan na nag-oofer ng kursong ito. Sa madaling salita, maraming paaralan ang nagiging istrikto sa pagpili sa mga accountancy students.

Kailangan nilang mag-aral nang mabuti upang matamo ang pangarap nilang maging isang CPA. Normal na para sa mga accountancy students, mapasabak man sila sa OJT, studies, o sa actual field na mag-aral at maranasan ang ganitong stress. Normal na para sa mga accountancy students na mawalan ng panahon sa sarili, sa kasintahan, sa barkada, sa magulang, at iba pa, lalo’t kung hindi nila hahawakan nang maayos ang oras.

At ano ba ang matibay mong basehan para iwan ka niya? Sinabi ba niya sa iyo na “Babe, maghiwalay na tayo”? Sa minsang pagdalaw mo sa kanya, may nakita ka bang ibang lalaki na kasama ang girlfriend mo? Malay mo, baka ang totoo nito ay habang nag-aaral siya, iniisip ka pa niya para lang malampasan ang mga hinaharap niyang pagsubok. Malay mo, baka ang totoo nito’y ikaw ang energy booster niya.

Isa pang bagay: Kailangan mo ring mag-focus sa pag-aaral. Hindi rin kasi sa lahat ng oras ay siya lang ang aatupagin mo. Sabi ng isa, “Learn to be independent,” dahil mahihirapan ka talaga kung lagi ka lang nakaasa sa kanya, samantalang wala ka namang ginagawa sa iyong sarili.

May I quote another who said: “Kung hindi mo siya kayang intindihin, kung issue sa iyo ang pag-aaral niya, sorry kuya, pero isa kang malaking sagabal para sa future niya.” If you are impatient, sorry ka na lang. No choice ka kundi hiwalayan mo na siya.

What to Do

Dapat ikaw din ang nag-eeffort. Otherwise, malaki ang “chance na magbe-break din kayo.”

Ang love kasi, parang accounting. Hindi puwede yung girlfriend mo ay debit nang debit sa iyo, eh wala ka namang kine-credit sa kanya. Nahihirapan na siyang mag-adjust nang mag-adjust, eh hindi ka naman nag-aadjust. Eh di out of balance na ang relationship ninyo. Tuloy, kailangang bigyan ka ng CPA ng audit report na nagsasabing “Your love to her is not fairly presented, in all material respects…”

Ang kailangan mo na lang gawin ay ipadama sa kanya na lagi kang para sa kanya. Kailangan mong alalayan siya habang nag-aaral siya sa UST. Kailangan mong palakasin ang loob niya. Kailangan mo siyang tulungan. Mas lalong kailangan mong intindihin ang sitwasyon niya.

Sabi nga ng isang netizen, “Ikaw ang lumuwas para makita siya. Ang lagay, laging siya ang papauwiin mo? Pagod nang mag-aral, pagod pa magbiyahe! Ikaw naman ang lalaki. Ikaw ang nahihirapan pero wala ka namang ginawa para hindi ka mahirapan.” Please, suklian mo naman ang hirap at pagod na pinagdadaanan niya. Pasayahin mo naman siya sa paggawa nito kahit minsan lang. Sa pagluwas mo sa Maynila maipadarama mo sa kanya na lagi kang nariyan para sa kanya. Isa pa, mabibigyang-linaw na nito ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa iyo.

Bakit di mo rin siya tulungan? Simpleng pagbubuhat lang ng pagkakapal-kapal na mga textbooks niya (na “kasalanan” nina Valix, Dayag, Cabrera, etc.), malaking bagay na iyon para sa kanya. Mababawasan pa ang stress na kanyang dala-dala.

Why not give her scholarships, too? Alam naman natin na hangga’t maari, ibibigay natin ang pera para mapaligaya lang ang ating mahal. Ito na sana ang pagkakataon mo, at sa pagbibigay nito makakatulong ka para hindi masyadong ma-stress ang girlfriend mo sa financial problems. Balang araw, sasabihin ng girlfriend mo, “I’m proud na ako’y iskolar ng boyfriend ko.” Di ba’t masaya iyon?

Accounting Ay Di Biro

To tell you frankly, ang accounting ay hindi biro. Kung sa UST pa nga ay nahihirapan siya, “alam mo bang kahit sa province mo kunin ang kursong accountancy ay sadyang hindi biro?” Kung mahina ang kanyang foundations sa basic accounting at sa mga theories ng lahat ng accounting subjects, mas mahihirapan siyang makaintindi ng financial at advanced accounting. Malamang na ang dalawang huling nabanggit ang dahilan kung bakit bibihira siyang makauwi sa probinsya.

Kailangan niyang ipasa ang mga subjects pati ang mga kahingiang ipinapagawa sa kanya upang mapanatili ang kanyang standing sa nasabing kurso. Kailangan niyang mag-aral nang mag-aral upang lalo niyang maintindihan ang mga konsepto at mga istratehiya sa kursong iyon.

At kung sa panahon na ibinahagi mo ang problemang ito sa UST Files ay nahihirapan siya, mas lalo pa siyang mahihirapan ngayon, lalo’t kung kukuha siya ng board exam simula October 2017. Ito’y sa dahilan na maraming bagay na dapat niyang pag-aralan.

Final Words

Sa sitwasyon ninyong dalawa, dito na masusubok kung gaano mo talaga siya kamahal – from the time na may nararamdaman ka nang pag-ibig sa kanya. Take this situation as a challenge for you.

Alam ko na talagang nag-aalala ka sa kanya. Sabi pa nga ng isang netizen sa iyo, “Daig pa mag-alala ang jowa kaysa sa parents.” Pero dapat limitahan mo ang pag-aalala sa kanya, dahil wala naman talagang basehan para maramdaman mo iyon.

Panghuli, gusto kong bigyang-diin na hindi naman makukulong nang habambuhay ang girlfriend mo sa UST-AMV. Kung girlfriend mo pa rin siya hanggang ngayon, masuwerte ka. Konting push na lang at magiging maganda ang resulta ng paghihintay mo sa kanya.


Featured Image Credit: Symbols of accounting.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s