My Duterte Story: Cancer Survivor

By: Mae Dolendo, MD

Nang unang bumisita si Mayor Rody Duterte sa Bahay ng Pag-asa (House of Hope) noong 2007 para mamuno sa ribbon cutting sa kakaayos lang na pasilidad, nagduda ang aming dating Hepe ng Davao Medical Center na dadating talaga siya. Bakit siya pa, kung lagi niyang pinalalampas ang mga inagurasyon ng iba pang malalaki at mas mahahalagang mga imprastraktura sa loob ng compound ng ospital? Pero lumabas ang pagiging biglaan ng isang Mayor Rody. Napakasaya niya kapag nagbibigay siya ng ice cream at regalo sa mga bata; nakikihalubilo at nakikipag-usap sa mga magulang – na tinatanong kung saan sila galing at ano ang kanilang ikinabubuhay sa likod ng lumang dormitoryong inayos at tinawag naming tahanan.

Magmula noon, ang mga batang may cancer sa kasalukuyang Southern Philippines Medical Center, na isang pampublikong pagamutan sa Lungsod ng Davao, ay nagkaroon ng espesyal na lugar sa kanyang puso. Nakabibisita siya sa lahat ng mga espesyal na okasyon – sa kanyang kaarawan, Pasko, Survivors’ Day, minsan, kahit pa Valentines’ Day. Minahal niya at inaruga ang mga bata sa abot ng kanyang makakaya, at ng kanyang mga kaibigan. Ang kanyang pagtulong sa mahihirap, maysakit, ang mga bata at matatanda ay walang hangganan. Ang mga tinedyer ay nakakuha ng epads at game gadgets; ang mga malilit na bata naman ay DVD players upang makapanood sila ng paborito nilang cartoons at pelikula. Nagpalagay siya ng flat screen televisions at DVD players sa mga silid kasi naisip niya na nababagot sila sa kakahiga nang ilang araw.

Kung magbibigay siya ng mga regalo, personal niya itong binubuksan [sa harap nila] at tinuturuan ang mga bata kung paano gumagana ang mga laruan. Malas ang mga staff na naghahanda ng regalo na hindi gumagana o walang kasamang baterya. Nakaupo siya kasama ang mga tinedyer at nakikipag-usap sa kanya; nagbibigay siya ng salitang pampatibay-loob na madalas ay may halong biro. Walang malaki o maliit na hiling para sa kanya. Isang bata na gustong magkaroon ng dilaw na electric fan, at ang isa na gusto ang isang gown na nakita niya sa TV ay nakuha ang kanilang hiling sa loob ng araw na iyon. Pinasakay niya ang mga tinedyer sa helicopter, at naglaan pa siya ng oras sa beach kasama sila. Halos lahat ng aming pasyente ay galing sa mga mahihirap na pamilya at para sa kanila, ang mga karanasang ito’y dadalhin nila habambuhay. Naniniwala si Mayor Duterte na dapat matamo ng mga mahihirap ang pinakamagandang serbisyo mula sa gobyerno.

Minsan, nagpakita siya ng malasakit sa isa sa aming mga binata na nawalan ng hita dahil sa bone cancer. Mahaba ang kanyang nilakbay para lang sa binatang ito, anupa’t nagtanong sa isang staff na alamin ang pinakabagong paraan ng paggagamot na ipinadala niya sa akin. Sinabi ko sa kanya na ang kabuuang halaga ng bagong paraan ng paggagamot ay aabot sa pitong milyong piso at di sigurado kung gagaling siya. Hindi siya sumuko. Nang nanghihina ang binata, sinagot niya ang pag-aaral niya pati na rin ang pag-aaral ng iba pang binatang survivors. Ibinigay niya ang kanyang sariling bahay sa Margarita Village para doon sila tumira, na ibinibigay ang lahat ng kinakailangang suporta.

Nang namatay na ang binata, nalungkot siya pero hindi niya pinagsisihan na naglaan siya ng emosyon at matinding suporta sa binata. Gusto niyang bigyan siya ng pinakamagandang pagkakataon. Ang dalawa pang binata ay nag-aaral pa rin at sila ang isa sa mga pinakamatagal na survivors. Sila man ay hindi galing sa Lungsod ng Davao. Sa pagdaan ng mga taon, namasdan namin na nakaliligtas ang maraming bata mula sa child cancer sa Mindanao at kahit na hindi namin ibigay ang lahat ng credit sa kanya, ang kanyang papel sa tagumpay na ito’y napakalaking bagay.

Siya’y napakahina kapag kasama niya ang mga bata – na tumawa nang malakas nang tinanong ang maliit na babae: “Sino ako?” At ang kanyang tugon: “Si Angkol!” Minsan, matapos ang naturang madamdaming pakikipag-usap sa isang mamamatay nang tinedyer, naroon siya sa isang sulok, madamdaming pinapahid ang mga luha nang mag-isa.

Nakita ng taong ito ang napakatinding kahirapan, ang napakatinding paghihirap at naiintindihan ko ang galit niya; ang kanyang hangarin na baguhin ang mga bagay kahit na malaking sakripisyo ito para sa kanya. Isa ako sa mga may mabigat na loob na humimok na tumakbo siya bilang Pangulo. Kasi alam ko na susubukan ng pambansang pulitika na siraan ang tapat na lingkod-bayang ito, ang matapang at mapagmalasakit na taong ito.

Nag-aalangan akong ibahagi ang mga kuwentong ito kasi alam ko na ayaw niyang siya’y makilala [sa bagay na ito]. Tuwing dumadalaw siya sa aming ward, iiwanan niya ang media sa paanan ng hagdan, na sinasabing off limits ang aming lugar [sa media].

Pero ayaw ko talagang hayaang mawalan ng pagkakataon ang ating bayan na pumili ng isang pinuno na may puso para sa mga Pilipino. Na gagawin kung ano ang tama, o mamatay na sinusubukang gawin iyan.

Ang aming panalangin ay laging para sa kanya, sa amin na parehong nasa lupa at sa mga bata na kanyang natulungan na nasa langit na. Dalangin namin na magtagumpay siya sa kanyang tungkulin at na mabigyan siya ng kinakailangang pagpapala, gabay, at proteksyon.


Translated by TweetNewscaster


Featured Image Credit: Rody Duterte with cancer patients.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s