Love Advice No. 53

Magandang araw! Pasensya na po kung sa tinagal-tagal ng panahon ay hindi ako nakasasagot sa inyong mga tanong. Sa maraming tanong na ibinabato sa may-akda, pumili ako ng ilang tanong na maari kong sagutin. Maikli lang ang aking isasagot, pero sapat na ito para mapunan ang inyong pagkamausisa. Maraming salamat sa inyong pagtatanong, kahit na medyo busy ako ngayon. Simulan na natin!


From the reader who asked a question via Search Box:

Schedule date ng pagpalit ng lumang pera 2016

My Answer:

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mula Enero 1, 2016 hanggang Disyembre 31, 2016 ay maaring magpapalit ng lumang pera sa mga bangko sa buong bansa. Ayon pa sa mga balita, laging nakahanda ang mga bagong salapi (New Generation Currency kung tawagin) sa mga bangko upang palitan ang mga lumang pera. Mahalagang malaman mo na puwede ding papalitan sa mga bangko ang mga 5-piso at 10-pisong papel.

Simula Enero 1, 2017, mawawalan na ng halaga ang mga lumang pera. Sa madaling salita, hindi na ito magagamit na pambili ng anumang gusto mo, at hindi na ito puwedeng ipapalit sa mga bangko para sa bagong pera.

Sana nasagot ko ang katanungan mo. Maraming salamat sa pagtatanong.


From the readers who asked questions via Search Box:

Papayagan ka ba kung syota mo ang iyong 3rd cousin?

Relasyon ng mag second cousin. Tama ba?

My Answer:

Kung ang syota mo ay 2nd cousin, 3rd cousin, etc., dapat payagan ka.

Nasa batas iyan. Hindi maaring gawing syota ang iyong first cousin. It follows na puwede mong maging syota ang second cousin, third cousin, at iba pa.

Upang malaman kung puwede mong makatuluyan ang iyong pinsan, gumawa lang ng family tree at sagutin ang tanong: “Iisa ba ang aming lolo/lola (sa panig ng aking ama/ina)?” Kung oo, bawal talaga. Kung hindi, puwede na.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paghalik ba sa leeg ni bf nakakapalibog ba?

My Answer:

Yes. It is as if gusto mong gisingin ang kanyang sexual desire. Lalo pa nga’t kung gusto ng boyfriend mo na halikan ka. Hindi man malinaw sa akin kung sino sa inyong dalawa ang malilibugan, sana nasagot ko nang maayos ang tanong mo. Salamat.


From the reader who asked a question via Search Box:

Sino na ngayon ang negosyanteng sumusuporta kay Duterte pagka-presidente sa 2016?

My Answer:

May balitang mga negosyante mula sa Davao ang sumusuporta sa kanyang kandidatura. Iyon lang ang sa pagkakaalam ko na mga negosyante na sumusuporta sa kanya.

Mayroong ibang mga tulad nila na gusto ding suportahan siya, pero tinanggihan ni Duterte ang alok, tulad nitong offer sa kanya ng isang executive ng malaking telco company. Alam niya na dahil dito ay maiipit siya sa pagitan ng paglilingkod sa bayan at sa pagtanaw ng utang na loob sa mga sumuporta sa kanyang kampanya.


From the reader who asked a question via Search Box:

Bakit nauna buntisin ng lalaki kaysa pakasalan?

My Answer:

Libog ang inuuna bago ang kasal.

Sorry for the word, pero ganito na ang nangyayari, lalo na sa actual practice 😥 . Sa ganitong kaso, inuuna muna nila ang kaunting sarap, na hindi iniisip kung ano ang magiging bunga ng kanilang pinasok. Basahin mo lang ang ilang artikulo dito sa “Love Advice” category (lalo na sa Love Advice No. 20), at mapapansin mo na talagang may amnesia ang mga lalaki pagdating sa kasal-kasal na iyan.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano ang step sa paghalik?

My Answer:

Ganito iyon: Ilapit mo ang iyong labi sa kanyang labi. Pagkatapos, bahala ka na kung ano’ng gusto niyong istilo ng paghalik. May freestyle, may kagat-labi, may short-time kiss, may kiss na puwedeng umabot nang isang buong araw o isang taon, at marami pang iba.

Ang mas mabuti pa, tumingin din sa TV kung paano humalik ang mga iniidolo mong artista. Lalo na ang paghalik ni DJ kay Kathryn sa Pangako Sa’yo. 🙂


De, joke lang! 🙂

Recommended ding panoorin ang halikan blues nina Clark at Leah sa On The Wings of Love:


 






Ang mahalaga dito, matutunan ninyong dalawa nang kusa kung paano ninyo hahalikan ang isa’t isa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s