My Duterte Story: Praning

Hindi ako galing sa Davao, pero mapalad ako na nakatira doon sa loob ng sampung taon mula 1997 hanggang 2006. Dahil sanay na sa takot ng pamumuhay sa Kalakhang Maynila, masyado akong maingat sa aking unang mga buwan ng paglipat sa Davao. Hinawakan ko nang mahigpit ang aking mga bag habang naglalakad. Dino-double check ko ang mga lock sa aking bahay at ginawa ko ang iba pang nakakapraning na mga bagay na ginagawa ng mga taong sanay nang mamuhay sa kapaligirang puno ng krimen.

Una kong napansin na tuwing sasakay ako ng taxi, igigiit ng drayber na kunin ko ang sukli gaanuman ito kaliit at hindi papayag na bigyan ko siya ng extra. Saka ko lamang napansin kung paanong iniiwan ng mga tao ang kanilang mga gamit sa fastfood stores habang pumipila sila upang bumili ng pagkain. Saka ko napansin kung gaano palakaibigan ang mga pulis, na tinutulungan ang mga taong tumawid sa daan at inaalalayan ang mga sasakyang may problema sa makina.

Saka ako nagsimulang magpatakbo ng sariling sasakyan sa Davao. Sa isang regular na checkpoint sa daan, sinabihan ako na kailangan kong magbayad ng multa dahil bawal ang dilaw na fog lights sa lungsod. Hindi kinuha ng pulis ang aking lisensya. Subalit binigyan niya ako ng tiket at pinadalo ako sa pagrepaso (review) ng mga ordinansa sa lungsod kung saan ito’y kalahating-araw na seminar. Sinubukan kong makatakas mula sa isang ito, pero siya’y hindi tiwali. Ako’y nakapagbukas ng dive shop sa Davao at nakita ko na madali at mabilis ang proseso nila anupa’t nakapagbukas ako ng tatlo pang negosyo nang walang kahirap-hirap.

Matapos ang ilang buwan ng pamumuhay sa Davao natagpuan ko ang sarili ko na hindi na kailangang i-lock ang aking kotse at ang pintuan ng aking bahay. Literal akong nakakalakad sa daan nang hindi natatakot habang may mga di-kilalang tao na babatiin ako ng “Hello” habang nadadaanan ko sila. Sa wakas, alam ko kung ano nga ba ang pagiging ligtas. At ito ay halos dalawampung taon na ang nakalilipas. Nagbago lang ito mula noon. Disiplinado ang mga tao doon hindi dahil sa takot kundi dahil sa mataas na pagtingin nila sa lungsod. May mataas na pagtingin sa epektibong sistema.

Talagang naiirita ako kapag narinig ko na ang pagiging ligtas ng Davao ay isang kasinungalingan at dahil dito gusto kong itama ang bagay na ito mula sa isang walang-kinikilingang pananaw ng isang tao na naranasang mamuhay sa isang lungsod na pinamumunuan ng mga nasa oligarkiya kung ikukumpara sa sistemang pinatatakbo ng disiplinadong mga mamamayan na may maipagmamalaki sa kung anumang sama-samang ipinundar nila. Ito ang aking kuwento.

Jovy, 46, Qatar


Translated by: TweetNewscaster

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s