My Duterte Story: Ama

Ni: Cyril James Tagud Bual

Noong Setyembre 2011, ang aking ama, na minsang namuno sa pagbili ng lupa ng isang kilalang pandaigdigang kompanya ng minahan, ay pinatay ilang metro lamang sa labas ng aming bahay. Iyan ang pinakamasaklap na nangyari sa buhay ko at buhay ng aming pamilya. Nakakatuwang isipin na dumating ang 911 nang mga 5-10 minuto matapos ang aming personal na trahedya.

Kabilang ang aking pamilya sa panggitnang uri (middle working class): na walang anumang politikal na koneksyon, kahit sa isa na tinutustusan ng milyones sa bangko. Nagsimula na akong mag-isip na ang pagpaslang sa aking ama ay maitatala pa, bilang isang tala laban sa halos mababang bilang ng krimen sa Lungsod ng Davao.

Lumipas ang mga araw. May usap-usapan na malamang na NPA ang nasa likod ng pagpatay sa aking ama. Sa bandang huli, sinikap niyang bilhin ang lupa ng mga mahihirap. Pero isang araw, bago magbukang-liwayway, agad-agad naglakad si Mayor Duterte sa burol ng aking ama sa Davao Cosmopolitan. Nagulat ako kung bakit siya naroon. Nakipag-usap siya sa ilang miyembro ng pamilya ko, nakita ang ama, yumuko malapit sa ataul, at malamang na nanalangin.

Saka ko lang nadinig na mukhang alam na ni Mayor ang kaso ng aking ama. Nalungkot siya sa nangyaring iyon sa kanyang lungsod, sinabi niya sa isang miyembro ng aking pamilya na tutulong siya sa anumang paraang kaya niya. Mukhang alam ni Mayor na hindi sangkot ang NPA dito. Isang munting senyas [mula sa kanya], pero kahit paano mas sigurado kami sa kung sino ang di dapat pagsuspetsahan.

Subalit ilang buwan ang nakalipas, sa Emergency Room ng Davao Medical School Foundation Hospital, pinatanggal ni Commander “Bato”Dela Rosa, ang Hepe ng Pulisya sa Lungsod ng Davao, ang kanyang mga tahi at nilapatan ng Tetanus Toxoid shots. Si Mayor Duterte at Commander Bato ay pinuri at binatikos sa buong bansa matapos barilin ang mga kidnapper na dumukot sa isang mayamang negosyanteng Intsik sa isang bangko sa Lungsod ng Davao.

Nakatagpo ko siya noong ako dati ay isang Surgery Intern. Nilapitan ko si Commander Bato at nagpakuha ng larawan kasama siya. Napansin niya ang apelyido ko sa aking Intern’s Gown at tinaong kung kamag-anak ko ba ang isang napaslang na biktima. Sa simula nagulat ako, pero sinabi ko na oo. Humingi siya ng tawad sa pagkawala ng aking ama at humingi siya ng tawad dahil kahit paano nakalusot ang mga kriminal sa pulisya ng Davao at sa mga checkpoint ng Task Force Davao security. Sinabi niya na nilapitan ni Mayor Duterte ang kanyang mga malalapit na kaibigan mula sa hanay ng NPA at tiniyak na wala sila talagang kinalaman sa pagkamatay ng aking ama. Hiniling niya na maging maayos ang aking lagay at na pagpalain ang aking pamilya.

Ganito ang mga lingkod-bayan na gusto ko para sa aking bansa. Tinatrato nila nang maayos ang mga sumusunod sa batas at ipinagmamalaki nila ang kanilang tungkulin na protektahan kami sa krimen. Maganda ang kanilang kooperasyon at iniimbestigahan nila mismo ang mga kasong nais nilang resolbahin.

Ganoon din si Commander Bato, na dating hepe ng pulisya ng Davao. Hindi ko inasahan na maalala niya ang kaso ng aking ama… at humingi ng tawad sa “kapalpakan”ng kanyang ahensya. Hindi ko hiniling [na gawin nila] ang mga bagay na ito, pero ginawa nila ito at higit pa sa aking inaasahan. Pinahanga nila ako sa kanilang mga simpleng gawain. Talagang nagmamalasakit si Mayor Duterte sa mga tao at apektado siya sa pagkawala ng kanyang mga kababayan. Hinahangaan at iginagalang ko siya dahil dito at higit pa.


Translated by: TweetNewscaster

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s