My Duterte Story: Gamot

#‎MyDuterteStory

Ni: Yrevaa Yaj

Sa loob ng maraming oras na ako’y tumitingin sa Facebook, ang aking newsfeed ay punung-puno ng mga propaganda laban kay Mayor Duterte, ang kanyang pagmumura, ang kanyang maruming mga salitang ginamit [upang sabihing] lilinisin ang kalat sa pagpatay sa mga kriminal at pagtatapon sa mga tiwaling opisyal sa ilang ilog at look upang patabain ang mga lamang-dagat, ng kanyang pagiging babaero at ang pinakahuli, ang [diumano’y] pagmura sa Santo Papa. Pero hayaan mong ikuwento sa iyo kung paanong tinulungan ako at ng aking anak ni Mayor Duterte sa pinakamatinding pagsubok sa aking buhay.

Dalawampu’t isang taong gulang pa lang ako noon, isang kolehiyala sa isang tanyag na paaralan sa Lungsod ng Davao. Talagang hindi ako taga-Lungsod ng Davao pero galing ako sa isa sa mga bayan ng Davao del Sur. Nasa ikatlong taon na ako sa pamantasan nang nagkaanak ako, at bilang solong ina sa 21 taong gulang, mahirap para sa akin at sa aking pamilya na nadismaya dahil malaki ang pag-asa nilang makatapos ako sa aking kursong medikal at magkaroon ng maayos na buhay. Pero nangyari na ito, at naisip ko na matapos kong iluwal ang aking anak, bubuti na ang lahat. Pero mapagbiro ang buhay. Nang tatlong buwan pa lang ang aking anak, natuklasang meron siyang Bacterial Meningitis, isang sakit na napakalupit na magreresulta sa kanyang pamamayat at ang pinakamalala, kamatayan.

Gumuho ang aking mundo, at talagang durog ang aking puso. Hindi ko alam kung saan ko kukunin ang ganoong kalaking halaga ng pera para sa pagpapagamot ng aking anak. Wala akong asawa, at ang kasama ko lang ay ang aking pamilya na sumusuporta sa akin. At ang mas malala pa, ang aking anak ang siyang pinakabatang pasyente sa kasaysayang medikal ng buong Mindanao na nagdurusa sa naturang sakit. Hindi namin alam kung saan kami kukuha ng pera at kung paano makakaligtas sa nasabing sakit habang kinailangan siyang ipasok sa isang pribadong ospital sa Davao upang masuri ng espesyalista. Tumaas ang halaga ng kanyang pagpapagamot na parang rocketship at maari itong makabara sa air pipe dahil napakamahal nga ito.

Ang aking ina, na malakas ang loob at pursigidong humingi ng tulong para sa kanyang unang apo, ang nagsabi sa akin na susubukan niyang pumunta sa City Hall at humingi ng tulong kay Mayor Duterte. Nag-alangan ako, at sinabi ko sa aking ina, “Mang, kahit hindi puwede, hindi tayo taga-Davao,” pero punung-puno siya ng pag-asa, at tumugon siya, “Susubukan ko lang, anak, ako’y isang tindero ng puto maya sa labas ng ospital [kung saan] tumutulong si Mayor [sa mga tao] kahit hindi taga-Davao. Susubukan ko. Meron silang City Assistance na tinatawag na Lingap para sa Mahirap. Susubukan ko lang.” At tumungo ang aking ina sa City Hall. Hinintay ko siyang bumalik at nanalangin na sana merong positibong resulta. Kailangang turukan ang aking anak ng antibiotic sa alas-4 ng hapon araw-araw at ito’y para bang bumubuhay sa kanya dahil ang kanyang gamutan ay napakamahal.

Kung tama ang naaalala ko, umaabot sa limang libong piso araw-araw ang kanyang antibiotic, at gamot pa lang iyan. Araw-araw bago pumatak ang alas-4 ng hapon, nanalangin ako na sana bumalik ang aking ama o ina sa ospital na may dalang pera o gamot para sa turok ng aking anak. Sampung minuto bago mag-alas-4 sa araw na iyon nang pumunta ang aking ina sa City Hall upang humingi ng tulong, tumakbo siya pabalik sa kuwarto ng ospital na punung-puno ng tuwa at luha ng kagalakan habang inaabot sa akin ang isang piraso ng papel at bag ng gamot…habang umiiyak at sinasabing, “Anak, may gamot na si Dodong araw-araw. Hindi na tayo mababaliw sa paghahanap ng gamot, anak.” Tinanong ko siya kung paano nangyari ito. Sinabi niya sa akin na nang siya’y nasa City Hall, nag-oopisina si Mayor Duterte sa labas ng City Hall upang pagsilbihan ang mga taong nangangailangan ng tulong.

Nang nagkaroon ng pagkakataon ang aking ina, at tinanong siya ni Mayor Duterte kung ano ang magagawa niya para sa kanya, sumagot ang aking ina, “Mayor, hindi kami taga-Davao City, hindi kami botante ninyo, Mayor, pero humihingi ako ng tulong para sa aking apo.” Ipinakita ng aking ina ang larawan ng aking anak at sinabi niyang may meningitis ang kanyang apo. Hindi nagtagal, hindi man tapos ang aking ina sa kanyang sasabihin, nang makita ni Mayor Duterte ang larawan ng aking anak na suot ang hospital gown, may sinulat siya sa isang pirasong papel habang tinatanong ang aking ina kung saang ospital namalagi ang aking anak.

Matapos magsulat, sinabi niya sa kanyang staff na alalayan ang aking ina at ibigay ang papel sa kanyang anak na si Ma’am Inday Sara. Sinagot niya ang bayarin sa ospital ng aking anak sa loob ng kanyang isa’t kalahating buwan ng pamamalagi sa ospital. Gayundin naman, 70 porsiyento ng aming bayarin sa ospital ay bayad na. Ito ang pinakanakakaantig at pinakamatinding halimbawa ng malasakit mula sa isa na hindi humihingi ng kapalit lalo na sa mga tao na alam niyang hindi siya bibigyan ng pabor at boto dahil hindi pa sila residente ng Lungsod ng Davao.

Kaya, tatanungin mo, “Bakit mahal ng Lungsod ng Davao si Mayor Duterte?” Dahil ang kanyang malasakit sa mga taong namumuhay nang maayos ay abot mula sa Silangan hanggang sa Kanluran, Hilaga hanggang Timog. At dahil dito, habambuhay akong magpapasalamat sa tao na may isang salita, na ipinapakita ang kanyang tunay na kulay – na sa kabila ng kanyang matapang at makulay na personalidad ay may puso sa kanyang mga tao.

Pagpalain ka nawa ng Diyos, Mayor Digong. Salamat sa Diyos dahil narito ka’t ginamit ka Niya para tulungan ako sa pinakamadilim na yugtong iyon. Siyanga pala, walong taong gulang na ang aking anak, malusog, masaya at napakatalino. Maraming salamat po.


Translated by TweetNewscaster


Featured Image Credit: Her son’s picture taken from Facebook.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s