My Duterte Story: Pagbabago

Bakit ko iboboto si Duterte?

Unang-una binago niya kami. Oo, taga-Davao City ako mula noong 1996 nang lumuwas kami mula sa bayan ng Lupon, Davao Oriental.

Pano ba kami binago ni Duterte?

Inumpisahan ni Duterte ang pagbabago sa Davao City sa mga bata mismo, na nang mga panahong iyon, ako’y labing-isang taong gulang pa lang. Ipinakita niya sa amin na dapat kaming matakot sa batas. Ipinamulat niya sa amin kung ano ang mangyayari sa buhay namin kung sinusuway namin ang batas.

Noong 1996 hanggang 2000 parang nagalit ang mga tao kay Duterte kasi nga mahigpit ang batas niya. Mga lola, lolo, at mga magulang namin ay ayaw kay Duterte, kasi sabi nila, walang kalayaan. Noong nakita na ni Duterte na ang mga tao ay sumusunod na sa kanya [o sa batas], binigyan naman niya ang mga tao ng mga serbisyo tulad ng 911 Emergency (LIBRE at makabagong teknolohiya sa pagtugon sa sakuna), senior citizen allowance, kulungan ng mga babae na parang village, na lahat ng pera na nakokolekta sa naninigarilyo ay napupunta sa mga batang may cancer, malinis at mabangong lungsod, mababa ang antas ng katiwalian, pinakaligtas na lungsod, imprastraktura (tulad ng liwasang pambayan, mga kalsada, at iba pa), mga pulis na walang malalaking tiyan, bagong sasakyan para sa mga pulis, at marami pang iba.

PERO ANG PINAKAMAGANDANG NAGAWA NIYA SA TAO AY BINAGO NIYA KAMI. Meron na kaming disiplina sa sarili. Ngayon, ako’y tatlumpu’t isang taong gulang na merong disiplina at may takot sa batas. Minsan nga, kapag naglalakad ako sa Davao, tapos meron akong bitbit na candy wrapper, inilalagay ko lang sa bulsa ko at naghahanap ng basurahan para doon itapon nang bukal sa puso. Alam mo yung [pakiramdam na] hindi mo ginawa iyon dahil takot ka sa batas – ginagawa mo kasi nakasanayan na. Iyan ang disiplinang ginawa ni Duterte sa amin sa Lungsod ng Davao.


Featured Image Credit: Rody Duterte from philtek.’s Facebook page.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s