Desiderata (Mga Bagay Na Kanais-nais)

Tumungo nang mapayapa sa kabila ng ingay at pagmamadali, at tandaan na sa katahimikan ay may kapayapaan.

Hangga’t maaari [nang walang pagsuko], makipagkasundo sa lahat ng tao.

Sabihin nang malakas at malinaw ang katotohanan; at makinig sa iba, kahit na ang mga mahihina ang ulo at mga mangmang; sila man ay may mga salaysay din.

Iwasan ang mga masasagwa at mapupusok na mga tao, sila ay pumupukaw ng inis sa espiritu.

Kung ikukumpara mo ang iyong sarili sa iba, mawawalan ka ng kabuluhan o sasama ang loob mo, pagkat may mga mas dakila at mas mababang uri ng tao kaysa sa iyo.

Mawili sa iyong mga nagawa gayundin sa iyong mga balak. Manatiling interesado sa iyong sariling karera, subalit maging mapagkumbaba; ito ang tunay na pag-aari sa gitna ng pabagu-bagong panahon.

Mag-ingat sa iyong mga gawain, dahil ang mundo ay puno ng pandaraya. Subalit hindi ito dapat makahadlang upang gumawa ng kabutihan; maraming tao ang nagsisikap para maabot ang minimithi, at kahit saan, ang buhay ay puno ng kabayanihan.

Magpakatotoo ka sa iyong sarili. Huwag magkunwari sa pag-ibig. At huwag kukutyain ito, sapagkat mawalan man ng sigla at bighani, ito ay tumatagal gaya ng damo.

Tanggapin nang may pagkagiliw ang payo ng mga taon, na isinusuko ang mga taon ng kabataan.

Palaguin ang lakas ng espiritu upang ilayo ka sa kapahamakan. Ngunit huwag mabahala sa iyong mga madidilim na guni-guni.

Maraming takot ang nagaganap dahil sa pagod at kalungkutan.

Bukod sa disiplinang kapaki-pakinabang, maging mabait sa iyong sarili. Ikaw ay isang paslit ng sansinukob, di hamak kaysa sa mga puno at tala; ikaw ay may karapatan na manatili dito. At malinaw man o hindi ito sa iyo, walang duda na nagpapaliwanag ang sansinukob.

Kaya makipagkapayapaan sa Diyos, anuman ang pagtingin mo sa Kanya, at anuman ang iyong ginagawa at minimithi, sa maingay at magulong buhay, maging payapa nawa ang iyong kaluluwa.

Sa harap ng pagkukunwari, nakakayamot na gawain, at mga nasirang pangarap, maganda pa rin ang daigdig.

Mag-ingat ka. Sikapin mo na maging masaya.


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Desiderata

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s