Duterte Serye: Duterte on Women

From Inday Sara’s Facebook fanpage.

Taliwas sa ipinapakita ng media, si Duterte ay hindi isang machong kumakalaban sa karapatan ng mga kababaihan dahil sa mga ordinansang ipinatupad niya sa kanyang pamamalagi sa Davao City Hall:

  1. Ang kauna-unahang Women Development Code sa Pilipinas.
  2. Ang pagtatag ng Child Minding Center (kauna-unahang itinatag sa bansa) na ang unang layunin ay pagsilbihan ang mga inang kawani ng gobyerno na may bata o sanggol na dapat alagaan, upang ang mga ina ay hindi na kailangang mahiwalay sa kanilang mga bata at sanggol habang sila’y nagtatrabaho.
  3. Ang pagtatag ng Gender Sensitive Crisis Intervention Unit na tumatakbo nang 24 oras, naglilingkod sa mga kababaihan at mga bata na biktima ng karahasan. Ito’y nagsisilbing takbuhan ng mga biktima, at nariyan ang mga pulis, ang tanggapan ng social welfare, city legal office, at mula sa city health office upang tiyakin na ang pangangailangan ng mga kababaihan at mga kabataan ay naaasikaso sa iisang lugar lamang. Nagsisilbi din itong pansamantalang tahanan para sa mga babaeng biktima.
  4. Ang OFW Center Ordinance kung saan isa sa mga pangunahing aspeto nito ay ang 24 oras na hotline para sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa, na karamihan ay mga kababaihan, upang makausap nila ang kanilang mga mahal sa buhay.
  5. Ang ordinansang nagtatag sa Women’s Health Clinic, kung saan iniaatas ng Lungsod ang City Health Office at ang City Social Welfare Office na asikasuhin ang lahat ng pangangailangan sa reproductive health ng mga kababaihan.
  6. Ang resolusyong nagdedeklara sa Oktubre 5 bilang No To Prostitution Day bilang pagkilala ng Lungsod na hindi trabaho ang prostitusyon, at hindi desisyon ng isang babae kundi bilang isang anyo ng pang-aabuso laban sa kanila.
  7. Ang kauna-unahang Ordinansa sa AIDS, na nag-aatas sa Lungsod na pangunahan ang kampanya laban sa HIV.
  8. Ang resolusyong nagdedeklara sa lahat ng kaso ng pang-aabuso laban sa mga babae’t mga bata bilang emergency case at dahil dito’y inihahanay kasama ng iba pang mga emergency cases na [dapat] asikasuhin ng Central 911.
  9. Ang ligation at vasectomy services ay iniaalok nang libre at ang mga lalaki at babae na nakatanggap ng naturang serbisyo ay binibigyan ng pera bilang ayuda.
  10. Ang Anti-Discrimination Ordinance…

Ikaw, kung babae ka, sino ang iyong masasandalan?

Infopic:

10171292_1676466609279959_2031739387020361979_n


Translated by TweetNewscaster


Featured Image Credit: Mayor Rody Duterte in the inauguration of Davao Child Minding Center.

 

Advertisements

One thought on “Duterte Serye: Duterte on Women

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s