Duterte Serye: Hostage

By: Duterte Dailynews Service


Kilala ang papel ni Mayor Rodrigo Duterte bilang tagapamagitan sa pagpapalaya ng mga bihag. Noong Huwebes, inamin niya na alam niya kung paano maging isang bihag mismo.

“Ako lang ang tanging kandidato na kusang-loob na maging bihag kapalit ng isang bata,” ang idineklara ni Duterte sa pagtitipon ng mga ebanghelikong ministro sa Cuneta Astrodome.

Ginawa ni Duterte ang pag-amin sa harap ng mga relihiyosong mga tagapakinig na naghintay nang ilang oras upang magsalita siya.

Sa ilang okasyon, tinawag si Mayor upang pangasiwaan ang pagpapalaya sa mga militar at pulis na dinukot ng mga rebelde sa timog.

Hiningi ng mga kasapi ng mga pamilya ng mga bihag (mapa-gobyerno man o mapa-sibilyan) ang tulong ni Duterte bilang chairman ng Regional Peace and Order Council sa Region 11.

Hindi nagbigay ng detalye si Duterte sa insidenteng iyon bukod sa pagsasabing ginawa niya ito para sa bata na binihag sa isang hostage drama mula sa kanyang ina.

Hanggang sa mga oras na ito, iginiit ni Duterte na hindi niya gustong kunin ang pampanguluhang posisyon.

Inamin niya na napilitan siyang tumakbo nang makita niya ang mga kasalukuyang tumatakbong kandidato.

“Kung maalin sa dalawang ito ang manalo, patay tayong lahat,” ani Duterte, na tinukoy ang Pangalawang Pangulong Jejomar Binay at dating Kalihim ng Interyor na si Mar Roxas.

Hindi pinalampas ng pambato ng Mindanao ang pagkakataon na pag-usapan ang pambato ng Partido Liberal. Sabi ni Duterte, “Hindi niya kayang kontrolin ang stress,” na pinunto ang kanilang engkuwentro sa Tacloban sa pangalawang araw matapos manalasa ang bagyong Yolanda. Hindi na masyadong pinag-usapan ni Duterte ang tungkol kay Binay liban na lang sa pagdidiin na walang moral na awtoridad ang huli upang labanan ang katiwalian.

Wala siyang sinabi tungkol kay Senador Grace Poe na nalampasan ang mga disqualification cases na inihain laban sa kanya pero ngayo’y kailangang harapin ang mga batikos sa kontrobersyal na desisyon [ng Kataas-taasang Hukuman].

“Nais kong makita ang bansang pinamumunuan ng mga karapat-dapat na tao,” sabi ni Mayor.

Nang naglakad si Duterte sa astrodome, sinamantala ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagkakataon upang ipakilala ang kanyang pambato.

“Bakit ba pag pinag-uusapan ang pagbabago biglang dumadating si Mayor Duterte?” ani Cayetano.

Sa pakiramdam na komportable siya sa naturang relihiyosong grupo na nagdeklara ng suporta sa kanya at kay Duterte kahit bago pa man sila dumating, nagsalita nang mas matagal si Cayetano upang itaguyod ang kanilang tambalan.

“Kung mali ang mga desisyon natin, ang pagbabagong ipinagdarasal natin ay hindi darating,” babala niya.

Idiniin ni Duterte ang pangangailangan para sa pagkakapantay-pantay at katarungan sa pamahalaan.

Sinamantala niya ang pagkakataon upang buweltahan ang pag-aangkin ng administrasyon na gumanda ang ekonomiya sa ilalim ng pamumuno nito.

“Hangga’t hindi ko nakikita ang pagkain sa hapag, walang anumang halaga iyan,” sinabi ni Mayor.

Inihayag ni Duterte na ang kanyang pagtanaw na magiging malungkot ang hinaharap ng kanyang mga apo at ng susunod na henerasyon ay isa sa mga dahilan kung bakit nagbago ang kanyang isip at nagdesisyong tumakbo.

“Paano ako mamamatay nang payapa ang aking isip?” ang kanyang tanong.

Ginawa na ni Duterte ang kanyang tungkulin. Nasa mga botante na kung tutuparin din nila ang kanilang tungkulin. (Chito Fuentes)


Translated by TweetNewscaster


Featured Image Credit: Duterte at the Cuneta Astrodome with religious leaders.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s