My Duterte Story: Kat De Castro

Marami nang personal na kuwento ng malasakit ni Mayor Duterte sa kapwa. Ilan sa mga ito ay isinalin ng may-akda upang maintindihan ng maraming Pilipino kung ano ang dapat taglayin ng isang nais maglingkod sa bayan. Sana may magsalin din ng kanyang mga kuwento sa iba’t ibang wika sa Pilipinas tulad ng Cebuano, Ilonggo, Waray, Bikolano, Ilokano, at Kapampangan. Sa pagkakataong ito, tunghayan naman natin ang pinakabagong #MyDuterteStory mula kay Kat De Castro:


Nang namatay kahapon si Tiyo Nixon Sinsuat, nataranta kami. Dahil ililibing siya ayon sa ritwal ng Islam, kailangan naming pumunta agad doon upang magbigay ng huling paalam. Dahil sobrang trapik sa Metro Manila, hindi kami makakaabot sa kahit anong direct flight papuntang Lungsod ng Cotabato. Ang pinakamagandang alternatibo ay lumipad papuntang Lungsod ng Davao. Inaasahan namin na makakarating kami doon nang alas-7:30 ng gabi. Bukod sa pag-book ng mga tiket para sa buong pamilya Sinsuat na nakabase sa Maynila, inatasan akong maghanap ng van na handang maglakbay ng limang oras sa ruta mula sa Lungsod ng Davao papuntang Lungsod ng Cotabato sa gabi. Alam ng sinuman sa Mindanao na ang pagtahak sa rutang iyon sa gabi ay hindi 100 porsiyentong ligtas. Tulad ng inaasahan, ni isang van rental ang sumang-ayon [na ihatid kami doon] kahit ano pa ang pakiusap namin.

Nalaman ni Bong Go at ni Mayor Rody Duterte ang problema. Agad silang nagpadala ng pribadong van para sa aking pamilya. Pagkalabas pa lang namin sa paliparan, nariyan na ang van. Nang tanungin ko kung gaano kaligtas ang rutang iyon, sinabi niya, “Huwag mo nang alalahanin iyon. Kailangang makita ng pamilya mo ang iyong tiyo sa huling pagkakataon. Sasamahan ka ng Diyos.” Alam kahit papaano ng halos lahat ng mga checkpoint na dumadaan kami sa rutang iyon. Alas-12:30 na ng madaling-araw nang nakarating kami sa Cotabato. Umaga na nang inilibing ang aking Tiyo.

Alam kong ayaw niyang ipamalita ang kanyang mga magagandang ginawa, subalit, mula sa aking puso, gusto kong magpasalamat sa inyo, Rody Duterte at Bong Go. Ang aking Tiyo ay hindi residente ng Lungsod ng Davao, pero nag-abot ka ng tulong. Naintindihan ninyo ang aming problema kahapon. Marami kang nagawa para sa aming pamilya at dahil diyan, habambuhay kaming magpapasalamat sa iyo. Pagpalain ka nawa ng Diyos, Mayor Duterte.


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Kat de Castro posing with a van.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s