My Duterte Story: One True Love

By: Mary Joy Siddle

…Isa ang aking pangarap sa buhay: Matagpuan ko ang aking mahal at isulat ang aking kahanga-hangang kuwento ng pag-ibig. Ngayon, hindi ako makapaniwala na nabubuhay ako sa aking mala-prinsesang pangarap. Masaya ako at ikinasal ako sa isang pinakamamahal, mabait, at kahanga-hangang lalaki sa buong mundo. Kung hindi dahil kay Mayor Duterte at sa kanyang mapagkalingang puso, hindi ko maisusulat ngayon ang aking kuwento para sa inyo. Sa totoo lang, malamang na maisalang ako sa dialysis o mas malala pa. Siya’y isa sa mga naging instrumento ng Diyos upang tulungan akong harapin ang pinakamahirap na pangyayari sa buhay ko.

Nagsimula ang aking kuwento kay Duterte mula pa noong 2004 nang matuklasang meron akong End Stage Renal Disease secondary to Rapidly Progressive Glomerulonephritis. Limitado ang aking pagpipilian upang mabuhay ako nang matagal. Ang dialysis at kidney transplant ang pinakamagandang pagpipilian upang mabuhay. Sa aking dialysis sessions, malaki ang naitulong ng programa ni Mayor na tinatawag na Lingap. Kung ang pasyente’y may PhilHealth, sila’y nagbabayad lang ng 500 piso taliwas sa 5,000 piso kada session sa mga pribadong ospital o pasilidad. Sa mga panahong iyon ako’y sumailalim sa tatlong session ng dialysis kada linggo. Ito’y pabigat sa aking pamilya sa aspetong pinansiyal, emosyonal, sikolohikal, at ispiritwal. Iyan ang dahilan kung bakit ko nasabi na malaking tulong sa amin ang Lingap!

Hindi diyan nagtatapos ang aking kuwento tungkol kay Duterte. Pagkatapos ng anim na buwan ng dialysis, napagdesisyunan na kailangan ko talagang sumailalim sa kidney transplant upang mabuhay nang malusog at normal na buhay. Walang pera ang aking pamilya upang tustusan ang transplant, kaya sinubukan ko ang suwerte sa pagsulat kay Mayor Duterte. Ang aking liham ay isinulat ko sa yellow paper na tinatanong kung tutustusan ba niya ang aking kidney transplant. Sa awa ng Diyos at sa mabuting puso ni Mayor, sumang-ayon siya na tustusan ang aking kidney transplant. Binago talaga ng Marso 31, 2004 ang aking buhay. Labindalawang taon na ang nakalipas mula nang ako’y sumailalim sa transplant at siya ay isa sa mga instrumento ng Diyos bukod sa aking donor na si Maria Gracia, ang aking kambal na kapatid (na ibinuwis niya ang buhay para sa akin), ang mga doktor, ang aking pamilya, at mga kaibigan na tinulungan ako upang magkatotoo ang aking panaginip.

Sinimulan ko ang courtesy call sa kanya matapos ang transplant upang personal na magpasalamat sa kanyang matapang na aksyon at pagpapakita ng kabaitan, pero gusto ko pa rin siyang pasalamatan sa pagkakataong ibinigay niya sa akin upang mamuhay nang normal. Mula noon, nakapagtapos na ako sa kolehiyo, at nakahanap ng trabaho bilang HR Associate, Guidance Counselor, at Psychometrician.

Sa kasalukuyan, ako’y nasa Amerika na nabubuhay sa pangarap bilang isang babaeng ikinasal sa isang espesyal na lalaki. Wala ako sa Pilipinas, at hindi rin ako makakaboto, pero ang aking puso ay para sa lahat ng mga Pilipino na boboto para sa akin. Hindi ko ito ginawa upang suklian si Mayor sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa akin. Ginawa ko ito upang malaman ng lahat ng Pilipino na ang bansang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Duterte ay ang tipo ng pamumuno na kailangan at dapat taglayin ng bayan. Ito ay para sa mga Pilipino at para sa ating bayan!


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Her letter to Mayor Rody Duterte.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s