Duterte at UPLB Question and Answer Issue

May kumakalat na video tungkol sa isang batang estudyante na sabi ng iba, akala daw niya siya’y magaling o henyo?

Sasabihin naman ng iba, “Porke’t nakapag-aral sya sa UP eh feeler na? Tsk.”

Gayunman.

May kinabukasan kaya ang batang ito?

Sa tingin niyo?

Lahat ng sasabihin ko ay sa aking palagay lamang. Kung hindi kayo sang-ayon, wala po akong magagawa.

Ang gusto ko lang ay protektahan ang aming Mayor.

Pakiramdam ko na bilang Davaoeño, kailangan kong protektahan ang Mayor namin.

Dahil mahal namin at nirerespeto namin siya nang sobra.

Tinanong [ng estudyante] kung ano ang prayoridad ni Mayor sa pagbabadyet.

Edukasyon ang tugon [ni Duterte].

Hindi pa ba sapat iyon?

Ipinaliwanag pa ng estudyante na papano niya gagawin kung ano ang nagawa niya sa Davao (911) at ang modernisasyon ng mga armas kung edukasyon ang pinakaprayoridad.

Kung nag-iisip siya… na sa palagay ko ay hindi? Kasi nasa isip niya noong mga panahong iyon ay ang magpasikat? Opinyon ko lang.

Pero gayunpaman.

Nang sinabi ni Duterte na edukasyon ang pinakaprayoridad, ibig sabihin nito napagkasunduan na ito. Ang laang-gastusin sa edukasyon ay hindi na gagalawin.

Sunod, paano naman niya mapapaayos ang ating mga sandata?

Sasabihin sana ni Mayor ang dahilan kung bakit niya kailangang ayusin ang sandata ng Davao noong mga panahong iyon dahil sa mga sitwasyon.

Na ang ibig sabihin, hindi niya [pinaka]prayoridad ang mga sandata, na sinabi na niya sa simula pa lang.

Pero naramdaman ko na gustong bigyang-diin ni Duterte na kung sakaling umabot sa ganoong sitwasyon, kanya itong uunahin.

At bukod pa diyan, sapat na ang laang-gastusin sa pagsasaayos ng mga sandata kung tama lang ang paggasta at hindi kukurakutin.

Sa pamumuno ni Duterte, sisiguraduhin niya na magagamit ang badyet nang tama at maayos.

Kung saan iyon ay ginawa niya sa Davao.

Sino ang mag-aakala na ang Lungsod ng Davao, na dapat sana’y walang badyet, ay nagkaroon ng 911 at libre pa?

Yung iba sa Maynila na nasa kanila ang resources. Eh wala? Ibig sabihin, nasa bulsa na nila ang pera.

Ang gusto kong sabihin ay ito: Merong sapat na pera ang Pilipinas. Sapat na badyet. Yun nga lang, hindi ito nagagasta nang tama.

Sa madaling salita, nasagot nang maayos ni Mayor ang tanong.

Ngayon.

Maiisip mo, “Bakit ba ganoong sumagot si Mayor – mahaba? At madalas, sumesegway?” Na akala mo, lihis sa isyu ang sagot, pero sa dulo, matatanto mo na may connect pala.

….Gusto niyang ipaliwanag ang mga bagay [subalit] ilang nagpapaka-henyo ay hindi makaunawa.

Nag-iisip siya ng kakaiba (thinking out of the box) samantalang ang iba ay hindi.

Pero ito lang iyan eh.

Aanhin ang tamang SAGOT kung ang tinatanong mong tao ay hanggang sa pagsagot lang ang kaya.

Ang kailangan natin ay ang taong kayang panindigan ang sagot niya at may napatunayan na.

Kung sinabi niya iyon, gagawin niya.

Tungkol naman sa kanyang programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa.”

Lahat [o karamihan] ng sinabi niyang gagawin ay ginawa niya. Kaya bilib kami sa kanya.

Di gaya ng iba. Maraming salita pero kaunti ang gawa.

Ano ang kailangan natin sa Pilipinas?

Nagsasalita? O gumagawa?

At para naman sa estudyante sa UPLB.

Godbless.


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Rody Duterte and Stephen Villena. Image sourced via Even Demata’s Facebook page.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s