My Duterte Story: Relief Goods

Hello sa mga kapwa ko supporters ni Duterte. …Nais kong ibahagi sa inyo ang aking kuwento kay Duterte.

Nandito po ako sa Calgary, Canada, nagtatrabaho bilang staff nurse sa isang ospital. Sa sobrang abala dahil sa trabaho, at minsan, pagod na rin ako, wala na po akong oras para manood ng balita lalo na sa buwan ng Nobyembre [kasi] medyo maraming mga pasyente ang humihiling ng pribadong nars para sa kanilang bakasyon, kaya po nagkakaroon ng kakulangan sa tao sa ospital.

Noong Nobyembre 9, 2013, pagdating ko pa lang sa ospital, may anunsyo ang head nurse. Nagtatanong sila kung sino ang gustong sumama sa Tacloban bilang volunteers para tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Hindi ako nakapagbukas ng TV kaya hindi ko alam kung gaano kalaki ang pinsalang dinulot ng bagyo. Nag-volunteer ako dahil ilang taon na rin akong hindi nakakauwi sa Pilipinas.

Sa totoo lang po, medyo nakakahiya man, pero sabi talaga ng Pinuno ng Lupon ng mga Katiwala (Board of Trustees) ng Ospital, siguraduhin [namin] na kami ang magdadala ng tulong, donasyon, at relief goods dahil daw hindi mapagkakatiwalaan ang gobyerno ng Pilipinas. Ang eksaktong sinabi niya: “Magpadala kayo ng mga kinatawan at volunteers sa Tacloban at siguraduhing walang nakakahawak ng mga relief goods. Hindi mapagkakatiwalaan ang Gobyerno ng Pilipinas. Ibigay na ninyo nang personal sa mga biktima.” Aray, medyo nakakailang. Pinoy po ako, Madame! Haha.

Gabi ng Nobyembre 9, kami ay lumipad sa pamamagitan ng Boeing C17 Globemaster. Iyon po ang aircraft na ginagamit sa Canada para sa relief operations. Nakakatuwa kasi halos puro Pinoy din ang mga volunteer na galing sa ibang mga pagamutan. Halos isang araw ang biyahe.

Nobyembre 10 ng gabi, kami’y nakalapag sa Tacloban. Magulong-magulo ang lugar, [anupa’t] hindi kami agad makapasok. Kung napanood ninyo ang Resident Evil, parang ganoon ang paligid doon:  May mga usok, mga wasak na bahay, sirang gusali at tindahan sa paligid, patay na nagkalat kung saan-saan, may umiiyak, at sumisigaw. Hindi talaga namin alam kung ano ang uunahin namin. Nag-mask na kami dahil sa sobrang baho, marahil nangangamoy na ang mga patay sa paligid. Nagtayo kami ng tolda. Paunti-unti, ang mga lalaking volunteer  na ang naglakas-loob na pumasok para magbigay ng mga pagkain.

Nakakainis lang kasi po may mga kawani ng DSWD na hinaharang ang mga volunteer na gustong pumasok kasi po yung package ng relief goods namin ay kumpleto na [para sa kanilang pangangailangan], pero ang ginawa nila, iniinspeksyunan nila [ang mga relief goods], at pagkatapos sinasabi nila na para sa tatlong araw lang ang ibigay kasi hihingi at hihingi daw ulit ang mga iyon. Ang mga branded na gamot na dala namin ay gusto pa sana nilang palitan ng local brand.

Talagang hindi ako makapaniwala na ganoon na ang sitwasyon, nakuha pa nilang unahin ang pansariling interes sa gitna ng mga nagugutom, nag-iiyakan, mga bangkay, at mga taong naghahanap ng kani-kanilang mga pamilyang nawawala! Talagang napipikon na kami dahil naawa na kami sa mga nakaligtas lalo na sa mga bata. Nagagalit na rin ang Canadian na team leader ng grupo namin kasi sabi niya, walang utos galing sa Gobyerno ng Canada na irerepack ang mga nakahandang package. Ilang saglit lang, may dumating na babae. Nagpakilala siya na siya ang in-charge at pumayag siya na ipamigay na ng mga kasama namin ang goods at mga gamot. Siguro na-alarma [siya] dahil sabi ng Team Leader namin na itatawag niya sa DART (Disaster Assistance Response Team) Head [ang insidente]. Kaya, doon na nag-umpisa kaming magtrabaho.

Sobrang nakakapagod, pero iba ang pakiramdam na nakakatulong ka sa kapwa Pilipino. Nobyembre 11, may ilang grupo na nakikita namin na tumutulong sa mga batang umiiyak kasi hinahanap nila ang mga magulang nila. Ilan sa kanila’y gutom. Meron ding medical team na tumutulong sa amin para gumamot sa mga nasugatan.

May isang tao na kumuha ng atensyon naming lahat kasi medyo may-edad na siya, pero maliksi pa ring gumalaw, kumakarga ng mga batang umiiyak, nag-eestima sa mga matandang inuubo dahil sa ginaw, tumutulong sa mga nag-aasikaso ng mga patay sa kalsada, hanggang sa pinagpahinga siya ng kasama niyang doktor dahil nalipasan pala ng gutom. Sabi ng kasama naming Canadian Team Leader, “Dapat tumakbo sa pulitika ang taong iyan, hindi tulad ng isang tao na kulay-asul (Mar Roxas) na namalagi sa tolda at nagbibigay lang ng utos. Hindi ako makapaniwala na pinagkatiwalaan siya ng inyong Pangulo para maging Pinuno ng Response Team. Paupo-upo lang siya, kumakain ng masarap na pagkain, lumalabas, at umaarteng tumutulong kapag merong media at camera. Palagay ko’y balak niyang tumakbo sa mataas na posisyon, pero gusto ko ang matandang iyan (Duterte). … Siya’y magiging isang magaling na pulitiko.”

Nang marinig iyon ng isang doktor, lumapit siya sa amin at nagsabi sa akin, “Excuse me po, Nurse, sa totoo lang, talagang pulitiko po siya. Siya po si Mayor Rodrigo Duterte ng Lungsod ng Davao.” Ah! Mayor Rodrigo Duterte, pangalang nakaukit na sa aking isip. Mula noon, hindi na nawala sa isip ko ang pangalan niya. Nakita ko pa na kahit pagod siya, nakuha pa niyang ngumiti nang may lumapit sa kanyang isang bata na may dalang tinapay. Hindi talaga siya kagaya ng ibang pulitiko na gustong magpanayam at matanghal [sa balita]. Talagang pinangatawanan ni Mayor Duterte ang tunay na kahulugan ng Lingkod-Bayan.

Pagkatapos ng isang linggo ng pagiging volunteer, umuwi na kami ng Canada. Hindi na ako nakauwi sa probinsya namin, pero sulit, sarap talaga ng pakiramdam ng nakatulong kahit wala kaming suweldo. Pagbalik ko ng Canada, binigyan kami ng tatlong araw para makapagpahinga. Nagsaliksik ako tungkol kay Mayor Duterte, at lalo akong humanga sa mga nagawa niya sa Lungsod ng Davao. Isa ako sa mga nagnais na sana ay tumakbo siya bilang Presidente. Sinundan ko na ang mga balita tungkol sa kanya, mabuti man o masama. Natuwa talaga ako nang nakumbinsi siyang tumakbo sa pagka-Pangulo. Isa rin ako sa nagkakampanya sa kanya dito sa Canada. Di nga lang po bulgaran kasi po mga pulitiko din ang pamilya ko sa probinsya namin mula pa sa mga lolo at lola ko at ngayon ang nakaupong Mayor ay aking pinsang buo. Hindi ako puwedeng hayagang mangampanya dahil nasa partidong Liberal ang pinsan ko, pero sinasabi ko po sa inyo, sa lahat ng kakilala ko dito sa Canada, pati sa mga pamilya nila, talagang kinakampanya ko si Mayor at isa ako sa mga punong-abala sa pagsasaayos ng aming paglilibot dito kung walang pasok para pa rin mangampanya.

Hangad ko po na manalo ang isang tulad ni Mayor Duterte. Sabi nga ng Team Leader namin, “Kung siya (si Duterte) ang mamumuno sa inyong bansa, ito’y magiging maunlad at siguradong magiging isa sa mga pinakadakila at pinakakagalang-galang na bansa dahil sa kanyang mabuting puso para sa mga mahihirap at mga nangangailangan.” Sana po ay bigyan ninyo ng pagkakataon si Mayor na pagsilbihan kayo. Sa lahat ng may duda, magsaliksik kayo. Updated na ngayon kahit saan mag-Internet. Huwag maniwala sa mga nakikita sa TV at nababasa sa mga diyaryo, dahil si Mayor Duterte ang klase ng tao na ayaw isapubliko ang kanyang mga mabubuting nagagawa sa bayan.

Saludo ako sa iyo, Mayor. Patuloy ka nawang pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan para makatulong at makapaglingkod ka pa sa maraming tao. Siguro, anuman ang magiging resulta ng halalan, nagpapasalamat pa rin ako na minsan sa aking buhay nag-abot ako ng tulong sa kapwa ko Pilipino at naranasang pagsilbihan ang bayan kasama ang Alamat, si Mayor Rodrigo Duterte.


 

Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Duterte with the crowd.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s