My Duterte Story: Simpleng Tao

Ako’y galing sa Davao. Si Duterte ay kababatang kaibigan ng aking ama. Siya’y eksaktong kabaligtaran ng isang diktador. Noong unang bahagi ng dekada 80, bago pa man siya mahalal bilang alkalde, naghihintay siya sa loob ng bahay ng aking mga kamag-anak. Ang mga magulang ng aking mga tiyo (grand-uncles: pamilya Pichon at pamilya Bangoy) ay nagpulong [upang pag-usapan] kung sino ang kanilang ieendorso bilang alkalde. Ang aking mga kamag-anak ay mga makapangyarihang personalidad noon at kailangan mong makuha ang kanilang basbas kung nais mong manalo.

Nakaupo si Duterte sa tabi ng aking ama, at nanenerbiyos siya at nag-aalangang tumakbong mayor. Nang aalis na ang aking mga magulang, hinawakan ni Duterte ang kamay ng aking ama at nagsabi, “Alex, huwag mo akong iwanan. Dito ka muna.” Laging nag-aalangan si Duterte na humawak ng kapangyarihan, pero kung ginawa niya iyon, gagawin niya ito para sa ikabubuti ng mga tao. Lahat ng nangyari pagkatapos nito ay iniukit na sa kasaysayan.

Tungkol kay Duterte, siya’y isang simpleng tao. Makikita mo lang siya na naglalakad mag-isa sa mga lansangan sa gabi upang patunayan na ligtas ang Lungsod ng Davao. Minsang sinabi ng aking ama sa akin na umiyak at lumuhod si Duterte nang makita niyang pinaslang ang mga bata. Tingnan mo, mahal niya at inaalagaan niya ang mga tao nang sobra anupa’t naiintindihan niya na kailangan niyang maging malupit sa mga kriminal upang protektahan ang mga taong pinakamamahal niya. Naiintindihan naming mga Davaoeño na kailangan siya ng bansang ito at dahil dito iniaalay namin sa inyo ang aming pinakamahalagang kayamanan – ang aming butihing Mayor. Malakas siya subalit matanda na at ito ang dahilan kung bakit ito lang ang tanging pagkakataon para siya’y maglingkod bilang Pangulo. Magtiwala lang sa kanya at hindi ka mabibigo.

(c) Delon Pimentel


Translated by: TweetNewscaster

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s