Duterte Serye: Rooting for Duterte

By: Aris SirNash Casanova.

Bakit namin hinahanap si Duterte?

  1. Mahuhulaan ang pamamalakad ni Duterte. Alam natin kung ano ang inaasahan natin. Sinabi na niya sa atin ang uri ng kanyang pamamahala. At kapag sinabi niya ang isang bagay, lagi niya itong ginagawa. Nagbabala siya na papatayin ang mga nagtutulak ng droga sa loob ng 48 oras. Wala pang 24 oras, patay na ang isa. Asahan pa [ang ganitong sitwasyon] sa mga susunod na araw.
  2. May pagkiling si Duterte sa agrikultura. Laging sikat ang Lungsod ng Davao sa mga mabubuting programa sa agrikultura. Lungsod ito. Pero ito ang isa sa mga malalaking supplier ng mga prutas sa buong Mindanao. Sinabi niya na magbibigay siya ng libreng irigasyon. Isa itong planadong hakbang. Ang iba pang planong nais niyang ipatupad ay ang pagpigil sa pag-angkat ng baboy, manok, sibuyas, baka, prutas, mantika, asukal, at iba pang produktong agrikultural. Kung tama ang kanyang mga programa at patakaran, magiging posible ito. Tayo ay isang bansang agrikultural. Hindi ko maintindihan kung bakit nag-aangkat pa tayo ng mga produktong agrikultural.
  3. Meron siyang paraan ng pang-aakit sa mga namumuhunan. Ang kanyang kampanya laban sa katiwalian, ang kanyang patakaran sa mabilis na pagproseso ng business permits, ang kanyang patakaran na huwag tatanggap ng suhol, at ang magandang kapaligiran para sa pagnenegosyo ay siyang gumaganyak sa maraming namumuhunan. Kung siya’y magiging pangulo, asahan nating darami ang mga investors dahil sa kanyang mga patakaran. Minsan niyang sinabi sa mga negosyante sa Lungsod ng Davao, “Alagaan ninyo ang ekonomiya at aalagaan ko ang kaayusan at kapayapaan.”

MAS MARAMING NAMUMUHUNAN, MAS MARAMING TRABAHO.

  1. Mabibigyan ng pagkakataon ang kapayapaan. Ang kanyang bukas na linya at bukas na pag-iisip sa NPA at sa mga rebeldeng Muslim ay maaring magbigay ng pagkakataon para sa mapayapang pagtatapos ng bakbakan sa kanila. Matindi ang respeto ng Sandatahang Lakas, NPA, at mga Muslim kay Duterte.
  2. Alam niya ang iniisip at itinitibok ng mga tao. Nakikinig siya sa kanila. Alam niya ang pagdurusa at pag-aalala ng mga mamamayan at naghahanap siya ng paraan upang malutas ang mga problema. Ang 911, Southern Philippines Medical Center, at ang Task Force Davao ay patunay na lahat ng mga ito. Nang tumama ang Yolanda, siya ang unang opisyal ng gobyerno na dumalaw at kumilos sa Tacloban.
  3. ANG PANGUNAHING DAHILAN KUNG BAKIT HINAHANAP SI DUTERTE AY PROBLEMA SA DROGA, KARAHASAN, AT KRIMEN. Laganap ang mga ito ngayon. Hindi na magtatagal at ang Pilipinas ay magiging isang NARCO STATE…

Si Duterte lamang ang kayang manindigan laban sa krimen at droga.

  1. Isang pangunahing suhestiyon ang Federalismo pero may saysay ito.

Sa kasalukuyan, kinokolekta ng mga lalawigan [o ng BIR] ang kita at ibinibigay ito sa pambansang pamahalaan. Ito ay ipinapamahagi bilang PDAF o Pork Barrel para sa mga senador at mga kongresista, at naiiwan ang mga LGU na nanlilimos sa tira-tira. Nais ni Duterte na baguhin ito.

Ang mga LGU ay mangongolekta ng kita at magbibigay ng bahagi nito sa pambansang pamahalaan. Subalit mananatili sa kanila ang malaking bahagi ng kanilang kita, at gagawa sila ng sariling badyet o laang-gastusin. Sa pamamagitan nito, ang mga lalawigan at bayan na magpapatupad ng mabuting palakad ay uunlad. Magsisilbi silang halimbawa at inspirasyon sa iba pang mga lalawigan at bayan.

  1. Si Duterte lamang ang mayroong political will, tapang, at malasakit.
  2. Mayroong matatag na pundasyon [ng mga tagasuporta] si Duterte na nanatiling matatag. Meron siyang mga pinakamasisigasig na volunteers. Walang kandidato na makakayang tapatan ang lakas, puso, at sigasig ng mga sumusuporta sa kanya.

Translated by: TweetNewscaster

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s