Mocha Uson On Choosing Duterte

By: Mocha Uson and In Defense of Rodrigo Duterte.

Noong halalan para sa mga senador, isang kandidato lang ang ibinoto ng isang adik sa droga – si Jovito Salonga. Simple lang ang kanyang dahilan – isang kandidato lang ang karapat-dapat na iboto.

Ngayon, ginagawa ng Mocha Girls ang lahat anupa’t iniiwasan nila ang kanilang fans na ayaw kay Duterte, dahil naniniwala sila na siya lang ang karapat-dapat na iboto bilang pangulo.

Bakit nagawa ng isang adik sa droga at ng isang grupo na aliwin ang madla na kilalanin ang karapat-dapat na kandidato habang marami ang hindi?

Ang simpleng sagot ay dahil ang utak ay binigyan ng kahanga-hangang katuwiran. Merong pagkakataon na hindi hinahadlangan ng kanyang pagkatao ang kanyang tungkulin na makilahok sa lipunan at pumili ng tama at higit na karapat-dapat na kandidato…

Pinanumunuan ni Mocha Uson ang grupo ng mga sexy dancers (na kung tawagin ay Mocha Girls) na sumasayaw sa mga aliwan sa Kalakhang Maynila. Ibinahagi niya ang mga dahilan sa kanyang pagsuporta kay Mayor Rody Duterte. Galing ito sa blog niya, at ibinahagi ni Manny Piñol. Isinalin ito ng may-akda upang maintindihan ng maraming tao, at upang bigyang-pagkakataon, lalo na ng mga hindi pa nakakapagdesisyon kung sino ang iboboto nila, na makita kung bakit marami ang sumusporta sa Alkalde ng Lungsod ng Davao.


 

Marami ang nagtatanong, sino ba itong si MOCHA USON at bakit siya masyadong nakikialam sa pulitika? Hindi ba’t taga-aliw lang siya? Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking pinagmulan upang malaman ninyo kung sino ako, kung saan ako galing, at ang aking karanasan. Bago ako nag-full time bilang entertainer, nag-aral ako sa isang medical school sa Maynila.

Nasa ikalawang taon ako bilang medical student nang napaslang ang aking ama. Siya ay Hukom ng Regional Trial Court sa Pangasinan, ang aking tirahan. Nabaril siya sa pagtupad sa tungkulin. Ilang taon pa ang lumipas, pero hindi pa rin namin nakakamit ang katarungan para sa aking ama. Tanong ko sa aking sarili: Kung ang aking ama ay isang opisyal ng gobyerno – isang HUKOM na hindi pa nabigyan ng katarungan, paano pa kaya ang mga ordinaryong mamamayan?

Naiisip mo na ba kung ano na ang nangyayari sa ating lipunan? Kung mismong HUKOM na NAGPAPATAW ng KATARUNGAN ay hindi nabigyan ng proteksyon at katarungan ng ating gobyerno, paano na lamang ang ordinaryong tao? Ang pangunahing suspek sa pagpaslang sa aking ama ay isang makapangyarihang PULITIKO. Mula nang mamatay ang aking ama, mga 200 abogado at huwes ang napaslang sa nakalipas na sampung taon sa bansa. PARANG AWA NIYO NA.

Magising na tayo! Ang patuloy na pagtaas ng krimen sa ating bansa sa kasalukuyan ay nakakabahala na para sa ating lahat. Hihintayin pa ba nating may mangyaring masama sa ating mga mahal sa buhay bago pa tayo magising? Kailangan natin ng MATAPANG at MATATAG NA PANGULO. KAILANGAN NATIN NG KAMAY NA BAKAL SA PAKIKITUNGO SA MGA KRIMINAL SA BANSANG ITO. Kailangan natin ng presidente na MATAPANG AT MAY TUNAY NA MALASAKIT SA ATING BAYAN at iyan ay si DUTERTE!

Dumarating sa punto sa ating buhay kung saan hinahanap natin ang tunay na kahulugan ng BUHAY. Dumaan na ako at ang aming grupo sa napakaraming pagsubok at hinarap ang maraming hadlang na nagbigay-daan upang matanto namin na HINDI IMPORTANTE ang KASIKATAN AT PERA. Ang tagumpay ay hindi laging nasusukat sa kasikatan at pera.

Ang mga ito ay hindi na importante kapag namatay na tayo. Ang mahalaga ay ang iyong pakikipag-ugnayan sa DIYOS at ang iyong naiambag sa LIPUNAN. Hindi naman kami perpektong huwaran ng pagiging “maka-Diyos” at “makabayan”, pero kahit paano meron kaming papel na dapat gampanan sa ating lipunan. Naniniwala po ako na hindi dapat natin paghiwalayin ang ating “job description”at katungkulan sa ating bayan. Halimbawa, may nakita kang bata na tumatawid sa kalsada at may paparating na humaharurot na sasakyan. Hindi mo ba ito ililigtas dahil hindi mo ito trabaho at hindi kasama sa “job description”mo?

Hahayaan mo na lang ba na siya ay madisgrasya? Yan ang aking nakikita sa ating bayan. Marami ang nanahimik at ayaw makialam dahil ayaw nilang masangkot sa malaking krisis na hinaharap ng ating bansa. Kung ako ay mananahimik ay para ko naring hinayaang madisgrasya ang aking mahal na bayan.

Kaya, Nanay CRISTY (Fermin), patawarin niyo po ako sapagkat ito po ang matinding paniniwala ng puso ko: Ang pamimigay po namin ng DUTERTE T-SHIRTS sa aming mga palabas ay isang maliit lamang na kontribusyon namin sa aming bayan. May pagpipilian ang BAR OWNERS, PRODUCERS, at mga KLIYENTE. Kung hindi nila gusto ang aming ginagawa, maari nila kaming paalisin. Huwag na lamang po nila kaming kunin upang magtanghal. Hindi pa rin po kami titigil [upang] ipahayag ang aming suporta kay DUTERTE.


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Rody Duterte riding a motorcycle.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s