Paalala sa DDS

Ito lang ang ilang serye ng pagpapaalala sa mga sumusuporta kay Rodrigo Duterte. Ia-update ang artikulong ito upang ilagay ang iba pang mahahalagang mga bagay na dapat tandaan ng mga Duterte Diehard Supporters kung nais nating ipanalo ang ating pambato.

Noon, nagmakaawa tayo na tumakbo si Duterte bilang Pangulo sa kabila ng matindi niyang pagtanggi. Ngayon naman, dapat natin siyang suportahan. At sa panahon na napakainit ng laban sa pulitika, kailangan nating kumilos nang maayos sa pagsuporta kay Mayor Rody Duterte.

Ano ba ang mahalagang paalala na dapat tandaan ng lahat ng DDS? Simple lang:

  1. Sa pagsuporta natin sa kanya, kaunting disiplina lang ang kailangan.
  2. Magbahagi ng magagandang kuwento tungkol kay Duterte.
  3. Kumbinsihin ang iba kung bakit siya ang karapat-dapat na maging pinuno ng bansa.

Tatalakayin naman sa natitirang bahagi ng artikulong ito ang ilang detalye na dapat nating malaman upang maging isang responsableng DDS.


Tungkol sa mga survey, lalo na sa SWS at Pulse Asia:

Gusto ko lang ipaalala sa mga DDS ang isa pang mahalagang bagay: Huwag nang pansinin ang mga surveys. Hindi na dapat natin pag-aksayahan pa ng oras ang pagbuwelta sa resulta ng mga survey na ginaganap ngayon. Nariyan na ang resulta, at hindi nito sinasalamin ang gusto ng tao. May magagawa ba tayo? Likas na sa mga survey na maaring hindi nito isalamin ang tunay na kagustuhan ng taumbayan, at iyan ang katotohanang dapat nating tanggapin.


Sa mga banat ng ilang tagasuporta sa mga ayaw kay Duterte:

Ano ba ang dapat nating itugon sa mga bumabatikos at/o ayaw sa kanya? Makakatulong na isaisip at isapuso ang salin ng panatang ito na isinulat ni Kat de Castro sa kanyang Facebook account:

Hindi ko tatawagin ang kahit sino na tanga, istupido, o bobo dahil lang sa ang kanilang opinyon ay iba sa aking opinyon.

Hindi ko papatulan ang sinumang tatawag sa akin na bulag na tagasunod.

Hindi ko babatikusin o pagsasalitaan nang masama ang sinuman dahil hindi nila gusto ang aking kandidato sa pagka-Pangulo.

Sa halip, hihikayatin ko ang iba na magkaroon ng masigla at makabuluhang talakayan [sa isa’t isa]

Sasabihin ko sa kanila kung bakit ko sinusuportahan ang kandidatong ito.

Igagalang ko ang kanilang opinyon [kahit na naiiba ito sa akin].

Siyempre, gusto nating lahat ng pagbabago. Pero ang pagbabago ay dapat munang magsimula sa ating mga sarili.


Sa isyu ng pagse-share ng ilang posts na napatunayang peke o biro lamang:

Ilan sa mga supporters ay nagse-share ng mga posts, na sa kasamaang-palad ay mayroong mga posts, artikulo o larawan na hindi totoo o pawang biro-biro lamang. Tulad na lamang ng kumakalat sa social media tungkol sa isang nurse na nakabase sa Canada. Isinalin ito ng may-akda, at saka lang nalaman sa iba na mukhang hindi totoo ang nabanggit na kuwento.

Tanong: Bakit nanatili pa ang ganyang kuwento sa isa sa mga artikulo sa site na ito kung hindi raw ito totoo, eh hindi naman verified kung saan ang orihinal na post nito? Sa pananaw ng may-akda, reflection lang ito ng maaring nangyari noong panahon ng Yolanda.

Ikalawa ay ang pagsuot diumano ni Miriam Santiago ng isang shirt na nagpapakita ng suporta niya kay Duterte. Bagaman totoo na sinusuportahan din niya ang Alkalde ng Davao City, hindi naman niya pinagtutuunan ito ng pansin kundi ang kanyang sariling kampanya. May isa pang artikulong ikinalat na aatras na daw si Miriam sa pagtakbo bilang Pangulo (at wala pa talagang kumpirmasyon mula mismo sa senadora), pero base sa nakikita natin, tumatakbo pa rin siya.

Panghuli, ang tungkol kay Pope Francis. Sinabi diumano ng Santo Papa, “I admire his honesty.” Ang ganitong statement ay ikinalat sa pamamagitan ng isang biro-birong artikulo. Sa ngayon, wala pa talagang kumpirmasyon mula mismo sa Santo Papa na sinabi niya iyon. And obviously, walang nangahas mag-interview kay Pope Francis tungkol sa nabanggit na isyu.

Maiisip mo, “Ano kaya ang posibleng sagot ni Papa Francisco sa isyung iyan?” Mukhang maiintindihan ni Pope Francis kung bakit napasingit ang mura ni Mayor Rody sa kanyang speech. Sa totoo lamang, hindi sinadyang isingit ng Santo Papa ang “mura” sa kanyang homiliya sa Vatican.

Dahil dito, ang tanong: Sinusuri ba natin kung ano ang nababasa natin bago ipakalat sa iba? Ito ang payo ng isang kapwa DDS sa mga tagasuporta:

Sa lahat ng mga ka-DDS, before kayo magSHARE ng kung anu-ano, paki-check niyo muna ang mga sumusunod:

  1. SINO ANG ORIGINAL NA NAGPOST? Kung ang orihinal na nagpost ay walang larawan, mukhang hindi totoo ang account, magdalawang-isip kayo kung iyan ba ay TOTOONG DUTERTE SUPPORTER o NAGPAPANGGAP lamang. Marami sa kanila ang gagawa ng mga MALING artikulo o balita at ipapakalat para ibintang sa mga DDS kapag nagviral na. Ganyan ang gustung-gusto makita ng mga media, ang pagbagsak ng DDS dahil sa lahat na lang ay pinapatulan.
  2. Mag-search sa Internet. I-google niyo muna bago niyo i-post kung meron bang mga media na nagbanggit din ng ganyang impormasyon. Kung ang nagpost LAMANG ay ANG SOURCE [at wala nang iba], magdalawang isip na kayo.
  3. I-post lamang ang mga TESTIMONYA na mula sa account na may LARAWAN at TOTOONG Facebook account. Kung ito ay screen capture lang, kunin niyo ang pangalan ng original na nag-post at paki-check sa Facebook ang account niya. Tingnan kung totoo bang siya ang nagpost o mas mabuting i-message yung tao at tanungin kung kanya ba talaga ang post na iyon. Ang magandang testimonya ay HINDI DAPAT IKATAKOT at IKINAHIHIYA.
  4. Mag-ingat sa mga pangalang may katulad. Kadalasan ang iba ay gumagawa ng parehong account ng isang totoong tao at gagawa sila ng mga posts. Pero yun pala, peke ang account. Check niyo kung anong taon siya sumali sa FB at i-browse niyo ang history ng kanyang mga posts. Kung kayo ay nagdududa kung totoo ba ang account, mas makabubuting huwag na magpost.

Sunud-sunod na ang mga lumalabas na maling balita na tayo mismo ang nagpapakalat sa social media. Ito ang hinihintay ng ibang tao para atakehin ang mga supporters at lalung-lalo na si Mayor Duterte.

Gusto niyo ba ito?

Gusto niyo ba na tayo mismo na nagsimula ng magandang laban eh tayo din ang magiging dahilan ng kasiraan ni Mayor?

Aba! Gumising kayo! Sa halip na magagandang balita ang ikalat ninyo, puro patama at kasiraan ang kinakalat natin. Alam kong nangingitngit kayo sa galit at nasasaktan sa mga maling balita pero hindi makakatulong na lagyan pa ng gasolina ang apoy.

Magpakatino naman tayo.

Simula ngayon.

Maging RESPONSABLE tayong mga supporters.

Ngayon na.

Sa mga nagbabalat-kayo na supporters at gustong magpakalat ng mali at malisyosong balita, nagbabantay kami – kaming mga RESPONSABLENG DDS. When we say STOP, stop kayo!


Sa pakikitungo sa mga troll at totoong accounts:

Sa kakasulat lang na “Duterte Chronicles Extra” natanto ko na handa pa rin ang ilan sa ating mga kapanalig sa laban upang maipanalo si Duterte bilang ating susunod na pangulo. Kaya nagdesisyon ako na subukang magbahagi pa ng kaunti sa pagsulat ng bagong serye (na maikli, mga sampung leksyon lang) upang tulungan ang kapwa natin DDS sa kanilang pakikitungo laban sa mga naninira kay Duterte sa social media. Itutuloy ko ang Duterte Chronicles kasabay nitong Dutertista 101. Ngayon, para sa unang leksyon…

Sa social media, madalas nating makikita ang dalawang uri ng mga naninira kay Duterte: trolls at mga totoong account. Kailangan nating malaman muna kung alin sa dalawang kategoryang ito ang kaharap natin. Sa ganoong paraan alam natin kung paano sila tatalunin sa pamamagitan ng ating mga argumento…

Trolls:

Napakahirap harapin ang mga troll dahil susubukan nila na laging paglaruan ang iyong emosyon. Kaya, kailangan mong alamin kung ang taong iyon ay troll o hindi. Narito ang mga hakbang…

  1. Tingnan at suriin ang account. Maraming trolls ang nakakalikha ng kanilang account sa loob lamang ng taong ito. Ito ay dahil ayaw nilang malaman natin ang kanilang totoong account. Kaya, kung ang account na iyan ay nalikha lamang sa loob ng ilang araw, ilang linggo, o sa ilang buwan, may suspetsa na ito ay isang troll account.
  2. Tingnan at suriin ang mga larawan. Kadalasan, kakaunti lang ang larawan ng mga troll accounts. …May ilan na naglalagay ng privacy settings sa kanilang account na humahadlang sa iyo na makita ang [iba pa nilang] albums. Karamihan sa kanila ay gumagamit ng nakaw na mga larawan mula sa mga magagandang mga babae o sa mga mukhang disenteng lalaki. Gumagamit ang ilan sa kanila ng larawan ng isang senior citizen para palabasing nagsasalita siya base sa kanyang karanasan.
  3. Tingnan at suriin ang friends list. Marami sa kanila ay may hindi hihigit sa isandaang mga kaibigan. Unang-una, ito’y dahil bagong gawa lang ang kanilang account. Ilan sa kanila ay mayroong libong kaibigan pero maaring puro lalaki o babae ang kanilang mga kaibigan. Ito ay dahil sinusubukan nilang akitin ang ibang FB users na i-add sila bilang kaibigan dala-dala ang larawang kanilang ninakaw.
  4. Tingnan at suriin ang nilalaman ng wall content [o ang kanilang Timeline]. Karamihan sa nilalaman ng kanilang Timeline ay tungkol lang sa pulitika. Pero di tulad ng mga totoong users, ang kanilang posts tungkol sa pulitika ay puro propaganda na inaatake ang pagkatao ng isang pulitiko sa halip na suportahan ang kanilang kandidato. Tingnan at suriin din ang kaliwang bahagi ng kanilang Timeline. May tsansang ni-like lang nila ang mga political pages.

Ngayon, paano natin bubuweltahan ang mga trolls? Ang simpleng sagot diyan ay: HINDI. Walang kuwenta kung bubuweltahan natin sila. Hindi sila titigil kahit magpakita pa tayo ng makatuwirang argumento, at baka kulang pa’y murahin natin sila. At kapag nagsimula tayong maghain ng insulto sa kanila, gagamitin nila ito laban sa atin, at aangkinin na pinagsasalitaan natin sila nang masama. Doon tayo nagmumukhang masama sa paningin ng mga tao at maaring hindi na makumbinsi ang mga botante na panigan tayo.

Kaya ang posibleng hakbang na maari nating gawin ay alamin muna kung troll account nga ba ito. Saka mag-post ng isang artikulo na makakabuwelta sa kanyang argumento (na madaling hanapin sa Google) at saka balewalain na lang ang kanyang post. Huwag nang gumawa pa ng ibang hakbang…. Magmumukha tayong kagalang-galang at maaakit natin ang mga botante na magbasa ng higit pa tungkol kay Mayor Duterte.

Totoong Accounts:

Madali lang silang alamin. Susubukan nilang maghain ng makatuwirang mga tanong at alinlangan tungkol sa posibilidad kung mahalal si Duterte bilang pangulo. Ipipilit nila ang kanilang paniniwala, pero ang mabuting balita ay kung mahaharap natin sila nang maayos, maari natin silang makumbinsing sumali sa atin. Kaya, paano natin sila haharapin?

  1. Sagutin nang maayos ang kanilang pag-aalinlangan tungkol kay Mayor Duterte nang hindi nagiging beast mode. Subukan mong tanungin kung bakit nila nasabi ang bagay na iyon.
  2. Ituro sila sa ilang page tulad ng kay Sir Manny Piñol upang mabasa nila ang tungkol kay Mayor Duterte. O ibahagi sa kanila ang My Duterte Stories at Duterte Chronicles. [Makakatulong din na ituro sila sa #DuterteSerye ng TweetNewscaster para maintindihan nila ang mga kuwento patungkol kay Rody Duterte. Karamihan sa mga artikulo sa ilalim ng kategoryang ito ay isinalin upang maintindihan ng mas maraming Pilipino.]
  3. HUWAG NA HUWAG bibitaw ng mura. Gusto natin sila na sumama sa atin at hindi sila takutin.
  4. Imbitahan din sila na sumali sa ilang grupo para kay Duterte. [Maari rin silang pumunta sa Rody Duterte for President Movement International para sa updates tungkol kay Mayor.]
  5. Kung tumanggi sila, maari kang humingi ng tulong sa kapwa DDS o umalis nang maayos sa usapan. Hindi mo na kailangang magsalita pa nang tapos.

PS: Paki-share din sa iba pang DDS groups para makarating sa marami pang kapanalig.


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Duterte addressing the crowds at Camiguin Province. Photo from Rody Duterte official Facebook page.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s