My Duterte Story: Pagpili Sa Isang Pinuno

Nang ako ay bata pa, lagi kong naririnig at naaalala ang pananaw ng aking ama sa pagpili sa isang kandidato, dahil ang aking ama ay isang ministro ng isang simbahang Kristiyano. Lagi siyang umaasa sa sagot mula sa Bibliya sa pagpili ng isang kandidato.

Oo, noon ay walang halalan. Ang hari ang nagsisilbing pinuno sa isang kaharian o bayan. [1 Samuel 8:5]

Siyempre, ang kailangang gawin ng isang lipunang Kristiyano ay pumili ng lider na may pananampalataya at takot sa Diyos.

Numero unong magandang halimbawa si Haring David.

Saka ko tinanong ang aking ama: “Pa, tama ba na payagan ng Diyos si Haring David na maging hari kahit siya ay MAMAMATAY-TAO at BABAERO? (2 Samuel 11)

Sagot niya: “Anak, kung ikaw ay nasa kalagayan ni Haring David, kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang aking anak.

“Huwag mong tingnan ang kanyang mga kasalanan, mga pagkukulang, at mga pagkakamali. Sa halip, tingnan mo ang kanyang PUSO at ang kanyang PAMUMUNO. Minsan, hinahayaan ng Diyos ang tao na maging isang mandirigma upang iligtas ang Kanyang bayan.

“Merong pagkakataon na ang isang lider (na ang pangalan ay Josue) ay humiling sa Diyos na patigilin ang ikot ng araw upang patuloy nilang labanan at talunin ang kanilang kaaway.

“At sinagot ng Diyos ang dasal ni Josue.” (Joshua 10:7-14)

Kaya nagtanong ako ulit: “Ayos lang ba na magkaroon ng pinuno na mamamatay-tao?”

Ang kanyang sagot: “Hindi, pero laging tama na iligtas [niya] ang mga tao sa masama.

“Hindi [siya] mananagot sa diwa na kung uusigin ng hari ang kaaway, ginawa niya ito para sa iyo at sa kanyang bayan.

“Sa huli, haharap ang hari sa paghuhukom, at Diyos lamang ang makakapagdesisyon para diyan.

“Gaya ng sinabi ko, huwag mong tingnan ang pagkakamali ng hari. Sa halip, tingnan mo siya bilang isang bayani. At subukan mong matanto ang kanyang mga sakripisyo para sa ikabubuti ng kanyang kaharian at ng kanyang mamamayan, pati ng ikabubuti mo.”

Mga kapwa ko Pilipino, pumanaw ang aking ama halos labing-apat na taon na ang nakalipas, at nakakalungkot sabihin na wala na siyang pagkakataong bumoto ng lider na hinahangad niya noon.

At ngayon, palagay ko’y nahanap ko na siya. Gagawin ko ito para sa aking ama.

Boboto ako para sa PAPARATING NA MANDIRIGMANG PINUNO sa maraming dahilan.

Hindi lang para sundin ang payo ng aking ama.

Kundi para na rin sa bayan at sa aking mga kababayan.

Iboboto ko siya upang maging aming lider, sa kalooban ng Diyos, at sa Kanyang tamang panahon.


 

Translated by: TweetNewscaster.

 

Advertisements

One thought on “My Duterte Story: Pagpili Sa Isang Pinuno

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s