Rodrigo Duterte: Mayor of Role Model

By: Pamela Saavedra and In Defense of Rodrigo Duterte.

Hindi na pinalawak ng may-akda ang pagtalakay ng pagiging isang moral na indibidwal sa isang lider at [sa kabilang banda,] sa isang pribadong tao. Siyempre, nagkamali si Duterte… pero hindi ito ibig sabihin na nagkulang siya sa pagtupad sa kanyang [moral na] tungkulin bilang isang lider. Ang pagbubunyag ng kanyang katotohanan ay patunay ng kanyang pagiging isang matinong tao, na katangian din ng isang pribadong tao na may moralidad.

Maaring hindi siya isang mabuting maybahay at ama subalit ginawa niyang huwaran ang kanyang lungsod sa aspeto ng panlipunang moralidad – ang kamalayang pangkasarian (gender awareness), child-friendly, pagsunod sa batas, at iba pa. Sa totoo lang, hindi na kailangang tumingin ang mga bata sa Pangulo ng isang bansa upang malaman kung paano magiging matuwid pagdating sa moralidad. Ang kailangan niyang gawin ay tumingin sa mga taong malapit sa kanya bilang kanyang huwaran.


Maari din siyang tumingin sa kanyang mga magulang, sa kanyang mga kaibigan, sa mga relihiyosong lider, at sa kanyang mga kamag-anak bilang mabuting huwaran. Baka nakalimutan natin si Sarah Geronimo, si Liza Soberano, si Kathryn Bernardo, si Janella Salvador, at marami pang ibang artista at sikat na personalidad na maaring gawing huwaran ng mga bata. Sa totoo lang din, hindi naman puwedeng iasa lahat sa Pangulo ang pagiging isang mabuting huwaran.

Sa pagkakataong ito, tunghayan natin kung paano nagiging “morally upright” ang alkalde pagdating sa pamamalakad sa kanyang lungsod:


Gusto ko ba ang ugali ni Duterte? HINDING-HINDI. Walang sinuman ang gusto ng nagmumura, babaero, at mamamatay tao. Hindi iyan ang itinuro na magandang asal ng ating mga magulang at kahit ng simbahan. Hindi rin ito magandang ehemplo para sa mga kabataan. Obligasyon ng mga magulang na bantayan ang mga bata na makarinig sa kanyang mga sinasabi.

Gusto ko ba si Duterte bilang isang lider? OO! Pinupunan ni Duterte ang kanyang mga pagkukulang sa pamamagitan ng kanyang tunay na paglilingkod sa mga tao.

  1. Babaero siya at alam niyang hindi niya iyon mapipigilan, pero siya ang kauna-unahang nagpasa ng Women Development Code (City Ordinance 5004) sa buong Pilipinas.
  2. Nagmumura siya pero kasama sa kanyang plataporma ang pagbabalik sa GMRC at Values Education sa curriculum ng mga eskwelahan.
  3. Pumapatay siya ng mga kriminal pero siya rin ang nangunguna sa pagpaparehab ng mga kabataang lulong sa droga at binibigyan pa niya ito ng P2,000 monthly allowance.
  4. Dating lansenggo at chain smoker pero mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa siyudad at may liquor ban pa na hanggang 1 a.m. lang.
  5. Hindi maganda ang tabas ng dila pero nagpatupad ng Anti-Discrimination Ordinance. Bawal i-discriminate ang Muslim, Kristiyano, Lumad, bakla, lesbian, transsexual, may kapansanan, ordinaryong mamamayan, at kahit sino mang tao.
  6. Barumbado, mahilig sa baril pero nagpatupad ng firecracker ban tuwing Pasko at Bagong Taon. [Halos walang nasasaktan o nasasawi sa paputok sa Lungsod ng Davao] kada taon.
  7. Protektor daw ng NPA at MILF pero maraming mga sundalo at pulis ang kanyang nasagip [mula sa kamay ng] mga rebeldeng grupo. Mas marami pa siyang nagawa kaysa sa administrasyon.
  8. Kaskasero [si Duterte] noong kanyang kabataan. Nagpapatakbo siya ng 180 kph sa motor. Pero nagpatupad ng speed limit sa Davao para sa kaligtasan ng mamamayan.
  9. Diktador daw at masama ang ugali pero siya ang unang rumesponde sa Tacloban na sinalanta ng bagyong Yolanda.
  10. Mayabang daw pero ni isa sa kanyang proyekto ay wala ang kanyang mukha at pangalan.
  11. Asal kanto, ugaling kalye pero WORLD CLASS ang serbisyo. At pansinin, lahat ng tao ay nakikinabang sa kanyang serbisyo, hindi lang ang mayayaman:
  • Davao Central 911 (Ang nag-iisang 911 sa buong Asya. Lahat ng kagamitan ay mula sa Amerika. Lahat ng serbisyo nito ay libre.) [Napatunayan na ang galing nito lalo na sa pagresponde sa Yolanda sa Tacloban, at nitong huli ay ang pagresponde sa sunog sa Mt. Apo.]
  • California Traffic Light System (Pinakabago sa Pilipinas. Ito ay sensorizedat pina-ugnay saTraffic Center at Central 911.)
  • High-tech CCTVs, na pinakabago rin sa Pilipinas.
  • Public Safety Command Center na pinatatakbo ng IBM (US technology giant company) na nagbigay ng katawagan sa Davao bilang nag-iisang Smart City sa Pilipinas – ang pinakamabilis na maaring magresponde sa krimen at sakuna.
  • Makabagong pasilidad sa ospital ng GOBYERNO. Oo, ang mga pinakabagong kagamitan sa ospital sa Lungsod ng Davao ay hindi sa mga pribadong pagamuta kundi sa isang ospital ng gobyerno – ang Southern Philippines Medical Center (dating Davao Medical Center). Sagot niya ang gastusin ng mga batang may cancer sa lungsod at kahit pa hindi taga-Lungsod ng Davao.

Kaya para sa mga hindi nakakakilala sa kanya at bulag sa katotohanan, ito ang sasabihin ko sa inyo: Talagang nagsasakripisyo siya para sa atin. Hayaan natin siyang maging isang makasalanan, at hayaan natin siyang gawin ang maruming trabaho. Dahil sabi niya, kailangan niyang gawin ang mga bagay na dapat gawin gaano man ito karumi dahil walang sinuman sa gobyerno ang gagawa niyan para sa taumbayan. Sa huli, tanging Diyos lamang ang huhusga sa kanyang mga ginawa.

Kaya kung gusto niyo ng isang Pangulo na isang magandang HUWARAN, iboto ninyo si Mar Roxas. Prim and proper, busilak at mabulaklak magsalita, makamasa sa pictorial, at good-boy image. Ganoon lang naman kasimple iyon. Huwag ninyong iboto si Duterte dahil masama siyang ehemplo at pangit ang kanyang image.

Pero kung gusto niyo ng TUNAY NA PAGBABAGO, alam niyo na ang sagot.

“Hindi na bale kung mapunta ako sa impiyerno, basta mabubuhay sa paraiso ang mga taong pinaglilingkuran ko.”

– Rodrigo Duterte


Featured Image Credit: A sample of Davao’s 911 Central.

Advertisements

One thought on “Rodrigo Duterte: Mayor of Role Model

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s