PiliPinas Debates 2016: Grace Poe’s Speech

Ang magtatanong: si Mayor Rodrigo Duterte.

Ang tatanungin: si Senadora Grace Poe.

Mapapansin na naging mahaba ang tugon ni Grace Poe sa isang tanong ni Duterte. May ulat pa nga na binigyan na ng tip ni Duterte si Poe sa kung ano ang itatanong ng una sa kanya. This is the moment, ika nga ni Grace. Ito na ang pagkakataong makapaghanda ang senadora sa kung ano ang tanong na ibabato sa kanya. Impliedly, mukhang hindi siya handa sa ganoong pangyayari. However, nagamit na niya nang lubos ang oras na ibinigay sa kanya sa pamamagitan ng pag-speech:

Transcript from Inquirer.net:

Mayor Rodrigo Duterte: Ito Grace, kasi you’ll have a chance really. May I ask you a very – very important issues about our country? Ito ‘yung Spratly. What would happen if one night, gisingin ka tapos sabihin na, “Ma’am, ang dalawa nating Coast Guard pinasabog.” What would be the first three steps that you would do?

Sen. Grace Poe: Salamat sa pagkakataon. Unang-una talaga, dapat talaga palakasin natin ang ating AFP.  Ito ang problema, ang ating bansa maliit ang budget para sa defense.  Ang China, halimbawa, napakalaki.  Nagiging praktikal lang tayo.  Nag-fa-file tayo ng kaso pero hindi nangangahulugan na dahil mas maliit ang ating bansa ay hindi natin pwedeng pag-ipunan at depensahan ang ating sarili.  Ang Singapore, 4 million people lamang sila pero walang nagbu-bully sa kanila sapagkat malakas ang kanilang maritime at ang kanilang air defense.  Sa ating bansa, pwede tayong lumaban pero ito lang ang ating kailangang tanggapin.  Talo tayo talaga sa China ngayon pag tayo’y lumaban.  Kailangan natin talaga na magdesisyon na ang arbitration court at sabihin na since ang China ay pumirma dito, kailangan nilang – kailangan nilang tanggapin ang kanilang kasunduan sa ating bansa.  Ito naman Pilipinas, kailangan ay makipagsapalaran kasama ng mga ibang ASEAN countries katulad ng Vietnam, Indonesia, Malaysia para constructively engage ang China to follow a code of conduct.  Hindi ko papayagan na mamamatay ang ating mga sundalo na walang kalaban-laban.  Pero ito ‘yung problema, ang budget ng ating AFP dapat bibili na tayo ng surface-to-air missile para man lamang madepensahan ang ating sarili pero anong ginawa ng administrasyon na ito?  Pinalitan at sinabi ang bibilhin lang natin ay bulletproof vests at sombrero.  Importante din ‘yun pero bakit hindi pareho nating pwedeng bilhin ‘yon?  Pagkakataon na natin.  Kaya sa atin ngayon, nakakalungkot.  Hindi natin kaya pero kailangan ay pag-ipunan na natin at siguraduhin natin sa darating na mga taon ay kaya na nating depensahan ang ating sarili.  At hindi tayo papayag – kung kinakailangan, bilang isang pangulo, ay katokin ko ang pinto ng bawat bansa para tayuan nila ang kasunduan dito sa UNCLOS ay gagawin ko sapagkat ito ang realidad.  Pero sa tingin ko, pag nagsama-sama ang mga bansa para sabihin sa Tsina, “Mali ka,” tayo ay mananaig pa rin sa sitwasyon na ito.

Luchi Cruz Valdes: Mayor Duterte, do you have a followup question?

Mayor Rodrigo Duterte: Yep, Ma’am, I am just talking about the worst case scenario. Ang tanong ko kasi ano – what would be the first three steps that you would do if you are informed in the middle of the night – you’re awakened that ‘yung dalawang Coast Guard cutter natin pinasabog ng China with missiles.  What would be the first three steps that you would do?

Sen. Grace Poe: Ang kailangan natin gawin ay syempre presidente, kailangan bumangon agad at kasama… <laughter>  Hindi ba?  Hindi naman pwedeng ay mamaya na ‘yan.  Mamaya nang alas singko.  Mamayang alas sais.  Mabilis na babangon ang presidente at itatawag ang head ng AFP at ang head ng DOTC sapagkat nandiyan napapa-ilalim ang Coast Guard.  Kaya nga napakahina at napakabulok.  Pasensya na po.  Kaya nga po dapat mag-uusap kung papaano gagawin.  Ngayon meron tayong Visiting Forces Agreement.  Meron tayong kasunduan sa ibang bansa kung papaano tayo dedepensahan.  Totoo, ayaw natin umasa sa kanila pero tayo- hindi natin kaya – kung ano ang pwede nating gawin sa pagkakataon na ‘yon, kailangan ay depensahan natin ang ating bansa.  Pero ang totoo, kailangan din natin ang tulong ng ibang komunidad para tayo madepensahan pero hindi nangangahulugan na hindi natin palalakasin ang ating military.

Mayor Rodrigo Duterte: Thank you.


 

Well, alam ko naman na ikaw ay nagsasawa nang basahin ang napakahabang sagot ni Poe. Hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang nakapansin sa ganitong istilo niya. Sinasabi ng iba na siya’y isang makata, at na magaling siyang magsalita. Bakit kaya? Baka kasi nagmana siya kay Edgar Allan Poe. Haha. 🙂

Ang ganitong moment ay hindi pinalampas ng mga netizens, na naglaan ng kanilang oras para gumawa ng sariling bersiyon ng istilo ng pagsasalita ni Grace Poe. Ang kakaiba dito, habang binabasa naman ng ilang netizens ang mga komentong gaya ng makikita sa ibaba, hindi nila namamalayan (at saka lang nila napansin) na boses ni Poe ang naglalaro sa kanilang mga utak. Ang kanilang komento dito ang magpapatunay sa ganyang sitwasyon. Naglagay na ng ilang salita na naka-bracket ang may-akda upang mapunan ang kulang sa ilang komento ng ilang netizens. See all of these for yourself. Enjoy reading!

(Reminder: Katuwaan lang po ang lahat ng ito. No offense meant sa mga supporters ni Grace Poe. Sa totoo lang, I find her speech very amusing, being a writer myself. Personally, I find it very good for her to compose speeches for the President o sa iba pang opisyal ng pamahalaan, lalo na kung mapeperfect niya ang kakayahang ito.)


Topic/Situation: On the sarcastic reply of GMA News to a netizen:

Duterte : What can you say about the reply of GMA News in that comment?

Poe: Ang GMA News ay ang News Department ng GMA 7 na kung saan, ang pangunahing layunin nito ay kumalap ng mga balita at i-report ito sa kanilang mga News Program, tulad ng Unang Balita, 24 Oras, at Saksi sa GMA-7; at Balitanghali, QRT, at State of the Nation with Jessica Soho naman sa GMA News TV . Ngayon, kung ako ang magiging Presidente, at kapag may nag-comment ng ganyan, ang unang-una kong gagawin ay bumangon para replayan ang mga troll na kagaya niyan at sasabibin na maging responsable sa mga salitang binibitawan lalo na sa Social Media. Dahil ang motto ko po ay “Think Before You Click” .

Topic/Situation: Roleta na siyang ginagamit sa pag-compute ng marka.

Eto reaksyon ni Poe. (Basahin sa mahinahong pamamaraan)

[Duterte: Ano ang magiging reaksyon mo kapag pinaikot na ang roleta ng kapalaran?]

Poe : Ang roleta ay isang bagay na parang gulong na ginagamit sa defunct segment ng Eat Bulaga na “Itaktak Mo” [Taktak Mo o Tatakbo]. Ito ay parang pizza na nahahati sa pareparehong sukat na kung saan may iba’t ibang papremyo sa bawat hati. Pinapaikot ito ng contestant hanggang huminto ito. Kung saan tumapat ang arrow head, iyon ang premyo ng contestant. Ngayon, kung ako ang magiging Pangulo, ibabalik natin sa Eat Bulaga ang segment na [Taktak Mo o Tatakbo] at ako ay gagawa ng Executive Order na kung saan, maglalagay ng roleta sa bawat classroom na may iba’t ibang rating o grade. Ang estudyante ngayon ang magpapaikot ng roleta para malaman kung ano ang grade sa mga subject nila. Dahil sa prosesong ito, mas nagiging realistic ang katagang palaging binabanggit ni Teacher : “Kayo ang gumagawa ng grade ninyo, taga-compute lang ako”.

Topic/Situation: Ubos na ang buko.

Inday (to Grace Poe): Ma’am, ubos na daw po ang buko ni Maning.

Grace Poe: Ang buko ay isa sa pangunahing produkto ng ating bansa. Sa katunayan, ayon sa Food and Agriculture Organization ng UN, Pilipinas ang world’s largest producer ng niyog na umabot ng 19.5 milyong tonelada noong 2009. At dahil diyan, pagtitibayin ko ang mga medium at wide scale farmer upang matugunan at maitaas ang produksyon pati na rin ang kalidad ng mga niyog sa Mindanao area. Pagtitibayin ko din ang batas upang pigilan ang mga illegal importation ng niyog. Kapag nagawa natin iyan, maitataas natin ang GDP by 2% .

Topic/Situation: Shadow binding technic ng mga Hokage.

Duterte: Grace, paano kung naglalakad ka tapos bigla ka gamitan ng shadow binding technic ng mga Hokage?

Grace Poe: Ang shadow binding technic ay magagamit natin araw araw, sa kabutihan man o sa kamalian. Ngunit ito ang ginagamit ng mga masasamang Hokage sa mga Genin. Dahil rito, pag-aaralin ko ang mga kapulisan na palakasin ang kanilang mga chakra.

‪#‎nashadowbindingtechnicnatayo

Topic/Situation: Wala nang masaing na bigas.

Inday: Ma’am, wala na po tayong bigas.

Grace Poe: Ang bigas ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilyang Pilipino at nangangamba na maubusan na tayo ng supply [dahil sa] ng El Ñino. Ang resolusyon ukol sa suliranin na ito ay dadagdagan ko ang pondo ng Kagawaran ng Agrikultura upang magkaroon na ang mga magsasaka ng paraan upang mapanatiling regular ang supply ng bigas.

[Inday:] Haha.

Topic/Situation: Ipapatapon ni Susan kay Grace ang basura.

Susan Roces: Grasya, andyan na yung trak ng basura! Pakitapon nga!

Grace Poe: Mommy, ang basura ay dapat nating i-segregate kung ito ay biodegradable o non-biodegradable. Dapat nating paigtingin ang pag-identify ng mga ito para sa ating kalikasan. Ang mga plastic ay dito sa kulay green na Orocan. Ang mga tirang pagkain dito sa yellow na Orocan. Ating palalawakin ang mga basurahang ito at ilalagay natin sa lahat ng sulok ng ating bahay.

Susan Roces: Ayan na, wala na yung trak, lumagpas na!

Grace Poe: Ang trak ng basurahan ay may schedule at ito ay iikot sa lahat ng village upang masiguro na ang basura ay nakolekta nang tama. Kung ako ang tatanungin, tataasan ko ang suweldo ng mga nangonoglekta ng basura at bibigyan natin sila ng health benefits

Susan Roces: *nahimatay na sa baho ng basura*

Topic/Situation: Mapuputulan si Rodrigo at si Grace ng kuryente.

Kuya Rody: Ma’am Grace, naputulan na po tayo ng kuryente at hindi pa po tayo bayad. Due date na po.

Madam Grace: Naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng likas yaman. Ang paggamit ng mga bagay mula sa likas yaman ay nakakapagdulot ng katipiran sa ating mamamayan. Kung ako’y papalarin, magtatayo ako ng solar panel sa mga iskinita nang sa gayon ay makatipid tayo. Gagawa ako ng mga hydropower facility sa mga kanal nang sa gayon, ang lakas ng daloy ng tubig (dike) ay magiging kuryente.

Buuuurrnrnnnnn…..

‪#‎NaputulanNa ‪#‎PoeChangGalangSagotYan ‪#‎PilipinasDebates2016 ‪#‎BilangPilipino ‪#‎NakakaLuChi ‪#‎Duterte2016

Topic/Situation: Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

[Duterte: Ma’am, ano po’ng gagawin niyo kapag binato kayo ng bato?]

Poe: Ang bato ay isang matigas na bagay na kapag tinamaan tayo’y tiyak na masasaktan tayo. Ngunit mayroon tayong kasabihan na “Kapag binato tayo ng bato, batuhin natin ng tinapay”. Kaya ang gagawin ko ay daragdagan ang budget pang-agrikultura at mag-iimport ng harina galing sa ibang bansa upang matiyak ang kalidad ng mga tinapay sa ating bansa at upang mas marami pa tayong maibatong tinapay.

Topic/Situation: Wala na ulit bigas.

A day in the life of Grace Poe.

Yaya: Ma’am, wala na po tayong bigas.

Grace Poe: Thank you Yaya. Alam naman natin na ang bigas ay isang essential commodity na kailangan ng ating mga mamamayan. Alam din natin na ang average consumption ng isang Filipino family ay 8.7 kilos per week.

Alam niyo po, 47% ng workforce ng Pilipinas ay nasa agricultural sector kaya naman nararapat lang na sila’y ating tulungan.

Sa usaping wala na tayong bigas, magtatalaga ako ng “rice monitor” upang magsaliksik kung papaano natin mapapaayos, at mapapanatiling maayos ang ating weekly rice consumption.

Pupulungin ko din po ang mga experts upang ang issue na ito ang mapag-aralan, at mabigyan ng kaukulang atensyon.

Salamat po. -Mike L.

Topic/Situation: Kapag ikaw ay nagahasa…

DUTERTE: Grace, paano kung isang gabi, may pumasok sa kuwarto mo at gagahasain ka. Ano ang una mong gagawin?

GRACE: Kasi ganito iyon: Kaya naggagahasa ang tao dahil sa kanilang kalibugan. Kaya, dadagdagan natin ang pondo upang makabili tayo ng sex dolls sa Japan nang sa ganoon  ay mayroong solusyon sa kanilang kalibugan dahil meron na silang sex doll na pagpaparausan.

Topic/Situation: Tututukan ka ng kutsilyo.

Duterte: Paano kung tinutukan ka ng kutsilyo?

Poe: Ang kutsilyo ay isang kasangkapan na inuugnay sa maso na ginagamit sa pagtilaok ng manok. Subalit, sa dapit-hapon, maraming palaka sa bag ng kapitbahay. Kumuha ako ng sapatos na pang-gisa sa tinapay ng kambing ay namatay na nung pumutok ang bulkan. Sumibol ang bintana na madumi sa damo ng kabuhayan ng Pilipino.

Duterte: Zzzzzzzzzzzzzzzz

Topic/Situation: Namamalimos ang mga pulubi.

Pulubi: Namamalimos kami. Paano pag nasagasaan kami?

Grace Poe: Ang pamamalimos ay marangal na trabaho o hanapbuhay ng mga walang wala. Subalit kelangan nating dagdagan o palakasin ang mga kasama mo para pag tatawid na kayo, hindi ka nagiisa. Marami na kayo at hindi na kayo basta-basta masasagasaan pa. Kung ang pinoproblema mo ay ang mga sasakyan, dadagdagan natin ang color coding sa Pilipinas nang sa ganoon ay makalimos kayo ng maayos… 😉

Topic/Situation: On Hacking of Comelec’s website by Anonymous Philippines.

Grace Poe: Ang hacking incident na ito ay isang pangitain na may posibleng dayaan na mangyayari sa darating na election! Napakabigat na kalaban ang “Anonymous” na ito. Sa loob lamang ng 6 na buwan, meron nang 40-50 hacking incidents ang napapabalita, kasama na diyan ang sikat na artista na si Maine Mendoza. Kung ako ang mahalal bilang pangulo, dadagdagan ko ng budget ang IT department ng COMELEC and I will invest on a complete defensive strategy, including intrusion detection and protection program nang sa ganoon ay maiiwasan natin ang mga insidenteng ito!

Topic/Situation: Iniwan ka na ng boyfriend mo.

Duterte: Grace, paano kapag nagka-boyfriend ka, tapos iniwan ka nito?

Grace: Ang pagmamahal ay nagagamit para sa kabutihan at sa kasamaan. Sa pamilya, kailangan natin ng puso para mahalin tayo at mahalin natin sila. Ngunit sa mga taong hindi karapat-dapat mahalin, ginagamit nila ang pagmamahal para paikut-ikutin tayo at masaktan. Gayundin sa gobyerno. Pinapairal nila na sila ay may puso pero hindi nila kayang panindigan ito. Dahil magkakaroon na muli ng puso ang gobyerno ay daragdagan natin ang pagmamahal…

Topic/Situation: Umuulan na, at kailangang ipasok ang mga damit.

Susan Roces: Grace umuulan na. Likumin mo na ang mga sinampay na damit.

Grace: Paiba-iba ang klima dala ng global warming. Kaya dapat tayong maging handa sa lahat ng oras lalo na pagdating ng mga kalamidad. Kailangang ilaan sa karapat-dapat na nangangailangan ang mga calamity fund at paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa PAGASA.

Susan Roces: Haaay naku, Grace, nabasa na ng ulan ang mga sinampay. Uulitin ko na naman ang paglalaba. Amoy alimuom na.

‪#‎Duterte2016

Topic/Situation: Bibili si Grace ng balot.

Balot Vendor: Ma’am, bili kayo ng balot! P20 lang!

Grace Poe: Manong, ang pagtitinda ng balot ay isang marangal na hanapbuhay. Kaya naman, uutusan ko si Secretary na pausbungin ang pagpaparami ng itik na industriya at tutulungan natin silang makapagsimula ng balot business. Hihingi din ako ng tulong sa DTI para palawakin ang pagmamarket ng balot nang sa ganoon ay lumaki ang kita ng mga balot vendor.

Balot Vendor: (Tangina, nagtanong lang ako kung bibili o hindi. Yes or no lang naman ang sagot.) Ahem, nevermind na lang po, Ma’am.

Grace Poe: Ang “never mind” ay mula sa salitang…

Balot Vendor: Tama na po! Uwi na ako! Bwisit!

Topic/Situation: Nalulunod na ang kanyang anak sa tubig.

Maid: Ma’am! Nalulunod po ang anak niyo!

Poe: Alam natin na ang tubig ay esensyal sa tao upang tayo ay mabuhay, ngunit may mga sitwasyon na ito ay maaring magdulot sa atin ng kapahamakan. Dahil dito, pagtutuunan natin ng pansin ang water safety and disaster preparedness. Maglalaan tayo ng mas malaking pondo upang panatilihing ligtas ang mga mamamayan sa kapahamakang maaring maidulot ng ating mga katubigan.

Topic/Situation: Ninakawan ka na ng cellphone.

Duterte: Grace, paano kung ninakaw ang cellphone mo? Ano ang gagawin mo?

Grace: Ang cellphone ay isang mabisang paraan upang magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay. Maari itong magamit sa kabutihan ngunit puwede rin ito sa kasamaan. Napakaraming tao na rin ang napahamak sa paggamit nito kaya…

Topic/Situation: Magtataho.

Security Guard: Ma’am Grace, dumaan na po yung magtataho.

Grace Poe: Salamat sa pagkakataon. Unang-una talaga, dapat kailangan nating paramihin ang dumadaan na maglalako ng taho sa street natin. Maliit na kita para sa kasalukuyang presyo ng taho. Ang mga nagpapautang ng 5/6 halimbawa napakarami. Nagiging practical lang tayo, nagfa-file tayo ng kaso.

Topic/Situation: Bibili ng puto.

Tindero ng puto: Puto kayo dyan! Ma’am may puto po ako. Baka gusto niyo?

Grace: Alam naman natin na ang puto ay paboritong meryenda ng mga Pilipino. Puwede din namang almusal. Ang puto ay gawa sa harina na iisteam para mabuo. Kapag may narinig kayong pumuputpot sa umaga ay mapuputo po iyon. Masarap ang puto. Kainin ang puto.

Tindero ng puto: Ma’am, nagbebenta nang maayos yung tao eh.

Topic/Situation: Magkakadede ba si Senyora Santibañez o hindi?

Senyora : Kung magpapakabait ba ako, Grace, magkakadede ako?

Grace: Alam naman natin na isa kang taong walang puso, di lang walang puso kundi isang taong walang dede . Wag mo nang asahan na magkakadede ka, sapagkat kahit na ikaw ay magpakabait pa, hindi na mababago ang hulma niyan. Kailangan mo ng isang matibay na pananampalataya sa isang banal na dede upang siya ay maawa at ikaw ay pagkalooban.

Topic/Situation: Corned Beef.

Senyora: Poe, inubos mo na naman ang corned beef.

Poe: Ang corned beef ay gawa sa karneng baka at may iba’t ibang klase ito. Niluluto nila ito at isinilid sa lata. Papausbungin ko at pararamihin ang mga baka at magpapapermit upang makapagpatayo tayo ng business para may pagkakakitaan.

Senyora: …

Topic/Situation: “Walang forever”

[Duterte: Grace, meron ba talagang forever?]

Grace Poe: Ang forever ay isang kathang-isip lamang at walang katotohanan ang mga ito. Ang solusyon dito ay ang gumawa ng isang organization kung saan pupuksain natin lahat ng mga paasa at ika-counseling ang mga taong manloloko upang tumino na sila. Mapapaunlad natin ang Pilipinas kung hindi tayo umaasa sa salitang forever.

Topic/Situation: Nguso ang pasasabugin.

Senyora Santibanez: Grace, pasabugin ko yang nguso mo.

Grace: Ang nguso ay napakaimportanteng parte ng ating katawan. Ito ay nagagamit natin upang tayo’y makakain, makakanta, at makapagsalita upang sa ganoon ay maipahiwatig natin ang gdkfkjxudofnc.xkkzlLb.___–

Topic/Situation: Maghihiwalay na silang dalawa.

Asawa ni Poe: Maghiwalay na tayo.

Grace Poe: Ang paghihiwalay ay isang mahirap na bagay. Ito ay nangyayari lamang sa mga kadahilanang hindi pagkakaunawan ng dalawang indibidwal. Bilang presidente, kailangan nating magkaron ng subject na love upang sa gayon ay maturuan natin ang ating mga kabataan hinggil sa mga ganitong uri ng issue……

Asawa ni Poe: Letche ka! Makaalis na nga!

Topic/Situation: Paglusob ng mga pirata (literal na mga pirata).

Duterte: Grace, paano pag nilusob tayo ng mga pirata?

Poe: Matagal nang problema ng Pilipinas ang pamimirata. Kaya naman kailangang pagtibayin lalo ang batas laban sa mga namimirata para mapanatiling sagrado ang mga pelikulang Pilipino. Pero hindi lahat ng pirata ay masama. Natatandaan ko pa nang tinalo ni Monkey D. Luffy si Donflamingo. Mabuti ang ibang pirata Rod. May denden mushi ako, may titimbre kung susugod man sila.

Duterte: o.o

‪#‎Du30

Topic/Situation: Naubusan sila ng itlog.

[Yaya: Ma’am Grace, nauubusan na po tayo ng itlog.]

Grace Poe: Ang itlog ay isa sa mga paboritong almusal nating mga Pilipino, ngunit isa rin ito sa mga paboritong paglaruan ng mga malalandi. Kung kaya’t isinusulong ko ang negosyong pagmamanukan upang tumaas ang suplay ng ating itlog at mas dumami pa ang paglalaruan ng mga malalandi.

Topic/Situation: Pagpiprito ng isda.

Susan Roces: Grace, baliktarin mo ang pritong isda at mag-CR lang ako .

Grace Poe: Ang pagprito ay naaayon iyan sa laki ng isda at dami ng mantika. Pag malaki ang isda, dapat maraming mantika para tiyak na luto ito at dapat ito’y nasa saktong init lamang. Dahil sa nabanggit natin ang isda, papalawakin ko ang kaalaman ng agrikultura sa pag-iisda at pupunan ng sapat na pondo upang tiyak na maganda ang kanilang mga ani.

Susan Roces: Sunog na!

Topic/Situation: Kapag ikaw ay nafriendzoned.

Guy: Ano po ba ang dapat kong gawin sa kanya? Lagi po niya akong fine-friendzoned.

Grace Poe: Ang pagiging friendzoned ay isa sa pinakamasakit na maaring mangyari sa iyo, lalo na’t kapag gusto mo na siyang mahalin, hindi ba? Sa salita pa lamang, makikita mo na inilalagay ka niya sa isang lugar na gusto niya, kumbaga’y turing niya sa iyo ay kaibigan pa rin at wala nang iba. Maraming dahilan kung bakit tayo nafe-friendzoned. Unang-una, maaring ayaw niya talaga sa iyo. Ikalawa, maaring gusto niya na hanggang friends lang kayo dahil hindi niyo pa masyadong kilala ang isa’t isa. Pangatlo, kasalanan mo rin kung bakit ka masyadong assuming. Excited much? Eh kaibigan lang pala ang turing niya sa iyo.

Kaya, kapag ako ay naging presidente, kailangan nating maglabas ng Executive Order para mabawasan man lamang ang pagdedeclare sa iyo na friendzoned ka. Isa pa, aatasan ko rin ang DSWD upang kalingain at arugain ang mga lalaki at babae na sasapit sa ganoong sitwasyon. Kailangan ding magtayo ng Bureau of Love sa ilalim ng nabanggit na kagawaran, na siya talagang tututok sa mga ganitong kaso.

Topic/Situation: Sasagutin ka ba niya o hindi?

Guy: Meron akong nililigawan. Paano ko po ba makukuha ang kanyang matamis na oo?

Grace Poe: Alam naman natin na meron tayong kultura na kung tawagin ay Dalagang Pilipina na kung saan hindi basta-basta nagbibigay ng isang matamis na oo ang isang dalaga. Magpapakipot muna ito para malaman kung totoo ba ang hangarin ng isang lalaki sa panliligaw. Ang mas masakit pa niyan, kailangan pang mag-effort ng isang lalaki para masungkit ang kanyang matamis na oo. Napakasakit na kung ikaw man ay mabasted. Pero, kung ikaw naman ay nabigyan na nito, masuwerte ka. Bilang Pangulo, uutusan ko ang National Bureau of Investigation at ang PNP na magtayo ng mga silid na madilim, at tanging iisang ilaw ng incandescent o flourescent light ang bukas. Doon mo puwedeng dalhin ang babae na gusto mong pasagutin. Dito na magsisimula ang interrogation kung saan pipilitin ng imbestigador o pulis na makuha ang intensyon niya. Lalagyan pa natin iyan ng pa-suspense para hindi ka antukin habang siya’y iniimbestigahan….

Topic/Situation: Toothbrush

Grace Poe: Ang toothbrush ay isang kagamitang panlinis ng ngipin kung saan kaya nitong tanggalin ang lahat ng dumi sa bawat sulok ng ating ngipin, samakatuwid kaya rin nitong tanggalin ang mga tinga. Subalit karamihan sa ating mga kababayan ay nakakalimutang magsipilyo araw-araw, kaya naisipan kong ipasa sa Senado ang isang batas, kung saan, kung sinuman ang hindi magsipilyo ay agad-agad na bubunutin lahat ng mga ngipin nang sa ganoon maibsan ang kanilang suliranin sa pagsipilyo.

At dahil todo coverage ang media pagdating sa pagdadasal ni Grace Poe sa isang simbahan, isang netizen na ang gumawa ng biro-birong diyalogo:

[Duterte: Paano po ba magdasal?]

Poe: Ang dasal ay isang sagradong orasyon na binubuo ng mga salita, kataga, pangungusap, o kahilingang sinasambit ng taimtim o bantad upang humingi ng tulong mula sa Diyos o Maykapal o anumang pinaniniwalaang mataas at makapangyarihang nilalang. May mga dasal ang bawat relihiyon at mamamayan. Kung susuriing mabuti, sinasabi na may pagkakaiba ang dasal mula sa isang panalangin. Kaya kung papalarin akong manalo sa pagka-Presidente, paiigtingin ko ang kahalagahan ng GMRC lalong-lalo na sa mga kabataan at iyon ay magsisimula sa pagtuturo ng ating mga guro sa eskwelahan. At dahil doon, tataasan ko ang sahod ng mga guro lalong-lalo na sa mga pampublikong paaralan.

Duterte: Ma’am, magkaibigan ba tayo o magkaaway?

Poe: Magkaibigan po, Mayor. Bakit mo po natanong?

Duterte: Kasi po parang familiar eh. Kinopya mo yata ang plataporma ko. Ako po ang original niyan.


Featured Image Credit: PiliPinas Debates second leg in Cebu.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s