My Duterte Story: Inday Sara

12718121_1002527273126136_5428128157231817159_n

Ako at si Digong ang nasa larawang iyan. Hindi niya pinalalampas ang Recognition Day sa aking paaralan dahil gusto niya na siya lagi ang magsasabit ng ribbon at medalya sa akin.

Noong bata pa ako, hindi ko malilimutan kung paano siya naging isang sirang plaka na tinutugtog nang sabihin niya sa akin, “Mahalaga ang edukasyon.”

Gayunman, hindi niya idiniin na kailangan ko talagang maging napakagaling sa pag-aaral. Bonus na lang ang mga medalyang iyan.

Maraming taon ang nakalipas, at gabing-gabi na. Noong nasa ikatlong taon pa lang ako sa law school, nahihirapan talaga ako, at gusto kong iyakan ang sitwasyong iyon. hindi ko tinawag si Mama dahil ayaw kong mag-alala siya sa akin.

Gusto kong kausapin ang isang abogado. Bihira kaming mag-usap ng aking ama. Away-bati kami, at naiisip ko kung paano nagulat si Digong nang sabihan ng kanyang aide na nakiusap ako na tumawag siya sa akin.

Nang marinig ko ang kanyang boses, hindi ako nakapagsalita. Bawat salita [na bibitawan ko sana] ay nakalimutan ko dahil sa bugso ng aking damdamin. umiyak lang ako. Ang unang tanong niya sa akin, “Nasaan ka?”

Umatungal ako gaya ng sugatang lobo. Saka ko nadama na nag-aalala siya habang paulit-ulit niyang tinatanong sa akin kung nasaan ako. Sa puntong iyon, palagay ko, naiisip niya na ako’y ginahasa.

Malungkot ako. Wala akong tigil sa pag-iyak – parang mamamatay na aso.

Merong katahimikan sa kabilang linya bago niya ako tinanong, “Buntis ka?”

Doon na ako nagsimulang tumawa. Tumawa ako nang malakas, nang napakalakas – parang hyena na desperadong makalanghap ng hangin.

Naisip ko sa sarili ko, “Bakit kapag umiiyak ang mga babae, iniisip ng mga lalaki na buntis sila?” Mga ginoo, bakit?

Habang patuloy akong tumatawa, sinabi niya, “Baliw ka ba?”

Palagay ko, iniisip niya na ako ay lasing.

Sinubukan kong habulin ang aking hininga, at ang sinabi ko lang, “Nahihirapan ako sa Wills at Succession.”

Narinig ko ang pagkairita sa kanyang boses na ang kanyang tugon ay: “Ang sagot ay hindi sa iyong pagluha. Balik na sa pag-aaral!”

Oo! iyon ang pinakadahilan kung bakit gusto kong makipag-usap sa isang abogado – walang pampalubag-loob na mga salita, at walang baby bunny stories. Gusto ko lang pakinggan ang walang-pusong tigilan-ang-iyak-dahil-hindi-ka-nito-dadalhin-saanman na tugon.

Tinapos ko na ang tawag. Tiningnan ko ang aking mga libro at sinabi sa sarili, “Kunwari ay buntis ako para maiyak ako hanggang matulog.”

At ginawa ko iyon.

May nagsabi sa akin na umiyak ang aking ama nang malamang nakapasa ako sa Bar examinations. Palagay ko’y umiyak siya dahil higit akong nagsikap kaysa sa kanya at iyon ay isang malaking tagumpay sa kanya.

Palagay ko rin na umiyak siya dahil ako ang kanyang personal na tropeo sa pagsisiguro niya na makukuha ng susunod na henerasyon ang edukasyong kailangan nila.

At oo, palagay ko, umiiyak siya sa tuwa.

Dahil hindi ako isang buntis na college drop-out.


Translated by: TweetNewscaster.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s