Bukas na Liham sa Lahat ng Anti-Duterte

By: Dennis Lazarte

Hayaan mong simulan ko ang sulat na ito sa pagsasabing kaming mga Dabaweñyo ay walang pakialam kung matalo man si Mayor Rodrigo Duterte. Hindi ito kawalan sa amin, kundi siguradong kawalan na ito sa inyo. Ang totoo niyan, ayaw naming mawalay ang aming BUTIHING ALKALDE sa aming lungsod, pero dahil mahal na mahal namin ang ating bansa, nais naming maranasan ng buong Pilipinas ang uri ng pamamahala na meron kami sa Lungsod ng Davao. Gusto naming matikman ng lahat ng Pilipino ang istilo ng pamamahala ni DUTERTE. Kung hindi ninyo siya iboboto, eh di maraming SALAMAT!

SOLID kami, nagkakaisa kami, at ipaglalaban namin siya. Matindi ang pagmamahal namin kay Mayor. Tuluy-tuloy ang suporta namin sa kanyang kandidatura, kahit kayong mga Anti-Duterte ang bumabatikos at humahamak sa amin….

Para naman sa inyo na pinagtatawanan kami, at nagtataka kung bakit masigasig kami sa pagtatanggol sa aming Mayor, hayaan ninyong ibahagi ko ang ilang bagay. Ipapakita ko sa inyo ang sulyap sa totoong paglilingkod ni DUTERTE sa taumbayan. Tulad ng lagi naming sinasambit, NARITO ANG BUHAY sa aming lungsod! Binigyan na kayo ng pagkakataon na maranasan ang lahat ng ito. Nasa sa inyo na ang DESISYON!

LUNGSOD NG DAVAO:

  • Pinakamainam na lungsod na tirhan (Most Liveable City) sa buong Asya…
  • Merong mga pinakamagagaling na ordinansa ang Lungsod ng Davao tulad ng Anti-Smoking Ordinance at Liquor Ban pagpatak ng alas-12 ng hatinggabi.
  • May pinakamalinis na hangin sa Pilipinas at kasapi ng Clean World Cities Coalition.
  • Ikalawa sa may pinakamalinis na tubig sa buong mundo, sunod sa New Zealand.
  • Kodigo sa Pagpapaunlad ng Kababaihan (Women Development Code), kauna-unahan sa buong Pilipinas.
  • Pinaka-child friendly na lungsod sa buong Pilipinas.
  • Lumalago ang trabaho sa lungsod dahil sa libu-libong mga negosyong naririto.
  • Ordinansa Laban sa Diskriminasyon sa lungsod, kung saan walang pagtatangi sa mga Muslim, Kristiyano, Lumad, LGBT Community, sa mga taong may HIV, at PWD.
  • Taglay ng lungsod ang 98.05% literacy rate, mas mataas kaysa sa 93.9% ng lahat ng iba pang mga lungsod sa Pilipinas.
  • Isa sa mga pinakaligtas na lungsod sa Pilipinas.
  • May programa ang lungsod para sa mga adik sa droga upang makapagbagong-buhay sila, na may kasamang 2,000 pisong buwanang allowance.
  • Bawal sa lungsod ang mga paputok tuwing Pasko, Bagong Taon, at maging sa buong taon na nagresulta sa pagtala ng zero casualty rate taun-taon.
  • Davao Central 911, ang nag-iisang 911 sa Asya. Lahat ng kagamitan ay gawa sa Amerika. Libre ang lahat ng serbisyo nito. Ang nag-iisang lugar sa buong mundo na gumagamit ng 911 bilang emergency number, bukod sa Amerika at Canada.
  • Ang lungsod ay may katangi-tanging traffic light system, na siyang pinakamoderno sa Pilipinas. May sensors at naka-ugnay sa Traffic Center at Central 911. Ang una sa bansa na nagkaroon ng Adaptive Traffic Signalization System at pinakabagong traffic system katulad ng sa Los Angeles, California at sa Amerika.
  • Ang lungsod ay mayroong high-tech na CCTV, na pinakabago sa Pilipinas. Masusing binabantayan at iniuulat ang mga CCTV, oras-oras, higit pa sa mga CCTV ng MMDA na hindi naman binabantayan.
  • Public Safety Command Center na pinatatakbo ng IBM, na nagbigay-katawagan sa Davao bilang nag-iisang Smart City sa Pilipinas. Ang lungsod ay mayroong makabagong call center na tumatakbo 24 oras upang pagsilbihan ang pangangailangan ng mga residente. Ito ang pinakamabilis tumugon sa krimen at sakuna.
  • Ang lungsod ay mayroong mga pinakabagong pasilidad ng ospital ng gobyerno. Ang mga pinakabagong kagamitan sa lungsod ay hindi nasa mga pribadong ospital kundi sa isang ospital ng gobyerno – ang Southern Philippines Medical Center (dating Davao Medical Center).
  • Ang City Transport Terminal na may sala para sa mga pasahero, wi-fi, at air-conditioned pa.
  • Ang lungsod ay may pinakakaunting aksidente sa daan sa alinmang lungsod sa Pilipinas dahil sa kanilang ordinansang naglilimita sa tulin ng mga sasakyan.
  • Ang City Disaster Coordinating Council ay nabanggit bilang Pinakahandang Disaster Coordinating Council sa bansa.
  • Ang mga sasakyan, kagamitan, at ari-arian ng lungsod ay kumpleto, bago, o naaalagaan nang maayos, na walang bakas ng pangalan [o mukha] ni Duterte.
  • Ang lungsod ay may pinakamatagumpay na zonal improvement project sa buong Asya.
  • Napanalunan ng lungsod ang Hall of Fame Award mula sa Peace and Order Council of the Philippines.
  • [Isa sa mga] pinakamapayapang lungsod sa Timog-Silangang Asya, hindi lamang sa Pilipinas.
  • Laging pinipili ang City Police Office para sa Country’s Best Police Office Award.
  • Ang kaayusan at kapayapaan ang pangunahing pang-akit ng lungsod kung saan maari kang magliwaliw nang ligtas at walang bahid ng takot sa araw man o sa gabi.
  • Nagbibigay ang lungsod ng legal na tulong sa mga mahihirap nitong residente.
  • Hindi nagrereklamo ang [karamihan sa panig ng] Pulis, Army, MILF, MNLF, at NPA sa pamamahala ng lungsod.

Talagang nagsasakripisyo si Mayor Rodrigo Duterte sa lahat ng mga Dabaweñyo. Ngayon, gusto niyang gawin ang mga bagay na ito sa buong Pilipinas. Gaya ng sinabi niya sa Presidential Debate, “Sa bansang ito, may gulo kahit saan. Mayroong katiwalian, krimen, at pagbaha ng droga. Walang mangyayaring pag-unlad sa bansang ito kung mananatili ang mga iyan. Hindi ko maipapangako ang langit. Susubukan kong puksain ang droga. Sa loob ng 3-6 buwan, pipigilan ko ang katiwalian. Kailangan nating protektahan ang mga bata. Kailangan nating tapusin ang krimen. Dapat puksain ang droga. Ibibigay ko ang pamumuno, hindi lang plataporma.”

Kaming mga SOLID DUTERTE SUPPORTERS ay naniniwala na kayang gawin ni Duterte ang anuman para sa ikabubuti ng ating bayan. Naniniwala kami na ang kanyang nangungunang layunin ay PAMBANSANG SEGURIDAD.


Translated by: TweetNewscaster

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s