My Duterte Story: Good Samaritan

Noong unang bahagi ng Mayo, taong 2000, nasugatan ako matapos kong disarmahan ang isang Improvised Explosive Device (IED). Dinala ako ng aking mga tauhan sa isa sa mga pribadong ospital sa lungsod. Nagtamo ako ng matinding pinsala sa aking ulo at sa aking mga mata na nakaapekto sa aking paningin dahil sa naturang insidente. Nang nasa ospital na, naghintay ako ng halos 30 minuto sa emergency room na wala ni isang nangahas alamin ang aking kondisyon. Nanalangin ako sa Poong Diyos na alalayan ako habang humihingi ng tulong ang isa sa mga tauhan ko. subalit, wala ni isa ang tumugon sa paghingi ng tulong.

Narinig ko ang kanyang tinig na tinatawag ang aking pangalan habang tinatawag ako na “Fonso” at sinabi sa akin, “Sana mabuhay ka.” Iyan ang salitang binitawan ng Mabuting Samaritano para sa akin. Napansin ko na nagsisiksikan ang mga tao dahil nariyan ang mahal na Alkalde, at narinig ko na sinabi niya sa mga tauhan ng ospital na bigyan ako ng agarang lunas. Sinabi pa niya, “Asikasuhin ninyo ang taong ito, at kung kulang man ang pera na galing sa siyudad [bilang pambayad sa ospital], ako ang magpupuno niyan mula sa aking pondo mula sa Kongreso.” Nang mga panahong iyon, siya ay kongresista ng Unang Distrito ng Lungsod ng Davao. Saka ko ipinaabot sa kanya ang taos-pusong pasasalamat sa kanya, na ang sabi, “Salamat po, Sir”, dahil hindi ko maimulat ang aking mga mata upang makita siya. At sinabi lang niya na kailangan kong mabuhay dahil babalik siya. Siya ang unang opisyal ng gobyerno na dumating…

Nabigyan ako ng mga magagaling na doktor na siyang nag-asikaso sa akin at nabigyan ako ng ambassador’s room [ng ospital upang doon ako mamalagi]. Hindi ko inasahan na mangyayari ang ganitong espesyal na pagtrato sa aking ordinaryong buhay, pero ang alam ko lang ay ginamit ng Diyos ang isang espesyal na tao at iyon ay ang aming pinakamamahal na Alkalde na si Rody Duterte. Kung hindi ako nagkakamali, natatandaan ko pa na binisita niya ako makalipas ang dalawang araw kung saan nakita ko sa kanyang mukha ang ngiti nang bumalik na ang aking paningin. Na sa kanyang ngiti nakikita niya na gumagaling ang aking mga sugat. Gumaling ang mga iyon sa loob lamang ng ilang araw, at kahit na natanggal na ang aking isang mata, wala akong pinagsisihan dahil alam ko na pupunan ng aking Diyos ang anumang kulang sa aking katawan upang mabuhay ako at makapagsilbi sa karera kung saan ako kabilang.

Nagretiro na ako sa serbisyo tatlong taon matapos ang pangyayaring iyon, at sa mga panahong ito, si Rody Duterte ay bumalik na bilang alkalde ng lungsod. Magaling siyang lider sa aming panahon. Marami akong karanasan at alaala sa pakikisalamuha sa kanya at meron akong maraming kuwento na sasabihin tungkol sa aming butihing Mayor, subalit hayaan niyo na ibahagi ko muna ang unang kuwentong ito bilang isang mahalagang alaala kasama siya, bilang isang tao na may tapang. Ito ay patunay mula sa isa sa kanyang mga mamamayang tulad ko. Maari ko ba kayong pakiusapan na samahan siya sa inyong mga dasal upang hilingin sa Panginoong Diyos na bigyan siya ng kalusugan at karunungan sa kanyang mahabang paglalakbay bilang susunod na Pangulo natin? Magagawa mo iyan sa pagsasaalang-alang mo ng kuwento ng “Mabuting Samaritano.”

P/Supt. Ildefonso Z. Asentista-Ret.


Translated by: TweetNewscaster

 

 

Advertisements

One thought on “My Duterte Story: Good Samaritan

  1. My Respect and Salute to you Sir Fonso Asentista, si mayor ay instrumento lamang na ginamit ng Poong Maykapal para maitaguyod ang Kabutihan sa kanyang sinakukupan, Kudos to both of you. God Bless. #DUTERTE2016

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s