My Duterte Story: STEP Scholar

By: Ferlyn Joy Lumansoc, RMT

Ako ay dating STEP (Scholarship for Tertiary Education Program) Scholar sa ilalim ng pamumuno ni Kgg. Mayor Duterte. Natatandaan ko pa na noon ay panahon ng pangangampanya ng mga lokal na kandidato at tumakbo siya ulit bilang Alkalde ng Lungsod ng Davao. Bilang isa sa kanyang mga iskolar, talagang naisip ko na obligado kami na mamahagi ng mga materyales sa pangangampanya (campaign materials) sa lahat ng lugar sa Lungsod ng Davao tulad ng ginagawa ng ibang kandidato sa kanilang mga iskolar.

PERO NAGKAMALI AKO. Sinabi niya, “Kayo ay mga iskolar ng ating lungsod! Responsibilidad ninyo ang mag-aral upang matulungan ninyo ang inyong pamilya at matulungan ninyo ang ating bansa. Hindi ko kayo papayagan na mangampanya para sa akin; sa halip, magbasa kayo at magpakabuti sa inyong pag-aaral.” Ngayong ako ay isa nang propesyonal, gusto ko namang suportahan ang taong ito sa likod ng aking tagumpay. (Siguro naman, Mayor, puwede na akong mangampanya para sa iyo! 😉 )

Ang malinis niyang puso, ang malinis niyang intensyon, at ang kanyang hangarin na tulungan ang ating bayan ay totoo. Kayang gawin ng isang karapat-dapat na pangulo ang makabuluhang pagbabago. Kung gusto natin ng pagbabago, gawin natin ito kasama si DUTERTE!


Translated by: TweetNewscaster

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s