Love Advice No. 54

From a reader who posted in TweetNewscaster’s Comment Box:

Magandang advice po ang binigay niyo.

May pagkakahawig rin kami ni ate [tungkol sa] PAGNANASA sa iyo ng boyfriend mo.

Sa sitwasyon ko po, tinawagan po niya ako. Sa umpisa, hindi ko nakilala kasi number lang at nang medyo nagtagal ang usapan namin, nakilala ko siya agad dahil sa boses at malakas ang feeling ko na BF ko yun at ang nakakainis po is nagpanggap siya bilang ibang lalaki.

Nakisakay na lang ako, pero sinabi ko sa kanya na ALAM KO na SIYA talaga ang [nasa kabilang linya] kahit ayaw niyang umamin.

Marami siyang tinanong na hindi ko nasagot nang maayos tulad na lang po ng:

  • May tiwala ka ba sa bf mo?
  • Sigurado ka ba na hindi siya nagloloko sayo?
  • Sigurado ka ba na ikaw lang?

At napag-usapan din po namin ang tungkol sa maagang pagbubuntis, pag-aasawa nang maaga, at maagang pagkakaroon ng boyfriend, kasi baguhan pa po ako at siya ang 1st bf ko. May experience na po siya sa isang relasyon – may ex po siya, pero never pa po siya nakipag-sex.

Hanggang sa umabot [sa punto] na umamin rin siya na siya nga ang BF ko.

Hiniling din niya na pwede po raw [siyang] humalik sa akin – sa phone lang po raw, pero kahit ganoon, hindi po ako pumayag. Pinilit niya ako, at ganoon pa rin – hindi ako pumayag.

Binantaan nya ako na makikipaghiwalay daw siya pag di ko susundin [ang kanyang hiling] sa phone man lang raw, at ngayon lang daw yun. Sinunod ko. Mahal ko po kasi siya. At gusto na niyang ip@sok ang kamay ko sa ari niya. Kung gagawin ko raw yun, aayos na siya: Hindi siya mambababae at hindi na niya uulitin. Rerespituhin na niya ako.

Kaya ganoon po, nagawa ko pero sa phone lang po. Hindi po sa actual.

Sa palagay niyo po, anong KLASE siyang BF?

Naguguluhan po ako kasi hindi naman siya ganyan. Sa pagkakakilala ko, maka-Diyos po siya, mabait, at hindi manloloko. Pero sa ginawa niya, nagdududa na po ako.

Ano po ang dapat kong gawin kapag nagkita na kami sa personal?

My Advice:

Huwag mo nang ituloy iyan, lalo pa’t kung hindi mo gusto ang ginagawa sa iyo ng boyfriend mo.

Ano nga ba ang aking palagay? Base kasi sa sinabi mo:

  • Hindi na nakuntento ang boyfriend mo. Bakit? Hindi na nga makuntento sa halik, humiling pa na ipasok mo ang iyong kamay sa kanyang ari.
  • Hindi tapat ang kanyang hangarin sa iyo bilang kanyang girlfriend. Ang tanong: Sex lang ba ang habol niya sa iyo? At kung hindi, ano naman ang habol niya sa iyo?
  • Hindi ka niya iginalang bilang isang babae. Idinaan pa niya sa pagbabanta ang kanyang pagnanais na galawin ka. Believe me, talagang nakakawalang-ganang mahalin ang mga lalaking ganoon. Sa totoo lang.
  • Talagang matindi na ang kanyang pagnanasa. Yung tipong kulang na lang ay lumabas siya mula sa loob ng telepono at gawin na ang milagro sa inyong dalawa, na ayaw mo naman. Mahahalata mo iyon sa kanyang pananalita.

From Kiss to Sex

Kung ang hiling niya na paghalik sa iyo ay casual kissing o flying kiss (sa phone), tulad ng nasa larawan:

Bv4B2XsCcAAZsU-

Eh di walang problema. Subalit, diyan na tayo magkakagulo kapag yung passionate kissing na ang pinairal kahit nagtatawagan man lang kayo. Posible kasing darating ang panahon na hindi na niya matiis na kung ano ang ginawa ninyong dalawa sa phone, at hilingin pa niya sa iyo na gawin na iyon kapag nagkita na kayo.

Pag Nagkita Na Kayo Sa Personal

Ang pinakasimpleng gawin kapag nagkita na kayo sa personal ay ito: Sabihin mo na sa kanya ang limitasyon pagdating sa paghawak mo sa kanya, o paghawak niya sa iyo sa alinmang parte ng katawan. Sa pagsunod niya sa itinakda mong limitasyon, maipapakita niya na talagang mahal ka niya at na siya’y talagang nagmamalasakit sa iyo.

Isa pa, kung sa kanyang ex ay hindi naman siya nakipag-sex, bakit hindi rin niya gawin ito sa iyo? Kung kaya niyang pigilan ang kanyang pagnanasa sa kanyang ex, bakit hindi rin niya kayang pigilan ang pagnanasa sa iyo? Mahiya naman siya sa kanyang sarili at sa iyo!

Kung nagmamatigas naman ang boyfriend mo sa kanyang pagbabanta na iwan ka pag di mo sinunod ang kanyang gusto, desisyon mo na kung susundin mo ang kanyang gusto o iwan na lang siya. Sa totoo lang, kapag umiibig ka sa isang tao, kailangang ikaw ay laging handang magsakripisyo. Isasakripisyo mo ang inyong relasyon upang mapanatili ang respeto mo sa iyong sarili. O di kaya naman, isasakripisyo mo ang respeto sa kanya out of so much love sa kanya.

Ito lang ang aking mungkahi: Kapag ganyan na ang boyfriend mo, iwan mo na siya. Sa kasong ito pinipilit niya ang isang bagay na ayaw mo namang ibigay sa kanya. Dahil dito, nawawalan ka na ng respeto at tiwala sa kanya, hindi ba? Kung ganoon, eh para saan pa ang relationship ninyo? Mauuwi rin sa wala.

Final Word

Well, applicable lang ang love advice na ito kung ang tumawag sa iyo noon ay ang boyfriend mo mismo. Subalit, kung ang tumawag sa iyo ay hindi talaga boyfriend mo, aba’y huminga ka na nang maluwag.

Maraming salamat sa pagtatanong gamit ang Comment Box ng site na ito. 😀 Sakaling may tanong ka pa o puna tungkol sa love advice na ito, o kung may gusto kang idagdag na detalye, huwag ka ulit mahiyang magpost ng iyong komento sa site na ito. Muli, maraming salamat sa pagsubaybay sa TweetNewscaster!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s