Duterte Serye: Gikan sa Masa Part 1

hqdefaultBy: Monching Lumantas

Sa kakulangan ng pondo/makinarya: Sa Disyembre at Enero, ako’y magiging abala sa pangangalap ng pondo. Sa lahat ng mga donors, mamuhunan kayo sa bansang ito, hindi sa akin.

Sa Pulse Asia Survey: Iyon ay may kinalaman sa pagpili ng mga kandidato.

Sa mga druglords at sindikato ng krimen: Kung ako‎’y magiging Pangulo, pipigilan ko kayo. Mas mabuting magpakamatay na lang kayo.

Kapag ako ay naging Pangulo, ipatutupad ko sa buong bansa ang mga sumusunod na ordinansa:

  • No Smoking: Magagalit ang lahat sa akin, pero patawad. Kailangan kong protektahan ang kalusugan ng nakakarami.
  • Firecracker/Gun Ban sa Pasko/Bagong Taon: Para lagyan pa ng pangil ang batas, makukulong ang sinumang mahuhuli.
  • Curfew para sa mga menor de edad: Dapat iyang ipatupad. Dapat nang alisin ang Pangilinan Law. Mapaparusahan [na rin] ang [mga batang] lampas sa 9 taong gulang pero hindi lalampas sa 12 taong gulang.
  • Liquor Ban: Laging mayroong oras para sa lahat. Lahat ng establisimiyento ay dapat sarado pagpatak ng alas-3 ng madaling araw.

Sa kanyang pagbista kay Arsobispo Romulo Valles: Napagsabihan ako ng Monsignor. Bilang penitensya, pagmumultahin ko ang aking sarili ng isang libong piso sa bawat mura at idodonate ko ito sa Caritas [Davao]. Pagkatapos ng pulong, nakapanayam ako ng media. Naka-tatlo ako, kaya nagbayad ako ng tatlong libo. Ako ngayon ay medyo nagiging banal na.

Sa kanyang mensahe sa Simbahang Katolika: Ako‎’y laging isang Katoliko. Hindi ko intensyong murahin ang Santo Papa. Iyon ay tungkol sa matinding traffic sa kanyang pagbisita [sa ating bansa].

Sa Saligang Batas: Tayo ay bansa ng halu-halong mga tribo at iba’t ibang mga kultura. Ang Saligang Batas ang siyang nagbubuklod sa atin. Ito ang Bibliya ng mga mamamayan.

Sa Pasko Fiesta 2015: Naluha ako sa pagdiriwang na iyon dahil nasa punto na ako [na wala nang urungan ang pagtakbo bilang Pangulo], at ito ang huling pagkakataon na tumayo sa City Hall bilang isang Alkalde.

 


Translated by: TweetNewscaster

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s