My Duterte Story: Sandwiches

By: Rudolph Ian Alama

Tinanong ako ng aking kaibigan kung maii-post ko ulit ang aking anekdota tungkol kay Mayor Duterte. Isinulat ko ito sa isang blog ilang taon bago magsimula ang sigaw ng mga tao para tumakbo siya bilang Pangulo.

Noong 2009, binisita ng dating Pangulong Gloria Arroyo ang Davao at tumuloy sa Marco Polo Hotel. Matapos makipagkita sa Pangulo, nagdesisyon si Mayor Rody Duterte na magpahinga nang ilang saglit sa bulwagan ng Marco Polo. Nagdesisyon ako, pati na ang tatlong iba pang kasamahan sa media, na sumama sa kanya para sa isang panayam.

Habang ginaganap ang panayam, hinahain na ang mga club sandwiches. Isang plato, tapos isa pa, at isa pang plato nito ang inilapag sa aming mesa. Nang matapos ang panayam, at matapos kaming mabusog sa masaganang club sandwiches, nagpasya na kaming umalis at tinanong ang alkalde kung maari ba kaming payagan.

“Hindi pa nauubos ang sandwich. Ubusin ninyo. Walang uuwi sa atin,” sabi ni Mayor.

“Ipa-take out na lang ang mga ito,” mungkahi ng isang mediaman.

“Hindi, ubusin ninyo, walang masasayang na pagkain,” tugon niya.

Malamang, nang nakita niya ang matabang tao sa grupo, tumingin siya sa akin, at ang sabi, “Dong, kaya mong ubusin iyan,” na sinang-ayunan naman ng aking mga kasamahan.

Pero busog na ako sa club sandwiches. Tatlong plato ang inihain sa ganoong kaliit na grupo. Meron pang natitirang isa’t kalahating plato.

Sabi ng alkalde, “Umorder ka ng drinks,” at tinawag ang magandang waitress.

Umorder ako ng coke, at sinubukang ubusin ang kalahating plato. Ngayon, isang plato na lang ang natira.

“Hindi naman siya magtatagal, aalis na siya. Aalis tayo pag-alis niya [sa lugar na ito],” bulong ng isang kasamahan. Umasa kami na hindi hihintayin ng alkalde na ubusin namin ang isang plato ng club sandwich.

Mali ang akala namin. Naghintay kami ng dalawa pang oras.

“Dong, ubusin mo na iyan. Gusto ko nang umuwi,” ang pahayag niya habang inaantok. Mag-aalas-dos na ng umaga.

Sa pagkakataong iyon, inipon ko ang lahat ng aking gana (sa pagkain) upang ubusin ang natitirang sandwiches.

Iyon ay isang kakaibang eksena: Isang alkalde ng isang pinakamaunlad na lungsod ang naghihintay na ubusin ko ang plato ng club sandwich.

At sa gabing iyon, habang isinumpa ko na hindi na ako kakain ulit ng club sandwiches, nasulyapan ko rin kung paanong nagbago ang kanyang lungsod sa kanyang matatag na pamumuno.


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Duterte in MOA Signing held at the Marco Polo Hotel.

 

 

Advertisements

One thought on “My Duterte Story: Sandwiches

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s