My Duterte Story: Honesty

12373408_509711392533857_6320573497404974087_nBy: Chieng Gin Gwol

Nito lang Disyembre 14, 2015, mga 4:30 ng hapon, papauwi na ako pagkatapos ng aming klase nang sumakay ako sa taxi na ito na may plate number 4726 (AAF 9295), na ang drayber ay si JOJO FERNANDEZ. Nang sinabi ko sa kanya kung saan kami papunta, masuyo niyang tinanong sa akin kung titigil muna kami sa SM Lanang nang ilang minuto. Kaya, nagtaka ako at tinanong ko kung bakit. Sinabi niya sa akin na iniwan ng kanyang mga pasahero ang kanilang HTC smartphone sa kanyang taxi nang mga alas-3 ng hapon ngayon. Hinintay niya ang tawag [mula sa naturang smartphone] upang malaman niya kung saan siya siguradong pupunta at nang maibalik niya ito. Sa kabutihang palad, nakuha na sa wakas ng mag-asawa ang kanilang phone at nalaman nila na ang may-ari [ng sasakyan] ay isang abogado. Tinapik at kinamayan nila ang drayber, na nagpapasalamat sa ginawa niya. Ibinigay pa nila ang isang calling card at gantimpala bilang tanda ng kanilang pasasalamat.

NOTE: Siya ay isang regular (at hindi rehistradong GrabTaxi) na drayber. Wala siyang sticker sa loob at sa labas ng kanyang taxi, ni walang smartphone para sa bookings ng mga pasahero, na ang ibig sabihin ay maari niyang hindi gawin ang bagay na ito kung gugustuhin niya. Subalit, pinili niyang gawin ang tama. Nakangiti siya at ipinakita pa niya ang kanyang mababang uri ng phone, na sinasabing ayos lang iyon sa kanya. Ikaw ay isang inspirasyon. PAGPALAIN KA NAWA NG DIYOS!

Nakakamanghang saksihan ang isang gawi ng lubos na katapatan, lalo na sa mga ordinaryong tao na may ordinaryong buhay. Ngayon, para sa mga taong nagsasalita pa rin ng masama tungkol sa aming Alkalde, tungkol sa aming Lungsod ng Davao, at sa aming mga Dabawenyo, mas mabuti pang itigil niyo na ang kalokohang ito. Hindi magiging ganitong kaligtas at kadisiplinado ang Lungsod ng Davao kung hindi dahil sa pinagsamang kapuri-puring pagsisikap ng aming lider at kaming mga mamamayan niya. Makikita mo ang mga babala sa bawat taxi, kalye, at establisimiyento. May sasabihin pa ba ako? ANG KAAYUSAN AT KAPAYAPAAN SA LUNGSOD NG DAVAO AY HINDI ISANG ALAMAT!


 

Translated by: TweetNewscaster

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s