Duterte Serye: Santa Claus

By: Monching Lumantas

12376511_958993194156448_4166566778071906125_nDALAWANG araw bago mag-Pasko, lumipad si Mayor Rodrigo Duterte sa Sorsogon at Oriental Mindoro upang magbigay ng tulong at damayan ang mga biktima ng Bagyong Nona.

Ang hindi alam ng mga taga-media na laging sumusunod sa alkalde, nilisan ni Duterte ang Davao noong Miyerkules sakay ng chopper na nagdala sa kanya sa Sorsogon at Oriental Mindoro upang ihatid ang perang tulong ng Lungsod ng Davao sa mga bayang apektado ng bagyong kumitil sa mahigit 40 tao.

“Hindi niya talaga gustong ipamalita ito dahil inisip niya na hindi na kailangang gawin iyan,” sabi ng isang staff ni Duterte….

“Iniiwasan niya ang pulitika. Ayaw niyang maisip ng mga tao na ang gawi ng pagtulong [sa mga biktima] ay may kinalaman sa pulitika,” dagdag pa ng staff.

Kinumpirma ni Christopher Bong Go, executive assistant ni Duterte, na ibinigay ng huli ang perang ayuda sa mga apektadong bayan.

“Oo, nasa Sorsogon na kami ngayon,” sinabi niya nang tinanong kung talagang lumipad si Duterte patungo sa mga lugar na apektado ng bagyong Nona upang ibigay ang naturang ayuda.

Noong Martes, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Davao ang isang resolusyong nagbibigay kay Duterte ng awtoridad na maglaan ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Nona.

Nagdesisyon ang konseho na magbigay ng labing-isang milyong piso mula sa pondong pangkalamidad ng lungsod (Ulat mula sa Newsdesk.Asia)


Translated by: TweetNewscaster

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s