My Duterte Story: Gem Avanceña

Via: MindaVote2016

Dahil ito ang aming ikalawang anibersaryo, at naka-tag si Mayor Rody Duterte sa larawan kasama ang mga TV5 peeps, ipo-post ko ito.

Sa isang presscon sa Yellow Fin noong Agosto 2003, nagtanong si Mayor Duterte, “Sino ang ikakasal?”

Itinuro ako ng iba pang mga mamamahayag na naroon.

“Imbitahan mo ako, kung hindi ay papatayin kita,” pabirong sabi ni Mayor.

“Ang totoo niyan, gawin mo akong ninong [sa kasal],” dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Dahil kami ay nagpaplano ng simpleng kasal, nahihiya akong anyayahan siya, pero masaya pa rin ako na dadating ang alkalde.

Sa araw ng aking kasal, hindi ko inasahan na darating ang alkalde kasi alam ko na napakasipag siyang tao. Subalit dumating siya – at nakasakay pa sa chopper. Napakaaga niya at nanatili pa siya hanggang matapos ang seremonya.

Ang pagdating ni Mayor ang nakapagpasaya sa akin. Ordinaryong tao lang ako, pero naglaan pa siya ng oras para makadalo sa aking kasal. Totoo siya sa kanyang salita. Siya rin ay lubos na mapagkumbaba.

Matapos ang ilang buwan, nabangga ko siya sa SM Lanang.

Sinabi niya, “Avanceña, bakit hindi kita nakikita nang ilang saglit?”

Sinabi ko sa kanya na nagpa-opera ako.

Lumapit siya sa akin at bumulong, “Ano’ng nangyari sa iyo? Kung kailangan mo ng tulong, tumawag ka lang kay Bong.”

Oo, ang aming alkalde dito sa Lungsod ng Davao ay may mabuting puso.

#‎dutertestories


Translated by: TweetNewscaster

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s