My Duterte Story: Mother’s Club

By: Sunshine Espiritu

Hindi ko ito matiis. Naramdaman ko na kailangan kong ibahagi ang aking kuwento tungkol kay Duterte.

Ito ang aking sagot sa tanong ni Mayor Duterte kung nagsasabi ng totoo si Mar Roxas sa PhilHealth.

Ako ay kasapi ng isang mother’s club dito sa Davao. Nagtutulungan kami sa abot ng aming makakaya, pati na sa pangangailangan sa salapi kung kaya. Nanganak ang isa sa aming mga kasapi at dahil sa myoma, nagdurugo siya. Parehong patay ang kanyang mga magulang. Wala din siyang kamag-anak dito.

Kami lang ang meron siya, ang kanyang kapwa ina. Nangalap kami ng pondo para sa kanya. Upang suportahan siya at ang pangangailangan ng kanyang sanggol nang panahong iyon, at upang bayaran ang magbabantay sa kanya, naipasok siya sa SPMC, ang pampublikong ospital sa aming lungsod. Pero kulang ang nakalap naming pondo kasi kailangan niya ng tatlong bag ng dugo. Merong donors pero kailangan pa naming magbayad para iproseso [ang pagsasalin ng dugo].

Kaya humingi kami ng tulong. Tulad ng iba pang Dabawenyong nangangailangan, humingi kami ng tulong sa mga Duterte. Isa sa mga ina ang nagkomento sa Instagram ni Inday Sara Duterte at sa isang iglap nakakuha kami ng tugon na humihiling ng mga detalye na ipapadala sa kanyang e-mail. Meron akong kaibigan na kilala si Baste. Kaya nakiusap ako sa aking kaibigan na i-message siya para humingi ng tulong kasi natatandaan ko ang isang kuwento kay Duterte na humingi ng tulong ang isa sa kanyang mga kapatid sa AKRHO at naibigay ito agad. Mabuti na lamang, tulad ng tugon ng kanyang ama, sinabi niya (Baste), “Sige lang, matatapos din iyan sa loob ng araw na ito.” At sa loob ng araw na iyon, isang kinatawan ng Lingap ang tumungo sa SPMC, binisita ang aming pasyente, nagbigay ng tulong at sinabi pa na anumang kailangan namin ay sasabihin sa Lingap.

Upang tapusin ang aking kuwento, ang kapwa ina namin at ang kanyang sanggol ay nakalabas sa ospital nang malusog at walang binayaran. Oo, nariyan ang PhilHealth pero sinagot lang nito ang bahagi ng kanyang bill. SILA (ang Lingap) talaga ang buong-pusong tumulong. Bago pa lang ang pangyayaring ito. Sinabihan kami na huwag nang ibahagi ito kasi tulad ng kanyang ama, ayaw na nilang ipaalam pa, baka sabihing namumulitika lang. Pasensya na Baste sa pagbabahagi nito, ang mga tao’y kailangang paalalahanan ulit.

Isa ito sa daan-daang tunay na zero billing na kuwento sa Davao. Kung totoo ang sinasabi ni Mar, wala na sanang Lingap.

Palagay ko, dapat ipaalala kay Mar na bukod sa aming buwis, nagbabayad din kami sa PhilHealth. Sa totoo lamang, hindi lahat ng PhilHealth members ang natutulungan ng PhilHealth dahil sa pagkakaalam ko, kung hindi updated ang bayad mo sa PhilHealth (kahit nagbayad ka na noon), hindi mo pa rin magagamit.

Hindi sa hindi ako nagpapasalamat. Nagtataka ako kung paanong hinamon ni Mar si Mayor Duterte na umatras na sa kanyang mga “datos” at “katotohanan” gayong hindi niya masagot kung nasaan nga ba ang pondo ng Yolanda, kung bakit hindi niya nasagot nang maayos kung bakit gumamit ng limang chopper si Kris Aquino samantalang isa lang ang ibinigay para sa Mt. Apo (at hindi, hindi mo maikakatuwiran sa akin na “isa si Kris Aquino sa mga pinakamalaki ang naibayad na buwis – iyan ay isang katangahan!), samantalang hindi pa niya naayos ang TANIM-BALA…at humahaba pa ang listahan.

Siguro nagtataka kayo kung bakit laging handa ang mga Dabawenyo o mga Dutertards na ipagtanggol ang aming mahal na Mayor? Iyon ay dahil nakita ko sa aking dalawang mata kung saan napunta ang aming ibinabayad na buwis.

Ako ay isang empleyado ng BPO na nagtatrabaho sa gabi, isang babae na naglalakad sa gitna ng gabi at puwedeng magsuot ng anuman at hindi mararamdaman ang anumang banta sa aking kaligtasan. Hindi inangkin ni Mayor ang lahat ng papuri sa kanya dahil dito. Nakita ko kanina ang isang tweet. Sabi niya, bakit daw sa iyo sinisisi ang kapalpakan ng gobyerno? Eh di, MALAMANG! Ipinagmamalaki mo ang “DAANG MATUWID.”

Bakit si Mayor Duterte? Dahil ako ay isang ina at gusto kong maramdaman ang pagbabago para sa kinabukasan ng aking mga anak. Gusto ko ang isang bagay na wala sa Pilipinas ngayon – totoong pag-unlad! Kasi nakikita ko ang katapatan at nararamdaman ko ang totoong malasakit niya sa pagbabago sa bansang ito. Siyempre pa, kailangan niya rin tayo. Kailangan niya tayo na baguhin ang ating nakasanayan. Kailangan niya ang mga mamamayang sumusunod sa batas. Pero kailangan namin ang magaling na lider at iyon ay walang iba kundi si Duterte para sa akin.

#‎PhVoteDuterte

‪#‎DuterteTayo

‪#‎Duterte2016

‪#‎Du30forPresident2016

‪#‎TapangAtMalasakit

‪#‎TheMothersClub


Translated by: TweetNewscaster

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s