My Duterte Story: Prescription

13092021_1018797154855829_2387186036114451585_nBy: Joy Tagolgol via MindaVote2016

Enero 14, 2004 – Lungsod ng Davao

8:00 AM

Nakatitig ang batang ama sa reseta na hinahawak niya, nanenerbiyos, at nagsimula nang magkaroon ng butil ng pawis sa kanyang noo. Mahaba ang listahan ng medisina pero ang salitang Beractant na nakalagay sa halos hindi na maintindihang sulat ng doktor ang malinaw. Ito ay nakasalungguhit (underlined) at inulit ng doktor na dapat niyang makuha agad ang gamot na iyon, at kung hindi ay maaring mawala ang kanyang anak, na kakapasok lang sa C-section (at wala silang pera para paghandaan ito).

Nakaalis na ang doktor pero naririnig pa rin niya ang boses nito sa kanyang isip. “Kailangan ng iyong anak ang dalawang bote. Ang isang bote ay humigit-kumulang labing-isang libong piso. Kailangan na ito ASAP, ha? Huwag mong ipagpaliban iyan dahil ang buhay ng iyong anak ay nakadepende sa gamot na iyan.”

8:15 AM

Binuksan niya ang kanyang wallet at nakita niya ang nag-iisang 500 pisong papel, ang huli sa kanyang mga inipon. Nakailang tawag siya na humihingi ng tulong sa pamilya at mga kaibigan para makautang, pero sinabi nila na sila’y walang pera o tinatanggihan siya.

8:45 AM

Desperado na ang batang ama. Nasa recovery room pa ang kanyang asawa at meron din siyang mga reseta pero sinabi sa kanya ng doktor na ito’y makakapaghintay. Kailangang unahin ang gamot ng sanggol. Naglakad siya paroo’t parito, nag-iisip ng paraan para makakuha ng pera nang nakita niya ang isang babae na isinugod sa OR. Hindi niya gustong makarinig ng anuman sa iba pero narinig naman niya ito. Salamat sa Diyos at narinig niya iyon. “Doc, narito na ang gamot. Mabuti na lang, tinulungan kami ni Mayor Duterte.” Biglang nabuhay ang pag-asa ng batang ama sa narinig at tumakbo palabas ng ospital para tumungo sa city hall.

9:00 AM

Sakay ng jeepney, naalala niya na hindi siya rehistradong botante ng Lungsod ng Davao. Paano na kung tanggihan siya? Narinig niya ang mga kuwento na humihingi muna ang mga opisyal ng gobyerno ng kanilang voter’s ID bago sila magbigay ng tulong. Pero kailangan niya itong subukan. Si Mayor Duterte na ang kanyang huling pag-asa.

10:30 AM

Mahaba ang pila ng mga bumibisita sa opisina ni Mayor. NAPAKAHABA nito. Kailangan na ba niyang umalis at maghanap ng iba? Pero nasubukan na niyang humingi ng tulong sa mga kakilala nila ng kanyang asawa pero wala rin. Pabulong siyang nagdasal at nilapitan ang mesa ng isang personnel sa labas ng pintuan ni Mayor. “Ma’am, pasensiya na kung nag-cutting ako, ha? Pero emergency ito, Ma’am. Kailangan agad ng aking anak ang gamot na ito.”

Tiningnan ng isang personnel ang reseta at sinabing, “Ah, Beractant! Okay, maghintay ka lang. Reseta din ba ang isang papel na iyan? Akin na.” Tumungo na ang personnel sa isang saradong opisina at lumabas matapos ang sampung minuto na may sobre sa kanyang kanang kamay at isang paper bag sa kanyang kaliwa. “Narito na ang pera at ang reseta sa envelope. Narito na ang pagkain para hindi ka na bumili pa ng pananghalian, sabi ni Mayor.”

Tiningnan ng batang ama ang sobre at sandaling natulala. Ang halaga na kanyang nakita ay higit pa sa halaga ng dalawang bote ng Beractant. Sapat na ito para sa lahat ng pagpapagamot ng kanyang anak, pati na rin ng kanyang asawa! “Hoy, magmadali na na. Kailangang ibigay mo na sa iyong anak ang gamot!” Tiningnan niya ang personnel ni Mayor nang may luha, “Maraming salamat po sa inyo, Ma’am ha? Maraming salamat po!” Ngumiti lang ang babae at ang sabi, “Kay Mayor Duterte ka magpasalamat, pero mamaya mo na gawin iyan kasi nasa pulong pa rin siya.”

5:45 PM

Nakatingin siya sa kanyang asawa na malambing na binubuhat ang kanilang babaeng anak sa kanyang bisig at nag-usal ng panalangin ng pasasalamat sa Diyos. “Balang araw, Mayor Duterte, makakapagpasalamat ako sa kabaitan mo. Walang-wala ako, hindi man ako naging botante ng Davao, pero pinayagan mo ang iyong kalihim na abalahin ka sa iyong pulong kasi kailangan ko ang tulong,” ang naisip ng batang ama sa sarili.

April 25, 2016

Nang tumanggi ang iba sa hinihinging tulong mula sa aking asawa (oo, si Ruel Tags ang batang ama), si Mayor Duterte lang ang tumulong sa amin. Gusto ko ang presidente na matatakbuhan ko kung hindi mahingan ng tulong ang lahat at wala sila sa aking tabi. Gusto ko ang presidente na makikinig sa akin kahit na merong mahalagang pulong na idinadaos. Gusto ko ang isang pangulo na nakikita ang mas matindi kong pangangailangan… Personal naming naranasan iyan kay Mayor Rodrigo Duterte at siya lamang ang kandidato sa pagkapangulo na puwede kong pagkatiwalaan ng kinabukasan ng aming anak. Sabihin mo ang mga masasamang bagay na maari mong ibato sa kanya, pero para sa akin, ako’y tatayo nang may pagmamalaki habang itinataas ko ang aking kamao sa hangin. Ako ay para kay Duterte, ako ay para sa pagbabago.


Translated by: TweetNewscaster

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s