My Duterte Story: South Lobby

By: Rep. Luz C. Ilagan

Ito ang isang kuwento na hindi ko pa naibabahagi hanggang ngayon.

Noong Nobyembre 12, 2007, mga alas-otso na ng gabi, isang malakas na bomba ang sumabog sa bukana ng South Lobby ng gusali ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Ilang sandali bago nito, ang mga kasapi ng Kapulungan, na karamihan ay galing sa Mindanao at Visayas, ay nagsisiksikan sa bukana, naghihintay ng kanilang kotse o nagbibigay ng huling tagubilin sa kanilang mga staff. Saka nangyari ang pagsabog. Napakalakas nito anupa’t nagiba ang overhead canopy at ang mga tao sa ibaba ay basang-basa ng gasolina mula sa nakaparadang motorsiklo kung saan nakatago ang pagsabog.

Tatlo ang namatay nang gabing iyon. Tatlo pa ang naospital sa pinsalang natamo nila, habang ang iba ay nakaligtas, takot, at nasaktan. Ang aking drayber na si ‘Nong Marcial ay agad binawian ng buhay.

Ilang oras ang nakalipas, habang inihahanda na sa isang operasyon para tanggalin ang shrapnel sa aking hita at para pagalingin ang aking mga paso, nakatanggap ako ng isang tawag galing Davao. Si Mayor Rody iyon. Gusto niyang alamin ang kalagayan ko. Hiningi din niya ang contact number ng pamilya ni Marcial. Kahit mahina, ibinigay ko iyon.

Ilang linggo ang nakalipas, naipabatid sa akin na nagbigay ng pondo si Mayor Rody, sobra na para sagutin ang gastos sa punerarya at iba pang kaugnay na gastusin ng pamilya ni Marcial….

Ito ang aking kuwento kay Duterte na hindi ko pa ibinahagi sa iba hanggang ngayon.


Translated by: TweetNewscaster

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s