Duterte Serye: Ay Bakit Ga Si Duterte?

13015335_10156816085965425_3238048094898789036_n

By: TweetNewscaster


Nag-Duterte na po kami. Kayo ga?

Maghuntahan naman tayo.

Ay salamat naman kung nababasa mo ang artikulong aré. Makakapulong naman kita ngay-on.


Nasaksihan naman natén ang dami ng karibok sa ating bansa.

Sino ga namang di maiiyamot sa pagkarami-raming kaaliwaswasan na aré?

Nakakabanas, at hindi ka maka-umis sa lagay naré.

Natatandaan ko pa nga nang minsang dinukot ng mga lalaksot ang ilang bata diné sa Batangas. Sabi ga naman ng ilang kabatang, “Ka Rody, iké nama’y suminsay at pagka-karibok diné! Tulungan niyo naman kamé diné!” Di naman maaaréng paki-alaman iyan ni Mamay Rody, kasé Davao laang naman ang hawak niya.


Dati ay nakakaagwanta na tayo sa sistemang aré. Ngay-on ay pasal na pasal na ang mga tawo sa pagbabago diné sa bansa.

Sino naman kung gay-on ang magiging instrumento upang akayin tayo sa pagbabagong hinahangad natén?

Sino ga ang mag-iimis ng mga gabok at layak sa ating bayan?


Gusto laang magpahinga ni Duterte sa kanyang bayan.

Pero mga tawong aré. Pagkaka-kulit. Pinilit pa si Duterte na tumakbo, eh bahite nga siya.

Ang ending, eh di taumbayan na ang gumastos para sa kanya. Di ga?


Alam naman natén na tayo’y barako. Kawasa eh. Ay aminin na laang natén iyan.

Ngay-on, kung tayo’y barako, di ga’y kailangan natén na lider eh barako din? Di ga?


Ang tanong: Sino ga si Duterte?

Simple laang. Si Duterte ay barako, parang Batangueño.

Ang kanyang istilo ay barakong-barako.

Inilalarawan niya ang kanyang sarili sa kasabihang palasak na sa ating mga Batangueño: “Di baleng mawala ang yaman, huwag laang ang yabang.”

Kahit papaano naman ay may maipagyayabang naman si Duterte. Hindi ko na sasabihin, basta iké’y pumar-on sa Davao at tingni ang buhay duon.


Sinasabé naman na papatay daw siya, eh ang tutoo naman ay ipinipirmi niya ito sa tama. Hindi siya salaula na karipas kung makapatay ng tawo. Inuutay-utay niya at ng mga pulis ang proseso bago gaw-in iyaan. Ika nga niya, “Palabanin mo muna, bago patayin.”

Sinasabé naman na siya’y samlang pagdating sa mga babaysot. Ngay-on, eh ano naman? Sa tutoo laang ay pinoprotektahan pa nga niya aréng mga babaysot naréng lungsod. Areng mga pulitiko, gaya ni Estrada, di ga’y pagkakasamlang din nila, ano?

Sinasabé naman nila na siya’y komunista, NPA, kinokompromiso ang pag-aangkin ng Pilipinas sa teritoryo naré. Sus. Eh kung gay-on nga. Ano’ng gusto ninyo, magbabagan na laang nang magbabagan tayong mga Pilipino? Handa ga tayo kung tayo’y susumbiin din ng China? Babagin mo na laang ang sarili mo kung gay-on ang katu-wiran mo.

Sinasabé naréng iba na sila’y disente. Pati na ng ilang “banal”. Ay tawarin! Aywan naman kung ang mga tawong aré ay mas masahol pa sa samlang. (Lalo na yaang si Villegas, na patikar din ang pilantik ng bibig. Kala mo eh kung sinong di salaula.)


Isa sa mga gustong ipatupad ni Duterte ay ang paglilimita sa pagbabarik at kantahan, lalo na sa madaling araw. Kahit na iké’y barik na nang barik, kailangan ding magpahinga. At ang videoke, pagka gab-ing gab-i na ay pagkakaingay, abot pa hanggang sa kahanggan, ayan! Hindi na sila makaharok.

Minsan, kung hindi pa sisinsay ang kahanggan para sabihing tumimo ay hindi eh at tuloy pa rin. Buti na laang kung hindi ka gay-on.


Si Duterte ay isang Mamay na hindi naging diktador sa kanyang lungsod sa pagpapatimo sa mga gumagawa ng kabalbalan.

Si Duterte ay isang Mamay na kahit na aasbaran nang ganoong katindé ang mga sutil, may pagmamahal din sa mga taong sumusunod sa batas.

Si Duterte ay isang Mamay na kahit mayabang ay handang tumulong at ipagtanggol ang mga tawo.

Si Duterte ay isang Mamay na hindi mamaas-maas at ubod ng pangkal sa pagresponde sa mga nangyayari diné sa ating bayan.

Si Duterte ay isang Mamay na iingli muna bago mag-dada.


Kung papanhik si Duterte sa Malakanyang, susunod ga tayo sa batas? Kaya ga natén ang disiplina sa ating mga sarili?

Maiimis ga ni Duterte ang maraming gabok sa ating bayan?

Aba’y siyempre naman, di naman niya iyon kaya nang mag-isa. Ay di tulungan natén siya.

Uutay-utayin natén iya-ang pagbabagong gusto natén.

Ala, ay huwag nang sutil!


Featured Image Credit: Si Duterte kasama ang pagkaramé-raméng mga tawo diné sa Batangas.

My Duterte Story: Nawawala si Michael

12998691_10154109430257354_2149235225835003585_nBy: Meg Ladao-Bama

#‎MyDuterteStory

Dahil dalawang linggo na lamang bago sumapit ang halalan, parami na nang parami ang mga artikulo tungkol kay Duterte na kinukuwestiyon ang kanyang kakayahan. Ako ay totoong sumusuporta kay Duterte hindi lang dahil ako’y isang Dabawenya o dahil uminom ako ng “Kool-Aid” na juice tulad ng sinasabi ng maraming tao. Sinusuportahan ko siya dahil nasaksihan ko kung anong klaseng tao siya at nasaksihan ko rin ang totoong pagkatao ng taong ito sa likod ng ilaw at camera na kinahuhumalingan ng maraming pulitiko. Sa likod ng isang rebelde na matapang at masama ang bunganga ay isang tapat, mapagkumbaba, at mapagmalasakit na tao. Kailangan natin ang isang ama sa ating bayan na didisiplina at sasanayin tayo, hindi ang isang mayaman na ilulubog ang ating bayan sa walang kuwenta at makasariling paggastos. Ito ang aking kuwento:

Noong Enero 9, 2015, nakatanggap ako ng text na ang anak ng isa sa aking mga pinakamalapit na kaibigan ay dinukot. Tumigil ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sabi sa text, “Nawawala si Michael” (hindi tunay na pangalan – para sa kaligtasan ng pamilya). “Dinala ng yaya sa convenience store at hindi na sila bumalik.” Umalis siya nang alas-7 ng umaga. Sa puntong ito, lahat kami ay napapraning at iniisip namin kung papaano nangyari ang lahat ng ito at kung paano namin mahahanap si Michael. Ang mas malala pa ay ang sunod na text na natanggap namin sa isang yaya. Siya at si Michael ay dinukot ng tatlong lalaki na may patalim at isinakay sa isang van. Wala siyang kaalam-alam kung sino sila at kung saan sila pupunta. Naghinagpis na ang aking kaibigan. Hindi sapat ang sabihing umiyak siya. Kung makakakita ka ng isang magulang na nawalan ng anak, iyon ang nangyari sa kanya. Ito ay halu-halong galit, pagkalito, pagkadismaya, at hinagpis. Iyan ang klase ng galit na magtutulak sa isa na patayin ang sinuman.

Nang maramdaman namin na parang wala na kaming pag-asa, kinausap namin ang isa sa mga staff ni Mayor Duterte. Dumating si Mayor at agad isinaayos ang pagsagip sa kanila. Hindi lang siya basta nag-uutos. Nandoon siya talaga. Gabing-gabi na pero dumating siya. Walang media. Walang kumukuha ng litrato. Walang anumang kapalit. Humanga ako kung gaano kaayos ang Davao force. Para akong nanood ng pag-iimbestiga ng krimen sa TV. Nalaman nila kung nasaan siya dahil sa mga serye ng text ng yaya na naipadala niya at sa tulong ng makabagong tracking system at ng mga CCTV cameras sa Davao. Nalaman na nila kung nasaan sila. Ito ang nakatulong sa kanila para makipagtulungan sa pulisya ng Cotabato. Hinarangan nila ang daan at nagpadala ng puwersa ng pulisya upang suyurin ang lugar. Hindi makakalimutan ng kaibigan ko ang eksakstong sinabi ni Duterte: “Magdasal ka lang, pero narito kami upang tulungan ka at ililigtas namin ang iyong anak bago sumikat ang araw.”

Noong Enero 10, 2015, 5:45 am, natagpuan ang bata. Natagpuan siya bago lumipas ang 24 oras, bago sumikat ang araw gaya ng ipinangako ni Duterte. Natagpuan siya sa terminal ng Cotabato – marumi, gutom at natatakot. Saka lang namin nalaman na hindi siya dinukot ng tatlong lalaki. Planado ng yaya ang lahat ng ito. Ipagbibili niya ang mga bato ng lalaki sa Zamboanga. Meron nang bibili sa kanya at papatayin na nila ang bata pagkatapos nilang kuhanin ang mga bato. Ang batang lalaki ay apat na taong gulang noong mga panahong iyon. Hindi namin malilimutan ang araw na iyon, at salamat kay Duterte, ligtas na ang bata. Nilihim ng kaibigan ko ang naturang kuwento kaya iyon ang dahilan kung bakit itinago ang mga pangalan. Pero dahil sa mga tsismis tungkol sa pagkatao ni Duterte, nagdesisyon kami na ibahagi ang kuwentong ito. TOTOO ang kuwentong ito. Gusto kong malaman ng lahat na meron siyang isang salita. Kailangan ng ating bansa ang isang lider. Pagod na ang ating bansa sa mga luma at tiwaling pulitiko na hindi tinutupad ang kanilang mga pangako. Hindi ko sinasabing perpekto si Duterte. Sang-ayon ako na hindi niya taglay nang lubos ang moralidad, pero ano ang maiisip mo sa ginagawa ng ibang kandidato? Sana bumoto tayo nang tama. Kailangan natin ng pagbabago. Si Duterte ang kasagutan.

#‎PHVOTEDUTERTE

#‎stillvotingDuterte

#‎DuCayforthewin

“Ngunit huwag kang masiraan ng loob at gagantimpalaan ka pagkatapos.” (2 Kronika 15:7, MBB)


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Psychology

13139380_10156874661100425_990087200210159826_nSa isang statement ng Psychological Association of the Philippines (PAP), sinabi nila na itinataguyod nila ang tamang paggamit ng psychological report, na “sinisigurado na hindi ito ginagamit upang apakan ang pagkatao niya.” Malinaw sa Code of Ethics para sa mga Psychologists noong 2009 na dapat igalang ang dignidad ng tao, bagay na hindi ginawa ng media nang ilabas nila ang naturang confidential na ulat.

Ikalawa, itinataguyod ng PAP ang karapatan ng isang indibidwal para sa privacy at lihim na pakikipag-usap. Iba-iba ang psycho reports na inilalabas depende sa sitwasyon at pagkakataon. “Sakaling ang psychological report ay ibibigay bilang isa sa kahingian (requirements) ng isang legal na hakbang, tulad ng petisyon sa hukuman upang ipawalang-bisa ang kasal, saka ito magiging isang pampublikong dokumento. Subalit, hindi nito ibinibigay ang pahintulot sa sinuman na gamitin ito para sa anumang layunin bukod sa orihinal na layunin.” Paano nila maaring igiit na walang human rights para kay Duterte, kung sa kasong ito, nilabag na nila ang karapatang pantao niya, lalo na sa privacy?

Ikatlo, iginiit ng PAP na dapat ibase o iangkop ang anumang psycho test sa kasalukuyang layunin nito. Sa madaling salita, hindi maaring gawing basehan ang naturang psycho report upang alamin ang pag-iisip ni Duterte sa ngayon. Tatlo ang dahilan: (1) matagal nang ginawa ang naturang psycho report noong panahon na naghiwalay sina Elizabeth at Mayor Rody; (2) iyon ay test para lamang sa pag-iisip niya tungkol sa kanyang kakayahang panatilihin pa ang kanilang pagsasama, at hindi iyon test tungkol sa kanyang kakayahang mamuno sa Lungsod ng Davao; at (3) maaring mag-iba ang kanyang pag-iisip noon at saka ngayon (at kung paano patutunayan iyan, pagmasdan mo ang mga batang lumalaki sa loob ng maraming taon. Tingnan mo kung paano sila mag-isip noon at ngayon.)

Paano na kung siya ay mayroon nang Narcissistic Personality Disorder? Ano ang kanyang gagawin bilang isang lider ng bansa sa ganitong sitwasyon? Narito ang pahayag ng isang netizen na si Karina Regino:


Sinabi nila na may sira sa pag-iisip si Mayor Duterte na tinatawag na Narcissistic Personality Disorder. Bilang isa na nakatapos na ng Psychology at isang estudyante ng MBA-HRM, nasisiyahan akong malaman na siya ay isang taong narcissistic. Alam niyo ba kung bakit? Kasi ayon sa bagong pananaliksik na pinamagatang “Leadership and Narcissistic Personality Disorder” na ginawa ng Harvard University School of Business, ang isang lider na mayroong “Narcissistic Personality Disorder” ay magaling mag-isip, nakakalikha ng maraming tagahanga o nag-iiwan ng malaking marka sa mga tagahanga, napakasipag, malaki ang pagkakataong baguhin ang kasalukuyang sistema (sa pulitika at negosyo), isang operational manager, at higit sa lahat, may tapang para simulan ang malaking pagbabago sa lipunan. Idinagdag pa ng pananaliksik na ang mga narcissists ay laging nariyan upang magbigay ng inspirasyon sa mga tao at hubugin ang kinabukasan ng isang kompanya o ng isang bansa.

Ang mga dakilang utak sa kasaysayan ng sangkatauhan tulad ni Napoleon Bonaparte (noong Rebolusyong Pranses kung saan hinila pababa ang mga oligarkiya sa Pransya), mga sikat na siyentipiko tulad ni Albert Einstein, Thomas Edison, Henry Ford, at iba pang mga sikat na siyentipiko, dating Pangulo ng Amerika na si Roosevelt, Mahatma Gandhi ng India (na namuno sa kalayaan ng India sa kamay ng mga mananakop na Briton) at iba pang sikat na mga pulitiko ay mayroong Narcissistic Personality Disorder.

Ngayon, kailangan ng ating bansa ang matindi at totoong pagbabago mula sa kahirapan, katiwalian, krimen, at ilegal na droga. Kailangang makalaya ang ating bansa mula sa mga nasa oligarkiya na inaabuso tayo sa kanilang pamamahala at kalayaan mula sa neokolonyalismo (kunwaring pananakop).

Ang ibang kandidato, tulad ni Roxas, Binay, at Poe, ay hindi nagtataglay ng psycho-personality na ito tulad ni Mayor Duterte.

Laging tatandaan na ang kailangan ng ating bansa ngayon ay ang pamumuno tulad ng kay Mayor Duterte.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Love for Kids

13051705_1005220879560381_7362035949002441019_nBy: Manny Piñol

Alam na ng dating gobernador ng Hilagang Cotabato na sa pagsadsad ng ratings ni Jejomar Binay, mangangampanya ang huli laban sa nangungunang si Rody Duterte.

Ang mensahe: Ang mahigpit na istilo ni Duterte sa pagbawas ng droga at krimen sa kanyang lungsod ay nagresulta sa pagpatay sa mga inosente at mga bata.

Pinapatay ba ni Duterte ang mga bata?

Natanto ba ni Binay kung gaano kamahal ni Duterte ang mga bata?

Narito ang kuwento na nai-post ni Manny Piñol noong Setyembre 2015 tungkol sa pagtulong ni Duterte sa Bahay ng Pag-asa, ang tahanan ng mga bata sa lahat ng dako ng Mindanao na nagdurusa sa cancer:


P3.2-M MULTA SA PANINIGARILYO, IBINIGAY SA TAHANAN NG MGA BATANG MAY CANCER

…Ang mga multang nakokolekta mula sa mga lumalabag sa napakahigpit na ordinansa laban sa paninigarilyo sa Lungsod ng Davao, na naglalayong pababain ang mga insidente ng lung cancer, ay ibinigay sa bahay-tuluyan para sa mga batang may cancer mula sa iba’t ibang dako ng Mindanao.

Sa taong ito, matapos makuha ang pagsang-ayon ng Sangguniang Panlungsod, naiturn-over ni Mayor Rody Duterte ng Lungsod ng Davao ang 3.2 milyong piso sa Bahay ng Pag-asa, isang pasilidad para sa mga batang may cancer na nasa likuran ng Southern Philippines Medical Center (SPMC).

“Mula sa inyong mga bisyo, gagastusin ko ang pera para sa mga batang may cancer,” ang sinabi ni Duterte nang maibigay niya sa Bahay ng Pag-asa noong Hunyo ng taong ito ang 3.2 milyong pisong pondo na nakolekta sa loob ng dalawang taon sa Lungsod ng Davao.

Ang Bahay ng Pag-asa, isang proyekto ng Waling-Waling Rotary Club ng Lungsod ng Davao, ay nagsisilbing pansamantalang tahanan para sa mga batang may cancer sa iba’t ibang dako ng Mindanao na walang lugar para manirahan sa Lungsod. Pinamumunuan ng isang batang doktor, Dr. Mae Dolendo, nagbibigay rin ang pasilidad ng counselling services sa mga bata at kanilang mga magulang.

“Ang mga nakaligtas sa sakit ay bumabalik dito taun-taon para sa Survivors’ Day, isang pagdiriwang na hindi ipagpapaliban ni Mayor,” sabi ni Dolendo sa isang panayam ko sa kanya.

Sinabi ni Dolendo na nagdiriwang si Mayor Duterte sa kanyang kaarawan at Pasko kasama ang mga bata at personal siyang bumibili ng mga laruan para sa kanila.

Sa kabila ng napakahigpit na pagpapatupad ng ordinansa laban sa paninigarilyo, tinatayang apat na libo na ang naaresto noong isang taon at nagbayad ng limandaang pisong multa.

Natutunan ng mga lumalabag na ang ordinansa laban sa paninigarilyo ay para sa lahat, kasama na ang turista na piniling lunukin ang upos ng sigarilyo nang personal na komprontahin ng Alkalde.

Sinabi mismo ni Duterte, na dati ring naninigarilyo, na sa kabila ng panganib na dulot ng paninigarilyo, nagpapakasarap pa rin ang mga tao sa bisyo.

Sinabi niya na ang mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa laban sa paninigarilyo ay maaring makabawas sa paggamit nito sa Lungsod ng Davao. Inakda ng dating Konsehal Bonifacio Militar labintatlong taon na ang nakalipas, ipinagbawal ng naturang ordinansa ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, kasama na ang mga lansangan, at sa loob ng mga pampublikong sasakyan. Sinasabi rin ng ordinansa na (sinumang) taong nabigyan ng tiket ay maaring pabulaanan ang paglabag sa korte o kusang-loob na bayaran ang limandaang pisong multa upang hindi makasuhan tatlong araw mula sa kanyang pagkakahuli.

Idinagdag ni Duterte na walang tigil ang kampanya laban sa paninigarilyo sa Lungsod at nangako na ang mga susunod na koleksyon ng mga multa ay ibibigay sa Bahay ng Pag-asa at mga samahang pangkawang-gawa na nangangalaga sa mga bata.


Translated by: TweetNewscaster


Featured Image Credit: Duterte via Manny Piñol’s Facebook page.

Duterte Serye: Balay Dangupan

942234_999711023448795_7526081009768037750_nBy: Sam Tañara

Marami ang nagtatanong kung pinoprotektahan ba ni Mayor Rody Duterte ang mga kababaihan. Para sa kaalaman ng lahat, dahil ang inang wika ni Duterte ay Bisaya, nahihirapan siyang ipahayag ang kanyang nais sabihin sa Tagalog. Sa madaling salita, merong mga ideya sa wikang Bisaya na nawawala kapag isinalin sa Tagalog, at iyan ay nangyari kay Mayor Rody. Kung talagang joke ang naturang rape, dapat sana tumawa si Mayor. Pero hindi eh.

Para sa higit pang impormasyon, paki-click dito.

Idinagdag pa ni Duterte, “Ang Lungsod ng Davao lamang ang mayroong Integrated Gender Development Office sa ilalim ng Kodigo sa Pagpapaunlad ng mga Kababaihan (Women Development Code) sa Lungsod ng Davao. Ang bagay na iyan ang makapagsasabi tungkol sa [aking] pagprotekta sa mga kababaihan at ng kanilang mga karapatan kahit ano pa ang sabihin ninyo tungkol sa bunganga ko. Protektado ang mga kababaihan sa aking lungsod. [May mga babaeng] binubugbog, mga binuntisan at iniwan, [at] makapagbibigay ng patunay diyan ang mga babaeng abogado ng IGDO.

Ang mga grupo ng karapatang pangkababaihan (women’s rights) kagaya ng Gabriela (na nagkataong tumutulong din kay Duterte sa pagpapaunlad ng mga kababaihan) ay agad-agad na humusga sa isang di-sinasadyang pahayag/masamang biro na nangyari tatlong dekada na ang nakalipas. Nawalan ng silbi ang mga ginawa ni Mayor Duterte para sa kapakanan ng mga kababaihan sa Lungsod ng Davao. Ilan sa mga ito ay ang:

  1. Davao’s Women Development Code (ang LGU ng Davao ang pinakaunang nagpatupad nito)
  2. Ang Ray of Hope Village sa Ma-a City Jail (ang tanging kulungan para sa mga kababaihan sa buong Pilipinas)
  3. Davao City Council for Women
  4. GAD Focal Point Persons Assembly
  5. Davao City Inter Agency Council Against Trafficking
  6. Davao City Advocacy on Gender & Development
  7. Women and Children Protection Unit
  8. Breastfeeding Rooms
  9. Women’s and Children’s Concern Section
  10. Dial 911: Domestic Violence Hotline
  11. Bathaluman Crisis Center Foundation for Women
  12. Reproductive Health and Wellness Center
  13. Ang BALAY DANGUPAN.

Ano ba ang Balay Dangupan?

Sa di-tuwirang salin sa Tagalog: Bahay Kanlungan.

Ang Balay Dangupan ay isang proyekto ni Mayor para sa mga kababaihan at mga bata na hindi pa nalalaman ng mga Pilipino dahil ayaw ni Mayor Rody ang publisidad. Ang Balay Dangupan ay isang pasilidad dito sa Lungsod ng Davao na itinatag ni Mayor Rody noong taong 1994. Ang Balay Dangupan ay isang pasilidad na nagsisilbing tahanan sa mga kababaihang labingwalong taon pababa na biktima ng domestic, pisikal, seksuwal, at emosyonal na pang-aabuso: mga batang babae na biktima ng pang-aabuso sa kanilang sariling tahanan, pang-aabuso ng sariling magulang, mga biktima ng seksuwal na pang-aabuso, at iba’t iba pang uri ng pang-aabuso ay kinakanlong ng gobyerno ng lungsod para matulungang maging mabuting mamamayan sa pamagitan ng counselling, pakikilahok sa mga aktibidad na dinisenyo ng mga magagaling na social workers .

Sa pagsisikap ni Mayor ay napatayuan ang mga batang residente ng Balay Dangupan ng kanilang sariling gusali – isang sampung milyong pisong gusali – para maging permanenteng tahanan habang sila ay nasa ilalim ng paggagamot.

Hindi ko alam kung ang ibang lungsod o bayan ay may programang ganito. Ang tanging alam ko ay ginagawa ni Mayor Duterte ang kanyang tungkulin mabigyan ng mabuting buhay kaming mga taga-Davao.


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Nicaragdao

Commercial-Lot-within-China-Town-along-F-Bangoy-St-Agdao-Dav_2
Ang Barangay Agdao sa kasalukuyan. Hindi maiisip ng sinuman na ito’y dating pugad ng mga krimeng nangyayari noon bago maupo si Mayor Duterte.

By: Jo Barredo

…Ito ang kuwento na ang mga taga-Lungsod ng Davao lamang na ipinanganak at namuhay sa Lungsod noong panahon ni Marcos ang makakaintindi nito. Ito ang kuwento ng Nicaragdao.

Nabanggit ko noon na ang Lungsod ng Davao noon ay lugar ng patayan. Ito ay inihayag at kilala bilang “no man’s land” (dapat walang tao ang naroon). Bakit? Simple lang. Lahat ng mga rebeldeng grupo ay nandito: Ang NPA at MNLF (bago humiwalay ang MILF) na target ang mga taong nasa militar. Target naman ng mga Ilaga, ang grupong vigilante, ang mga Muslim. Nilabanan ng DDS (hindi ang mga DDS na kilala natin ngayon) ang Sparrow Unit ng NPA. Pinapaslang ang mga taong nasa militar sa loob ng lungsod. At ang barangay na pinakamatinding nagdurusa ay ang Nicaragdao.

Noong mga panahong iyon, walang araw na hindi nakakatagpo ng patay na katawan sa Nicaragdao. Malaya at walang-takot na kumakatok ang mga rebelde sa mga pintuan ng mga sibilyan, pumapasok sa bahay, at malayang gawin ang anumang gusto nila. Walang mga jeepney at lalong walang mga taxi na nangahas na pasukin ang lugar na iyon, at kung hindi, mahohold-up o mapapatay ang drayber. Hindi inakala ng mga tao sa barangay na iyon na darating ang araw na ang lahat ng ito ay magbabago. Kailan iyon? Ito ang araw na unang naging Alkalde si Duterte noong 1988. (Noon ay isang taong gulang pa lang ako.)

Ngayon, maaring isipin ng marami, lalo na ng mga Dabawenyo, kung nasaan ang barangay na ito? Tulad ng sinabi ko, hindi ko pa naririnig ang ganitong pangalan, hanggang nag-message sa akin si Ma’am Joanna tungkol dito. Nang nagbago ang lugar para sa ikabubuti, ganoon din ang pangalan. Kilala na ito ngayon bilang Barangay Agdao at isa ito sa pinakaabalang lugar sa lungsod. Mayroon itong isa sa pinakamalaking palengke at narito ang isa sa dalawang fly-over sa Lungsod ng Davao.

Lagi akong dumadaan sa lugar na ito sa tuwing magpoproseso ako ng mga dokumento sa opisina ng PRC. At kada buwan ay nagbabayad ako buwan-buwan (para sa lugar na aking binili sa Samal) sa isang opisina sa Agdao. At hindi ko naranasan ang anumang gulo dito, kahit isa lang. Iyan ang magic ni Mayor Duterte.


Translated by: TweetNewscaster

My Duterte Story: Strangest Breakfast

13062328_10153694181403931_3884617606790400212_nBy: Fonzi Avila Marquez

Kakaiba ang agahang iyon sa akin.

Brownout sa aming bahay at tinatamad akong magluto kaya tumungo ako sa Balbacua malapit sa Bangkal sa Davao para kumain. Napansin ko ang isang kotse ng pulisya na nakahimpil malapit sa lugar na iyon, kaya naramdaman ko na ligtas ako habang kumakain. Napansin ko na may mga kasama ang mga pulis: dalawang babae na hindi lampas ng 25 taong gulang, isang middle-aged na lalaki, at isang batambatang lalaki. Abala ako sa aking ginagawa, at napansin ko na tumayo ang isang pulis at nagbayad sa kanilang agahan. Mukhang lumabas siya upang kumain kasama ang kanyang pamilya ng isang masaganang agahan bago magtrabaho. Palagay ko’y hindi, dahil ang paggamit ng kotse ng pulisya para sa bagay na iyan ay nangangahulugan na ginamit ang sasakyan para sa pansariling paggamit. Iyan ay kakaiba sa Lungsod ng Davao.

Nang tumayo ako para magbayad ng aking agahan, nabanggit ng kahera na nakita niya ang mga posas na inilalagay sa dalawang babae at sa isang lalaki nang sila’y umalis. Tinanong ko kung bakit, at sinabi niya na ang dalawang babae at ang isang lalaki ay nahuli ilang oras lamang dahil sa pag-iingat at pagtutulak ng droga. Parang ipinadama ng mga pulis na pinakakain muna sila bago tumuloy sa presinto.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa sitwasyong iyan. Hindi ko pa rin alam. Alam ko lang na mali ang anumang iniisip ng ibang tao laban sa tatak ng katarungan sa Lungsod ng Davao. Siyempre, paiba-iba si Mayor Rody. Pero mas lalo nang paiba-iba ang reyalidad. Alam kong mukhang mahirap maging si Rody, kasi kilala ko siya bilang isang mabuting tao. Kung aalisin niya ang kanyang pagkatao [na madalas makita sa media], hindi matatakot sa kanya (o hindi siya irerespeto) ng kanyang mga kasama o maging ng mga kriminal. Alam kong hindi kapani-paniwalang isipin ito, pero hindi mo talaga maitatago ito sa mga pagkakataong nahuhuli natin ang mga tao nang hindi nila inaasahan. Ang sukatan ng isang tao ay kung ginagawa niya ang mga bagay sa sarili nitong panahon, at hindi kung kailan siya’y nasa camera o nasa entablado. Mukhang makikita ko ang #TapangatMalasakit sa totoong buhay. Hindi ko ito makakalimutan.


Translated by: TweetNewscaster

Duterte Serye: Clarita Alia

13015697_10154800145409937_5511140080869441136_n
Nanay Clarita with her children.

By: Eric Clark Su

Bago basahin ang artikulong ito, nais kong pakiusapan na huwag nating kagalitan si Nanay Clarita. Ituon natin ang galit sa mga pulitiko na ginagamit siya upang siraan si Mayor Rody Duterte.


Ano ba ang katotohanan?

Maaring nakita mo ang umiiyak na ale na ikinuwento kung paanong sinadyang tugisin ng Davao Death Squad ni Duterte ang tatlo sa kanyang mga anak nang walang mabuting dahilan. Ginagamit ng mga kalaban ni Mayor Duterte at ng mga tagasuporta nila ang kanyang kuwento upang sirain ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo. Ang kanyang pangalan ay si Clarita Alia, at salamat sa isang Ian Enero, alam na natin ang kanyang buong kuwento.

Ayon sa Davao City Local Development Plan for Children, noong 2000 ang Davao ay mayroong 1,505 batang lansangan at dumoble sa sumunod na taon sa mahigit 3,213 batang lasangan. Ayon sa Tambayan, isang grupong sumusulong sa karapatan ng mga kabataan, halos lahat ng mga batang lansangan sa lungsod ng Davao ay miyembro ng mga “gang”, na sa kasalukuyan ay umabot sa mahigit 150. Ang mga gang na ito ay naging problema ng lungsod ayon sa pulisya at nagiging sanhi ng pagkakasangkot ng mga kabataan sa iba’t ibang uri ng krimen.

Si Nanay Clarita Alia ay nakatira sa isang maliit at masikip na barongbarong sa Bankerohan, ang pinakamalaking palenke sa lungsod ng Davao. Si Nanay Clarita ay may walong anak: anim kay Cornelio, isa mula sa nakaraang kasintahan, at isa na kaniyang kinupkop.

Si Richard, pangalawa sa kanyang mga anak, ay nasangkot na sa iba’t ibang uri ng paglabag sa batas. Naging kabilang siya sa kilabot na gang matapos magtapos ng Grade 4. Noong taong 2000, siya ay naakusahan ng pananakaksak sa isang minor de edad at nakulong ng 2 buwan. Sa sumunod na taon, siya ay nabaril ng pamangking lalaki ng isang traffic aide. Ito ay isa umanong paghihiganti ng pamangkin matapos ang alitan nila ng nakababatang kapatid ni Richard na si Bobby. “Sumumpa si Richard na maghihiganti siya sa bumaril sa kanya”, sabi ng Nanay Clarita. Ngunit hindi niya ito nagawa at napatay siya noong July 17, 2001.

Si Christopher ay nakulong nuong 1997 matapos mahuling gumagamit ng ipinagbabawal na rugby noong siya ay 12 taong gulang. Dalawang beses na naipasok sa rehab. Noong una, nakatakas nuong taong 2000. Ng sumunod, siya ay nakulong at napakawalan noong July 2001. At noong October 20, 2001, si Christopher ay naging pangawala sa maganak na napatay ng patalim.

Matapos ang pagkamatay ni Christopher, sumali si Bobby sa gang na “Emergency”. Nakulong si Bobby matapos mahulihan ng nakamamatay na armas. Katulad ni Christopher, si Bobby ay naipasok na rin sa rehab ngunit tumakas matapos ang 3 buwan. Noong November 3, 2002, siya rin ay napatay matapos masaksak ng patalim.

Di kalaunan ang mga anak ng pamilyang Alia ay naging kilabot sa Bankerohan. “Tanungin mo man ang mga kapulisan, kahit pa ang CSU (Civil Security Unit), sasabihin nilang sila ang parating suspek sa mga krimen na nagaganap dito,” sabi pa ni Nanay Clarita. Kahit ang mga kapitbahay nila ay pinagbibintangan silang nagnanakaw.

Matapos kong mailahad ang kwento ni Nanay Clarita, ito ang nais kong sabihin sa inyo. Ginamit ng mga tauhan ng karapatang pantao at mga kalaban sa pulitika ang istoryang ito upang bahiran ang masamang imahe ang paninindigan ni Digong laban sa mga kriminal. Ito ay pinalabas nilang isang istorya ng maling pagkakakilala. Sila ay nagsasabing ang mga anak ni Nanay Clarita ay mga inosenteng batang naglalaro sa kalsada.

Ngunit ito ang naging problema sa istorya: ang kanyang mga anak ay paulitulit na nasasangkot sa masamang gawain at ginawan na ng hakbang ng pamahalaan ng lungsod upang sila ay matulungan ngunit wala pa ring pagbabago. Kahit ang mga kapitbahay ni Nanay Clarita ay naniniwalang ang kanyang mga anak ay napatay ng kalabang gang. Kung susuriin, ang Davao Death Squad (DDS) ay gumagamit ng baril sa pagpatay ng kanilang target at hindi sila gumagamit ng patalim na sanhi ng pagkamatay ng mga anak ni Nanay Clarita. Nagsimula lang gumamit ng patalim ang DDS mula nuong 2005 upang maiwasan ang hindi sinasadyang pagdawit sa mga hindi target.

Maaaring nagtataka kayo kung bakit ang lungsod ng Davao, isang payapa at malinis na lungsod, ay may mga insidente ng gang violence, nakakapaminsalang riots at pagpatay? Ito ay dahil hindi pa si Rodrigo Duterte ang mayor nuong 1998 hanggang 2001 kundi si Mayor Ben de Guzman.

Matapos ang tatlong sunod-sunod na pagkapanalo bilang Mayor, kinailangang magbitiw ni Rodrigo Duterte mula sa posisyon. Habang siya ay tumakbong congressman, kanyang inendorso ang matalik niyang kaibigan at kapwa lingkod bayan na si Ben De Guzman bilang mayor. Siguradong-sigurado naman kung kay Mayor Duterte mismo nangaling ang endorso at tuloy pumalit sa posisyon si De Guzman. Ngunit naging malaking kasawiangpalad ang pamumuno ni De Guzman. Ang mga alegasyon ng katiwalian ay naging laganap sa kanyang termino at ang masaklap pa ay tumaas ang bilang mg krimen sa lungsod, lalo na ang may kaugnayan sa mga gang. Nang napagpasyahan ni Duterte na ayusin ang lungsod ng Davao, siya ay nanalong mayor laban kay De Guzman. Nang nahalal sa pwesto bilang mayor, muling nasugpo ang krimen sa lungsod. Ngunit buhat noon, matapos makaalitan ang napakaraming kalaban ay hindi maaaring maiuugnay ang pagkakapatay sa mga anak ni Nanay Claritas na ito ay gawa ng Davao Death Squad (parating itinatangi mi Mayor Duterte na may kinalaman siya sa DDS).

Hindi maiaalis ang sakit ng pagkawala ng mga anak ni Nanay Clarita, ngunit ang mga pulitikong pursigidong bahiran ng masamang imahe si Duterte ay binago ang istorya upang gamitin laban sa kanya. Salamat sa tulong ni Ian Enero, na kung naghahanap tayo ng totoong istorya ng pangaabuso ng DDS ng Davao, kailangan nating maghanap ng iba.

PAALALA: Ang pagbabahagi ng artikulong ito ay papatay sa masamang propaganda. Tulungang linisin ang halalan sa pagbahagi ng artikulong ito at pagpapakalat ng katotohanan. Salamat!