Lucky Me Pancit Canton Recipe

Good day, readers! Ngayong araw na ito, magluluto na naman tayo ng katakam-takam na recipes mula sa isang netizen. Sa araw na ito, magluluto tayo ng Lucky Me Instant Pancit Canton. Yup, you read it right. Madali lang lutuin ito. 😀

So, handa na ba tayo? Kung oo, eh di sige! Magluto na nga tayo! 😀


Ito ang mga ingredients na dapat mong paghandaan bago tayo magluto:

  • Tubig. Preferred ang pinakuluang tubig para mas madali tayong makaluto.
    Sa totoo lang, puwede ang all types of water. Tatanungin mo naman sa akin, “Anong klaseng tubig?” Kahit ano. Gusto mo, pati yung tubig sa swimming pool, gamitin natin?
  • Dalawang totoong kalamansi. Hindi puwede ang fake na kalamansi na mabibili sa Recto. Otherwise, hindi magiging malasa ang dish natin. Kung walang kalamansi sa bakuran, puwede na ang dalandan, orange, o lemon. Try mo lang din, baka mas masarap pa ang lulutin nating pancit pag ginamit natin iyon.
  • Dalawang pack ng Lucky Me Pancit Canton. Piliin ang green version nito na kung tawagin ay Kalamansi Flavor.

Handa na ba ang ating mga ingredients? Kung oo, simulan na natin!


  1. Kumuha ng dalawang pack at isalang sa kaserola.
  2. Pakuluan ang dalawang pack ng noodles sa isang kaserola sa loob ng dalawang minuto. Bakit ko ito nasabi? Ngayon, ano ang mangyayari kung ibababad mo sa tubig? Eh di wala rin. 😡
  3. Pagkatapos ng dalawang minuto, patayin ang apoy. Kung hindi mo magagawa iyan, at gusto mong kainin ang napakalambot nang noodles, eh di magaling!
  4. Hanguin ang noodles sa tubig at isabak sa hinandang sauce na kasama sa pack.
  5. Lagyan ng isa o dalawang kutsarang tubig sa noodles para kumalat ang lasa.
  6. Paghaluin ang noodle mix at pigaan ng dalawang totoong kalamansi. I repeat, dalawang totoong kalamansi. Kung gusto mo naman ng fake na kalamansi, go ahead. 🙂 At huwag isasama ang buto ng kalamansi, unless gusto mo ring kainin iyan. Haluin nang mabuti. Your Lucky Me Instant Pancit Canton is now ready to be served.

Well, salamat sa inyong pagbabasa ng recipeng ito. Sana nagustuhan ninyo ang paraan natin ng pagluluto nito. Now, enjoy the saucy pancit canton na maasim-asim at maalat-alat. Perfect combo ito sa tirang malamig na kanin. Have a good appetite and happy cooking! 🙂


Featured Image Credit: Pancit Canton

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s