Fried Chicken Recipe

Nandito na naman tayo sa isa pang serye ng pagluluto kasama ang may-akda. Ngayon, magluluto tayo ng Fried Chicken. Yes, ang malutong at malinamnam na Fried Chicken ang lulutuin natin. Ito ang recipe na ibinahagi sa atin ng isa pang netizen para turuan tayo kung paano magluto nito.

Ingredients:

  • Manok. Siyempre pa, paano tayo magluluto ng fried chicken kung wala nito? At kung magluluto tayo kahit walang manok, eh ano ba ang tawag natin sa dish na iyan? Isa pa, huwag ka nang makulit sa pagsasabing isda, baboy, o baka ang gagamitin natin. Kaya nga fried chicken eh.
  • Toyo. Bumili ka na lang sa kapitbahay.
  • Suka. Bilhin mo din iyon sa kapitbahay.
  • Kalamansi. This will give a twist sa fried chicken na lulutuin natin.
  • Asin. Huwag yung banda na umawit ng “Anak ng Pasig” at “Cotabato,” unless gusto mo silang kainin.
  • Mantika. Dapat umiinit ang mantika kapag inilagay sa kawali at nakasalang ang apoy. Matatawa na lang ako kung buhay ang apoy at mainit ang kawali, pero hindi pa mainit ang mantika. Manhid siguro. 😛
  • Itlog. Mas maganda ang mga itlog na bilog at hindi square o rectangle.
  • Harina. Kung walang harina, dahil inuubos na iyon ng kapitbahay mo para gumawa ng tinapay, alternative choices mo na lang ang chicken breading o breadcrumbs.

Handa na ba tayo? Kung oo, ito na ang paraan ng pagluto ng pritong manok:

  1. Ibabad ang manok sa toyo, asin at katas ng kalamansi nang 1 oras o magdamag.
  2. Painitin ang mantika sa kawali. Kung ayaw mo namang mababad sa mainit na mantika ang manok mo, eh di kainin mo nang hilaw!
  3. Budburan ng arinang tinimplahan ng asin at paminta ang manok. 🙂
  4. Igulong sa binating itlog at pagkatapos ay sa breadcrumbs. O di kaya diretso na sa chicken breading kung wala ka nito.
  5. Iprito hanggang maluto ang manok at lumutong. Mas malutong, mas masarap.
  6. Patuluin ang mantika ng bawat piraso ng pritong manok sa paper napkin, paper towel, o tissue paper.
  7. Ihain kasama ng ketchup, o gravy bilang sawsawan.
  8. Kunin ang ginamit na mantika at ilagay sa loob ng baso, sabay inom. 😀

Sana nagustuhan niyo ang mga tips kung paano magluto ng pritong manok. Sabi pa ng nagturo sa atin, susunod naman niyang ituturo sa atin kung paano magluto ng pancit canton. For me, no need na. Kasi, may nagturo na kung paano lutuin iyan. Paano ba iyan? Enjoy your meal and happy cooking! 😀

Duterte Serye: Eagle’s Weakness

By: Jo Barredo

Palagay ko, alam ng lahat ang ganitong uri ng kanyang kahinaan [at ito ay ang mga] bata. Oo, upang patunayan iyan, matindi ang malasakit ni Mayor Duterte sa mga bata kaya habang isinusulat ko ang seryeng ito, natanto ko na ang lahat ng kanyang mga programa sa Lungsod ng Davao ay nakatuon sa pagpapabuti ng buhay ng mga bata.

Tingnan natin ang ilang halimbawa. Una, ang Bahay ng Pag-asa. Ito ang “nakatagong mansiyon” ni Mayor Duterte. Sa madaling salita, ito ang isa sa dalawang bahay na pag-aari ni Mayor sa Lungsod ng Davao…. Ito ay nasa Bajada, malapit sa Southern Philippines Medical Center (SPMC). Ito ay ibinigay ni Mayor Duterte upang magsilbing tahanan para sa lahat ng mga pamilya na may mga batang nagdurusa sa cancer.

Sa totoo lang, nagsimula ang kuwento sa tuwing pupunta si Mayor Duterte sa children’s ward para sa mga pasyenteng may cancer sa SPMC. Kahit na pinakabago ang mga pasilidad ng ospital na ito sa buong rehiyon, ito pa rin ay isang institusyon ng gobyerno at lagi itong napupuno [ng mga pasyente]. Ito ang nag-udyok kay Mayor Duterte na ibigay ang kanyang bahay sa ospital upang magsilbing tahanan para sa mga batang ito. Pansinin, hindi lang mga Dabawenyo ang nakikinabang dito. Ang mga galing sa ibang lungsod at ibang rehiyon ay maari ding tumuloy sa Bahay ng Pag-asa.

Bilang dagdag na kaalaman, alam ba ninyo na ang lahat ng mga multang nakokolekta ng LGU ng Lungsod ng Davao mula sa mga lumalabag sa No Smoking Ordinance ay napupunta din sa mga batang may cancer? Milyong piso ang nagagastos para tustusan ang kanilang panggagamot at pagkain.

Ang halimbawa ng ganitong kahinaan ang isang dahilan kung bakit kakaunti ang mga batang palaboy sa Lungsod ng Davao. At ito ang isang dahilan kung bakit katawa-tawa ang isyu ng mga naninira kay Duterte na pinatay ni Mayor ang lahat ng mga batang palaboy. Inaalagaan ang mga batang palaboy sa CSSDO, ang bersyon ng DSWD sa Lungsod.

Ang mga batang nasa ilalim ng pangangalaga ng tanggapang ito ay palaging binabantayan at ipinapadala nang walang-bayad sa paaralan. Pansinin, ang mga pamilya na talagang nangangailangan at hindi kayang suportahan ang kanilang anak ay maari lamang makakuha ng ganitong serbisyo. Kapag nalaman ng tanggapan na talagang kaya ng pamilya na palakihin ang bata pero tamad naman, pinadadala sila sa tanggapan ni Mayor.

Natatandaan ko pa ang isang insidente na natagpuan ng isang police patrol ang dalawang bata na natutulog sa isa sa mga waiting sheds sa Barangay Obrero. Nang tanungin, sinabi nila na sila’y galing sa Buhangin (at para sa mga hindi galing sa Lungsod ng Davao, malayo ang Buhangin at Obrero sa isa’t isa. Nang dinala sila sa tanggapan ng CSSDO, pinakain at dinamtan ang mga bata nang maayos. Malas nga lamang para sa mga magulang ng mga batang ito at ipinabatid din kay Mayor Duterte ang kasong ito. Ipinatawag ni Mayor Duterte ang mga magulang at pinagsabihan sila. Madalas, ang sagot ni Duterte sa mga kasong tulad nito:

“Anak kayo nang anak, pero hindi ninyo sila kayang buhayin.”

“Kawawa ang mga bata.”

“Sinabi ko na libre ang pa-ligate at vasectomy dito, bayaran pa kita kung gusto [mong sumailalim diyan.]”


Translated by: TweetNewscaster

Sisig Recipe (for Dogs)

Hello, dear readers! Narito na naman tayo sa isang naiibang serye ng pagluluto. Sa ngayon, ang Sisig para sa mga aso ang ating lulutuin. Yes, sa kauna-unahang pagkakataon, magluluto tayo ng pagkain na hindi para sa tao, kundi para sa isang aso. Ang naturang recipe ay nagmula sa isang netizen na gustong magbahagi ng paraan ng pagluluto nito. Handa ka na ba? Kung oo, ihanda na natin ang mga ingredients! 😀

  • Pisngi ng baboy. Sakali mang hindi ka makahanap ng pisngi ng baboy, maari kang kumuha ng taba at laman ng baboy, with 1:1 ratio by weight.
  • Asin. Sinabi niya na kaunting asin lang ang ilalagay diyan sa sisig. Pero kung gusto mong timplahan ng maraming asin ang sisig (dahil hindi naman ikaw ang titikim niyan kundi ang aso), walang basagan ng trip! 😀
  • Reno Liver Spread. Take note, liver spread. Hindi sandwich spread o peanut butter spread. Otherwise, mag-iiba ang lasa kung ipipilit mo ang gusto mo.
  • Kalamansi.
  • Sibuyas.
  • Sili.

Paraan ng pagluluto:

  1. Hugasang mabuti ang pisngi ng baboy.
  2. Ilagay sa kaldero, ibuhos ang tubig, at pakuluin sa mahinang apoy.
  3. Lagyan ng kaunting asin. Kung matabang ang lasa na iyan para sa iyong aso, sige damihan mo. Go ahead. 🙂
  4. Tingnan kung malambot na ang baboy. Paano? Siyempre, tutusukin mo iyon ng tinidor. Gusto mo, pisilin mo pa iyan?
  5. Kapag malambot na, hanguin ito at ihawin. Huwag hayaang masunog. Otherwise, kawawa ang aso mo kapag kinain niya iyan.
  6. Habang nakasalang sa ihawan, lagyan ng Reno Liver Spread, kalamansi, sibuyas, at sili.
  7. (Optional) Tikman kung masarap. Kung okay na ang lasa, the Sisig Recipe for Dogs is now ready to be served.
  8. Ipakain sa aso. But if you look like a dog, puwede mong kainin iyan. 😛

Sana nakatulong ang naturang netizen sa kanyang pagbabahagi sa atin ng espesyal na dish na ito para sa mga aso natin. Ang mga aso natin ay “man’s best friend,” kaya mahalaga na mapakain din natin sila nang maayos. Sana ang pagbabahagi niya ng recipe na ito ay malaking tulong upang iparamdam na mahal natin ang mga aso.

Sinabi pa ng isang netizen na gagawa siya ng pastillas na gustung-gusto naman ng pusa. Sige, hihintayin natin ang recipe na iyan. (Pero baka hindi na niya ito ibahagi sa atin.) Sana nabusog kayo, este, ang aso. Happy cooking! 🙂

Duterte Serye: Drug Pushers in Davao City

By: Jo Barredo

Alam ng marami sa buong bansa na kapag ikaw ay pusher o adik sa droga, o druglord, at napadpad ka sa Lungsod ng Davao, mapapatay ka doon. Medyo totoo ito, kahit paano, para sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Kung ikaw ay drug lord o nagtutulak ng droga, at pumalag ka [sa pag-aresto sa iyo], patay ka. Pero may pagpipilian ang mga gumagamit ng droga. Dito pumapasok ang “mala-resort” na lugar sa Lungsod ng Davao para gamutin at ipa-rehab ang mga tulad nila (sa Davao City Treatment and Rehabilitation Center for Drug Dependents o DCTRCDD).

Sinumang lulong sa droga na gustong tuluyang magbago ay dinadala doon sa DCTRCDD. Sa simula, ito ay nasa pamamahala ng DSWD Region 11, pero naibigay ang pamamahala sa LGU ng Lungsod ng Davao noon pang 2001. At salamat sa Diyos at nangyari iyon. Bakit? Kasi nabigyan na ng pansin ang naturang pasilidad nang ito’y pamahalaan ng Lungsod.

Nabanggit ko sa unang talata na ang pasilidad na ito ay parang isang resort. At mukha talaga itong resort sa loob. Nandoon ako noong ako’y nasa kolehiyo pa nang nagpunta ang aming klase para sa isang field study (na ilang kilometro lang ang layo sa UP Mindanao). Labing-anim na kilometro ang layo nito sa Downtown area, punung-puno ng mga lugar para maglaro (kasama na ang swimming), mga punong nagbubunga, mga magagandang halaman, isang covered court, kiosks, at hindi pa kasama dito ang mga marurunong at napakamagiliw na mga staff, ano pa ba ang hindi magugustuhan dito?

Natatakpan ang [mga magagandang bagay na ito] ng pagmamalabis ng mainstream media sa ulat na napapatay doon ang mga gumagamit ng droga. Mukhang higit na nakatuon ang media sa pagiging patay nila at hindi binanggit ang katotohanan na binigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng napakagandang buhay (o mamatay). Palagay ko, hindi patas para kay Mayor Duterte at sa LGU ng Lungsod ng Davao na hindi kilalanin sa ganitong pagsisikap na tulungan ang mga nagtutulak ng droga na gustong magbago.

Nandito ang buhay sa Lungsod ng Davao. Pero kung ayaw mong magbago, at pinili mong ituloy ang iyong masamang gawain, dito nagtatapos ang iyong buhay.


Translated by: TweetNewscaster

Sinigang na Baboy Recipe

Good day, readers! Isa na namang katakam-takam na dish ang lulutuin ng may-akda. Sa araw na ito, magluluto tayo ng sinigang na baboy.

Ibinahagi ito ng isang netizen na walang masabi kaya ituturo niya sa atin kung paano magluto ng sinigang na baboy. Ngayon, handa ka na ba? Kung oo, simulan na natin! 😀

Narito ang mga sangkap sa pagluluto ng katakam-takam na sinigang na baboy.

  • Isang kilong laman ng baboy. I repeat, isang kilo lang. Sapat na ito para sa iyong agahan, tanghalian, o hapunan. Pero kung gusto mong dagdagan pa, go ahead. Preferred ang fresh pork para mas maging masarap ang ating dish.
  • Isang tasang sampalok. Dapat maasim ang sampalok na gagamitin mo. Kung hindi, paano kaya magiging sinigang ang “sinigang”? Matamis na sinigang? Eh dapat nga maasim ang dish natin.
  • ½ kutsaritang asin. Sa totoo lamang, depende na iyan sa panlasa mo. Kanya-kanyang trip lang iyan eh. Kung gusto mo ng isang kutsaritang asin, aba, walang basagan ng trip.
  • Apat na pirasong kamatis, hiniwa-hiwa.
  • Isang taling petsay.
  • Isang taling kangkong, pinutol sa 2” ang haba. Huwag ka nang mag-inarte, dapat putulin sa ganoong sukat ang okra. Kung mapilit ka pa rin, wala na akong magagawa.
  • Isang taling sigarilyas, pinutol sa 1 pulgada ang haba. Sundin mo na lang kasi ang recipe.
  • Tatlong pirasong gabi. Puwede mo itong pagputul-putulin.

Ngayong handa na ang ating mga sangkap, magluto na tayo!

Paraan ng pagluto:

  1. Ilagay ang karne sa tubig. Isama ang kamatis at sampalok.
  2. Pakuluin at palambutin ang karne. Siyempre. Anong gusto mo, patigasin pa ang karne? Well, good luck sa ngipin mo kapag ginawa mo iyan. Haha. 😀
  3. Kapag lumambot na ang karne ay ihulog ang gabi.
  4. Kapag malambot na ang gabi ay ihulog ang sitaw, kangkong, sigarilyas at okra.
  5. Hanguin ang sampalok at ligisin ito sa pinaglagaang tubig at salain bago itimpla sa sabaw ng sinigang.
  6. Isama ang asin ayon sa alat at asim. Tutal, ikaw naman ay may sarili nang panlasa. Go ahead.
  7. Serve hot and enjoy. The Sinigang na Baboy is now ready to be served.

Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito. Sana nakatulong ang netizen sa pagbibigay niya sa inyo ng tips sa pagluto ng sinigang na baboy. Tamang-tama ito, yamang malapit na rin ang tag-ulan, at unti-unti na ring lumalamig ang panahon. Have a good appetite ang happy cooking! 😀

Bagoong Alamang Recipe

Good day, readers! Pagkatapos nating magluto ng pancit canton, ngayon naman ay maghahain tayo ng panibagong dish para sa site na ito. Ngayon, maghahanda tayo ng Bagoong Alamang.

Ibinahagi ito ng isang netizen dahil uso na daw ang mangga ngayon. Sa totoo lamang, hindi ko alam kung tag-mangga na din ba ngayon. But anyway, hindi lang ito puwedeng ipangsawsaw sa mangga. Perfect na kapartner nito ang tuyo. De, joke lang! 😀 Bahala ka na kung anong pagkain ang gusto mong ipares diyan, pero mas maganda kung ang kapares nito ay hindi masyadong maalat. B-)


Ito ang basic recipe sa paggawa ng matamis na Bagoong Alamang. Ihanda na natin ang mga ito:

  • ½ kilo salted bagoong alamang. Actually, puwede kang bumili ng bagoong na alamang kahit na hindi salted. Kung ganoon ang nabili mo, saka mo na lang siya lagyan ng asin. Matatawa na lang ako kung salted na nga, eh lalagyan mo pa ng asin. 😀
  • Dalawang kamatis. These should be diced. Pero kung pa-star, pentagon, octagon, o kung anuman ang shape na gusto mong gawin sa kamatis na iyan, bahala ka na sa buhay mo! 😡
  • 4 cloves garlic. These should be diced too. Same instructions as with tomatoes.
  • 2-3 kutsarang puti/pulang asukal. Tanong lang: Bakit kaya pula ang tawag sa brown sugar, eh hindi naman pula ang kulay ng asukal na iyon? Ibig sabihin ba nito na color-blinded ang ilan? 😛
  • Siling labuyo, diced. Hindi na bale kung kulay luntian o pula ang sili na gagamitin sa dish na ito. Sa ngayon, imposibleng gawing dice-shaped ang sili, kaya gagawin nating pabilog ang hiwa.

Sige, lutuin na natin ang ating special dish!

  1. Sa mainit na kawali na may mainit na mantika, igisa ang bawang at kamatis. Anong gusto mo, sa malamig na kawali na solid ang mantika? Kung oo at kaya mong gawin iyan, eh di magaling!
  2. Ilagay ang bagoong.
  3. Ilagay ang asukal, siling labuyo, at suka.
  4. I repeat, pakuluin. Gusto mong ulitin ko pa?
  5. Dagdagan ang suka kapag naaalatan pa rin. The special Bagoong Alamang recipe is now ready to be served.

Perfect ang dish na ito sa kare-kare at sa singkamas!


Maraming salamat sa pagbabasa ng artikulong ito. Sana naaliw kayo sa isa na namang serye na puno ng kuwela at naiibang balita mula sa may-akda. Salamat din sa netizen na nagbahagi ng recipe na ito. Happy cooking! 🙂