Pancit Hugot Recipe

sddefaultGood day, readers! Noong una ay nakapagluto na tayo ng pancit canton the usual way. Ngayon naman, magluluto ulit tayo ng Pancit Canton. This time, gagamit tayo ng hugot upang mas maluto nang husto at manuot ang sarap ng niluluto natin.

Iyan ay ibinahagi sa atin ng isang netizen, at nagdagdag na lang ang may-akda ng ilang detalye, so enjoy kayong lahat habang niluluto natin ito.


Paano magluto ng Pancit Canton?

  1. Bumili ka muna ng pancit canton. Ikaw na bahala kung ilan, tutal, hindi ka naman marunong makuntento sa isa.

Sige, damihan mo pa. Hindi ka mabubusog sa isa? 😡

Sige, kuha pa. Tutal, diyan ka naman magaling. 😡

Saka, yung bago, ha? Hindi yung gaya ng malapit nang ma-expired gaya ng ipinalit mo sa akin. Alam mo naman na change is coming, ika nga. Saka, malalason ka niyan kapag nag-stick ka pa sa malapit nang ma-expired.

  1. Buksan mo nang paisa-isa. Pero dahil sanay ka namang pagsabay-sabayin lahat, buksan mo na lahat. Tutal, pinagmamalaki mo naman sa buong mundo na ikaw ay isang multi-tasking na tao. Lahat nagagawa mong pagsabay-sabayin, pati mga babae. Doon ka naman magaling, hindi ba?
  2. Ihulog mo ang pancit canton sa kumukulong tubig. Yung kasing-init ng pagkulo ng dugo ko nang nakita ko ang kabit mong mukhang homo erectus. At hindi lang mukhang homo erectus. Mukha pa siyang Australopithecus!

Mas lalo pang uminit ang dugo ko nang nakita na nga ninyo ako, naghahalikan pa kayo at ang torrid pa. Aba, sa sobrang kulo ng aking dugo, mas nanaisin ko pang ihulog kayong dalawa sa dagat. Doon na lang kayo maghalikan, yung pang-Titanic ha? 😡

  1. Patayin mo na ang apoy after three minutes, kasingbilis ng pag-iwan mo sa akin. Maganda na nga ako, mas pinili mo pa nga yung pangit. Choosy lang ang peg?

After some moments of our relationship, basta-basta mo na rin pinatay ang feelings mo sa akin. Pinatay mo na rin ang relationship natin para lang sa pangit na iyan.

  1. Panghuli, halu-haluin mo hanggang sa maging okay. Tapos, kapag okay na ang lahat, iwan mo na. Kasi may nakita ka nang iba.

Nice try, umasa ako na magsasalu-salo tayo sa pag-ibig, pero yun pala iiwanan mo din naman ako.

Sanay na sanay ka naman diyan, hindi ba? Mabulunan ka sanang hinayupak ka! XD

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s