Love Advice No. 56

Magandang araw! Pasensya na po kung sa tinagal-tagal ng panahon ay hindi ako nakasasagot sa inyong mga tanong. Sa totoo lamang, sa loob ng mahabang panahon ay naghahanda pa ako noon para sa isang eksaminasyon. Dahil dito ay hindi ko na masyadong naasikaso ang site na ito.

Subalit ngayong tapos na ang eksaminasyon, nagkaroon na ako ng oras para sagutin ang ilang tanong na ibinabato ninyo sa akin. Salamat. 😀 Maikli lang ang aking isasagot, pero sapat na ito para mapunan ang inyong pagkamausisa. Muli, maraming salamat sa inyong pagtatanong. Simulan na natin!


From the reader who asked a question via Search Box:

Advice tungkol sa manliligaw na may anak na

My Advice:

Acceptance is the key.

Sa pagtanggap mo sa kanya, dapat kasama na rin ang kanyang anak.

At this stage, dahil nanliligaw pa lang siya sa iyo, dapat magkaroon ka rin ng background investigation sa kanya. Mahirap na kung sasagutin mo siya, tapos isang araw malalaman mo ang masakit na katotohanan. Baka yun pala, mahal din niya ang kanyang ex.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang isasagot sa tanong niya kung may tiwala ako sa kanya?

My Advice:

Sabihin mo ang totoo.

Mahirap kasi kung sinagot mo siya ng “oo,” kung sa nakikita at nararamdaman niya ay wala kang tiwala sa kanya.

Mahalaga ang tiwala sa relationship ninyong dalawa. Dahil dito, baka maisip mo na kung tanungin ka niya ng ganito, mapapa-oo ka na lang. Pero kung wala ka talagang tiwala sa kanya, sabihin mo na rin.

At hindi lang iyan ang dapat mong sabihin. Dapat talakayin ninyong dalawa kung paano niya maibabalik ang tiwala mo sa kanya. Sa ganitong paraan, kung may trust issues na namamagitan sa inyong dalawa, maaayos iyan sa usapan. Maraming salamat sa pagtatanong. 🙂


From the reader who asked a question via Search Box:

Simpleng bagay na gusto mo ipagawa sa bf mo para makita mo ang effort niya  

My Advice:

Narito ang mga simpleng bagay na puwede mong ipagawa sa iyong boyfriend:

  1. Tumira sa bahay kasama ang iyong mga magulang. Dito mo makikita kung paano siya makaka-reach out sa mga magulang mo. Dito mo rin makikita kung paano siya nag-eeffort para maging maganda ang relasyon niya sa mga magulang mo.
  2. Ipagawa sa kanya ang mga gawaing-bahay.
  3. Magtrabaho siya. Preferred siguro na ipadestino siya sa malayong lugar para makita mo kung gaano siya nag-eeffort para mapanatili ang inyong relationship. Meron kasing mga real-life cases na kung saan nasisira ang relationship dahil magkalayo ang agwat, gagawin ang lahat, mapasaiyo lamang… De. Joke lang! Pero seryoso na ito. Dito mo rin malalaman kung gaano siya kahanda na magtiis para sa iyo.
  4. Mag-aral siya. Dito mo makikita kung gaano siya kaseryoso na paghandaan ang kinabukasan ninyong dalawa. Sabi nga nila, edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan.

From the reader who asked a question via Search Box:

Paano ipadama ang pagmamahal sa isang pagtatalik?

My Answer:

Baka ang ibig mong sabihin ay, “Paano mo maipapadama ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagtatalik?”

Well, depende na iyan sa desisyon ninyong dalawa, sa totoo lang.

Mas maigi sana kung kasal kayo. Sa lagay na iyan, magiging natural na ang pagtatalik ninyong dalawa. Nasa sa inyong dalawa kung paano ninyo gagawing kasiya-siya ang bagay na iyan. Gamitin na lamang ang inyong pagmamahal sa isa’t isa upang maging masaya ang karanasan na ito.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano ang ibig sabihin kung nagsabi ang lalaki na sa right time siya manliligaw?

My Answer:

Hindi pa siya handa.

Alam man niya o hindi kung paano siya manligaw, sinasabi niya sa iyo na hindi pa siya handa. Naghahanap pa kasi siya ng tamang panahon para ligawan ka.

Maaring palatandaan din ito na kailangang maging handa ka sakaling i-push niya ang panliligaw niya sa iyo.

Isa pang ibig sabihin nito ay handa rin siyang maghintay sa iyo.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ibibigay mo ba ang iyong number sa ex mo?

My Answer:

Well, kung iyan pa rin ang number mo before and after kayong maghiwalay, mukhang nililimitahan mo na ang pag-uusap ninyo nung time na magsyota pa kayo. Pero kung iyan na ang bagong number mo, sarili mo nang desisyon kung ibibigay mo ba iyan sa ex mo. Ikaw kasi ang mas nakakakilala sa kanya.

Normal na sa ating mga tao na makipag-usap sa kapwa. iyon ang isang dahilan kaya maari mong ibigay ang iyong number sa ex mo. Walang problema kasi in the first place, past is past. Alam mo na sa sarili mo na hindi mo na siya maaring balikan pa.

Isa pang dahilan ay baka may nais siyang sabihin o dahil feel niya ay may dapat na ayusin sa inyong dalawa. Baka sakaling dahil dito ay magkabalikan kayo. 😀

Walang problema kung ito ay may kinalaman sa inyong trabaho o anumang pinagkakaabalahan ninyo. Nagkataon lang kasi na pareho kayong nagtatrabaho o pareho kayong magkasama.

Mas maiging tanungin siya kung para saan niya ito gagamitin. Dito mo kasi malalaman kung sinasamantala niya ang pagkakataong kuhanin ang number mo o hindi. Anyway, kung feel mo na ginagamit niya ito sa paraan na ayaw mo, tulad ng sobrang pang-iistalk, puwede namang magpalit ng number.


From the reader who asked a question via Search Box:

Masama po bang magkaroon ng crush sa pinsan?

My Answer:

Walang masama dito.

Iyon ay kung hindi mo siya first cousin.

Crush is paghanga. Wala talagang problema dito, kaya huwag ka nang mag-alala.

Pag-ingatan mo lang na huwag ma-develop sa first cousin mo, dahil labag sa batas iyan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s