Love Advice No. 57

From e-mail:

Hihingi lang po ako ng payo kung ano ang dapat kong gawin.

Ganito po iyon: May kaibigan akong babae. Naghiwalay sila ng boyfriend niya tapos agad ko naman siya kinomfort. [Makalipas] ang limang araw, naging maayos na siya. Tinanong ko siya kung pwede ko siyang ligawan. Pumayag siya.

Kaso, sabi [niya na] kapag tuluyan na siyang naka-move on ay saka siya papayag. Lagi ko siyang ka-chat. Minsan, niyaya ko siya na gumala at pumayag naman siya.

Kinabukasan, hindi na niya ako kinakausap. Madalang na siyang mag-chat sa akin, hindi na yung tulad ng dati na lagi kaming nag-uusap. Naguguluhan na kasi ako sa pinaparamdam niya [sa akin].

Gusto ko sana siyang tanungin na kung naka-move on na siya, may pag-asa ba ako sa kanya? Ano po ang dapat kong gawin? Maraming salamat po. More power sa inyo.

My Advice:

Maghintay ka sa kanya.

Hindi kasi komo nag-break up na silang dalawa, ay puwede mo siyang ligawan agad-agad. Walang ganoon. Ano iyon, ayaw mong pagpahingahin ang dalaga? Kailangan din niya ng pahinga. Hindi puwede ang kasabihang “Walang tulugan.”

May pag-asa ka ba sa kanya? Meron naman. Maliit nga lang. Lalo sa sitwasyon ninyo ngayon. Pero huwag mag-alala. Makinig ka muna. 😀

Hard system

Iyan ang mahirap sa sistema ng panliligaw sa atin ngayon. Hindi mo alam kung gusto ka ba ng babae o hindi. Iyan ang isang bagay na natalakay ko na sa nakalipas na love advice. At kapag nasabi na natin na gusto natin siya, o kapag natanong natin siya kung puwede na ba siyang ligawan, hindi natin maintindihan kung ano ba ang magiging reaksyon ng babae. Ito ang isa sa ikinasasakit ng ulo at ikinapapraning nating mga lalaki.

Lalong hindi natin maiintindihan kung ano ba ang mangyayari sa inyong dalawa matapos mong tanungin ang bagay na iyan o sabihin ang feelings mo sa kanya. Maaring iwasan ka niya. Maaring iyon pa rin ang turing niya sa iyo at hindi na iyon magbabago. Maaring i-zoned ka niya. O di kaya tanggapin niya iyon dahil naappreciate niya iyon.

Don’t assume

Mahirap ang umasa. Bakit ko ito nasabi? Sinasabi ba niya o pinaparamdam ba niya sa iyo na gusto ka niya? Base sa sinabi mo, hindi naman niya pinaparamdam na may gusto siya sa iyo.

Isa pa, hindi komo lagi kayong magka-chat, eh ibig sabihin nito gusto ka nga niya. Sa nakikita ko, hindi pa handa ang dalaga na umibig pa ulit. Maaring masakit para sa kanya na maghiwalay sila, pero hindi ito ibig sabihin na desperada siyang maghanap ng bago.

Kung puwede lang sana, hayaan natin ang mga babae na magsabi ng kanilang nararamdaman sa lalaki. Para quits lang. Bahala sila kung kikilos sila para ligawan sila ng napupusuan nila. Dapat nga eh saka na lang tayo mag-eeffort kapag nasabi nila ang nararamdaman sa atin, di ba?

Kapag tuluyan na siyang naka-move on, saka mo pa lang siya ligawan. Siya na mismo ang nagsabi. At paano mo naman malalaman kung nakamove-on na siya? Maari mo siyang tanungin ng mga bagay na related sa ex niya. Kapag iyon ay kanya pang iniyakan, at hindi pa rin siya masaya sa kanyang ginagawa o sa trabaho, malaki ang posiblidad na hindi pa siya nakakamove-on. Isa pa, kung nakikita mo sa kanya na ginagawa niya ang isa sa mga tips na ibinahagi ko sa Love Advice No. 3, ibig sabihin nito eh unti-unti na siyang nakakamove-on.

Final Words

Isa pang bagay: Hayaan mong makita niya ang halaga niya sa iyo bilang kaibigan. Malay mo, baka dahil dito, unti-unti siyang ma-in love sa iyo. The mere fact na kino-comfort mo siya ay isang magandang simula. Ibig sabihin nito, nang nahulog ang dalaga, sinalo mo siya. Ang problema nga lang ay kung paano mo siya patuloy na sasamahan. Dito niya matatanto na “habang iniwan ako ni ex, nandiyan siya para sa akin.”

Maraming salamat sa pagtatanong. Sana nakatulong ang aking payo. More power din and God bless sa iyo. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s