Love Advice No. 58

From the reader who asked a question via Search Box:

Kung tatanungin ka ng boyfriend mo kung bakit mo siya sinagot, ano ang sasagutin mo?

My Answer:

Kung ano ang nasa puso mo, iyon ang dapat mong isagot sa kanya.

At dapat mong sabihin ang totoo.

Mahirap kasi na itago ang totoong dahilan kung bakit mo siya sinagot.

Sa totoo lang, maraming puwedeng pagpiliang sagot sa tanong na iyan. ^_^

Balikan mo ang moment na sinagot mo siya. Nasuri mo na ba ang mga katangian niya? Gaano mo siya kilala? Meron bang isang bagay na nasa kanya na nagustuhan mo? Ang lahat ng iyan ang puwede mong ikonsidera upang makapagbigay ka ng sagot sa boyfriend mo.

Pero kung wala ka talagang maisagot, ito ang puwede: “Meron kasing kakaibang feeling dito sa puso ko eh kaya sinagot kita.” Mukhang reasonable ito dahil mararamdaman mo rin naman na siya talaga ang dapat mong piliin na maging boyfriend. Maraming salamat sa pagtatanong. 😀


From the reader who asked a question via Search Box:

Ano kayo ng manliligaw mo kapag naghintay siya sa sagot mo?

My Answer:

Baka ang ibig mong sabihin ay ito: “Ano ang status ninyong dalawa habang naghihintay siya sa sagot mo?”

Simple lang. Maaring kayo’y “Relationship pending,” “Relationship-in-process,” “Feeling mag-on pero hindi,” “Relationship in transit,” o di kaya ay “M.U.” Puwede ring “Sweet daw pero kulang sa tamis.” Haha. Sa totoo lang, hindi pa talaga kayo. Yun lang. 😀


From the reader who asked a question via Search Box:

Bakit namimiss ng lalaki ang kanyang ex-girlfriend?

My Answer:

Hindi kasi basta-basta mabubura ang pag-ibig niya sa kanyang ex.

Ang relationship kasi, puwedeng basta-basta putulin. Pero hindi basta-basta mabubura ang feelings nila sa isa’t isa. Bakit, porke ba split na sila, wala na sila agad feelings? Nagmamadali ka?

Maaring namimiss niya ang kanyang ex-gf dahil may mga alaala na gusto niyang balik-balikan, mabuti man o hindi. Siyempre pa, ito ang nagpapasaya sa kanya o nagpapaalala sa kanya ng mga bagay na dapat niyang matutunan.

Sa panahon na sila’y magsyota pa, unti-unting nabubuo ang samahan sa isa’t isa. Kaya kapag dumating sa punto na mangyayari ang hiwalayan, siyempre hahanap-hanapin niya ang ganitong klaseng samahan. Wala kasi itong katulad. Iba ang pakiramdam kapag kasama niya ang kanyang ex.


From the reader who asked a question via Search Box:

Ibig sabihin kapag kinuwento ng bf ang kanyang ex sa kanyang current gf

My Answer:

Wala siyang itinatago sa current gf.

Ibig sabihin nito, normal lang para sa kanya na ikuwento ang kanyang karanasan.

Isa ito sa mga bagay na gustong gawin ng lalaki para kilalanin siya ng kanyang current gf.

Puwedeng gusto niyang i-share ang mga magagandang katangian ni ex na puwedeng (o dapat) taglayin ng current gf.

O di kaya, isa itong pahiwatig o hamon na hindi uulitin o gagawin ng current gf ang naging pagkakamali ng ex niya sa lalaki.


From the reader who asked a question via Search Box:

Pag ang lalaki ba nag-alok kaagad ng halik kahit hindi pa matagal ang relasyon, tunay ba ang nararamdaman niya para sa iyo?

My Answer:

Depende na iyon sa lalaki.

Maaring tunay ang kanyang nararamdaman. Maaring hindi.

Ano’ng meron kapag nalagay ka sa ganitong sitwasyon? Ito kasi ay isa sa mga paraan kung paano niya ipapadama na mahal ka niya.

Inalok ka lang ng halik, nag-alinlangan ka pa? Pero wag kang mag-alala. Makikita mo sa kanyang sinasabi at ginagawa kung tunay ba ang nararamdaman niya sa iyo.

In actual practice, may mga magsyota na naghahalikan kahit na hindi pa matagal ang kanilang relasyon. Makikilala mo sila, basta lumingon ka lang sa paligid. Maraming salamat sa pagtatanong. 😀


From the reader who asked a question via Search Box:

Mga ahensya na dapat lapitan laban sa tiwaling pulis

My Answer:

Maghanda muna ng ebidensya na gagamitin laban sa kanila. Ano pa ang dapat mong gawin?

Maaring lumapit sa isang abogado para mag-asikaso ng isasampang kaso laban sa mga tiwaling pulis.

Maari ding magreklamo sa pulisya, o ireklamo ang naturang pulis sa 8888.


From the reader who asked a question via Search Box:

Paano ba matatagpuan ang iyong forever?

My Answer:

Hanapin mo siya.

Mukhang may sense ang kasabihang “Huwag hanapin ang pag-ibig, ito’y darating sa iyo.” Kasi naman, may mga bagay at pangyayari na hindi natin inakala o inaasahan. Baka sa isang iglap lang, ang dating kaaway mo eh yun pala ang taong para sa iyo.

Pero siyempre, hindi ibig sabihin nito ay tutunganga ka na lang at maghihintay ng grasya. Dapat pagsikapan mo din na matamo ito. Hanapin mo siya. At huwag mo nang hintayin na siya pa ang maghanap sa iyo.


From the reader who asked a question via Search Box:

Kung hindi ka pa rin tutugon english translation      

My Answer:

Ito ang salin sa wikang Ingles:

If you still don’t respond/reply

Sana natulungan kita sa pagsasaling ito. Maraming salamat sa pagtatanong. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s